Chapter 51

3.4K 226 20
                                    

Nanginginig ang kalamnan ko ng makauwi. Kahit na nakauwi kami ay maraming tao sa bahay dahil sa pag iimbestiga. Hanggang ngayon ay patuloy ang paghuli kay Genevive na nakatakbo.

"L-Lola... Tubig po." alok ko kay lola at binigay sa kanya ang tubig.

Agad namang umalalay sa kanya si Frosto. "La, sasamahan po kayo ng katulong sa inyong kwarto. Huwag na po kayong mag isip at ako nang bahala. Wala pong masasaktan." malumanay ang boses ni Frosto na sabi kay lola.

Kinagat ko ang labi at pinipigilan ang maiyak. Sa totoo lang nanginginig ang kalamnan ko.

"Hija Sol." nilingon pa ako ni lola. "Ayos kalang?"

"Lola ayos lang ako. Mag uusap lang kami ni Frosto. Kami nang bahala."

Parang ayaw pang umalis ni lola ngunit sa huli ay nagpaubaya siya.

Agad akong niyakap ni Frosto ng mahigpit. Dito na kami nagkita sa bahay ni lola. Kanina ay may mga dumating lang na ibang armado kaya kung bakit kami nakaalis doon.

Ganoon ba ka eksperto si Genevive kung bakit hindi parin siya natutugis? I mean maraming tauhan na si Frosto sa paghahanap sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi siya mahuli huli.

"Nahuli na si Genevive." balita niya sakin. Nanlaki ang aking mga mata at tinitigan siya.

"Talaga? S-Saan na siya ngayon? N-Nakausap mo ba siya? N-Nakulong na?" hindi ko maiwasan ang maraming tanong.

Nakitaan ko ng galit ang kanyang mga mata saglit.

"Nakakulong na siya." simple niyang sagot. "Sisiguraduhin ko na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay niya sa anak ko at pagpapahamak sainyo Sol." aniya habang hinahaplos ang aking buhok.

Napalunok ako dahil alam ko at nararamdaman ko kung gaano kamahal ni Frosto ang anak niya.

Alam ko na ang ibang armado na nandito at tauhan ay nakatitig samin pero inabot ko ang mukha ni Frost at hinaplos.

"Ayos kalang ba?" mahinang tanong ko. Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang bibig.

"Mas nag aalala ako sayo." Aniya habang hawak na ngayon ang magkabilang  pisngi ko. Namula ang kanyang mga mata habang tinititigan ang aking mukha. Sa huli ay binaon niya ang aking mukha sa kanyang dibdib at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ko na kayang umalis ka na wala ako. If only you knew how scared I am while you are in danger." anas niya at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Napapikit ako ng mariin. Ito ang kahinaan ko. Ang makita ring mahina si Frosto at alam ko na ako ang kahinaan niya.

Lumipas ang isang linggo at sunod sunod na ang balitang aming natanggap. Nailabas na raw ang warrant of arrest nila lolo at papa. Kasalukuyan rin na dinadakip sila sa Mindoro. Ilang buwan rin akong walang balita sa kanila ayon narin sa kagustuhan ni Frosto.

Wala akong naramdaman ng oras na iyon. Pakiramdam ko ay masaya si mama ngayon dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng hustisya para sa kanya.

Panay rin pabalik balik ang mga tauhan ni Frosto dahil doon.

Ang proseso ng kaso ay si Frosto ang namamalakad ngunit ayaw niyang mastress ako ng lubos kaya limitado lang ang nalalaman ko hanggang sa ngayong araw.

Umalis na ang dalawang tauhan niya na kausap kasama ang aming abogado. Nilingon ko siya at niyakap.


Sobrang tangkad niya kaya di ko siya masyadong maabot.

Naramdaman ko ang pagyakap ng kanyang braso sa aking baywang.

"Salamat Frosto. A-Alam kong masaya ngayon si mama." sabi ko sa kanya. Narinig ko ang yapak at nakitang si lola iyon naglalagay ng pagkain sa mesa dito sa sala.

"I will do anything for you, my Soledad." bulong niya.

"Hija, Hijo, kumain muna kayo ng bilo bilo." si lola. Maaliwalas ang mukha ni lola lalo na at masaya siya sa balita ni Frosto.

Umupo kami sa sofa at ganoon rin si lola. Hinawakan agad ni lola ang kamay ko.

"A-Ang daming nangyari na apo pero masaya ako sa buhay na natamo mo ngayon." hinaplos ni lola ang buhok ko.

"Ako rin lola." may luhang tumakas sa mga mata ni lola at parang kinukurot kurot ang puso ko. Hindi niya man sabihin ay alam ko na miss na miss niya na si lolo.

"La, kapag ayos na ang lahat. Iuuwi ko kayo sa Mindoro." si Frosto na ikinagulat ko. "Nag hihintay doon ang mga ka baryo niyo sa inyo. I'll make sure na maayos ang pamumuhay niyong lahat doon."

Ngumiti si lola kay Frosto. "Pagpalain ka ng maykapal hijo. Hindi ako nagkamali sayo. Alam ko na mas maayos ang buhay ni Soledad sayo. Kung ako man ay mawala alam ko na-"

Ginanap ko agad ang kamay ni lola at malambing siyang tinitigan. "Lola... Hindi ka naman mawawala. D-Dito kalang please." bumara ang aking lalamunan sa tuwing iisipin ko na ang babaeng nagpalaki sakin ay mawawala at hindi ko na kailanman mahahawakan at mayakap muli.

Ngumiti si lola sakin."Hmm. Ikaw talaga. Manang mana ka kay mama mo ngunit mas preska ka at sadyang maganda Sol." sabay tingin ni lola kay Frosto na titig na titig sa mga galaw ko.

Lumapad lalo ang ngisi ni lola. "Alam mo ba hijo...Noong second year high school itong si Soledad? Ang daming pumupuntang anak ng kongressman at mayor sa baryo namin para sa kanya!"

Nangunot ang aking noo dahil hindi ko iyon alam!

"H-Ho?"

Tumango tango si lola. Si Frosto naman ay napaayos ng upo.

"Oo! Hindi ko lang sinabi at busy ka noon sa pag aaral mo at pumupunta punta rin doon si Frosto sa atin para mamigay ng ayuda."

"B-Bakit raw ho lola? M-May kailangan sila sa akin?"

"Hay! Sadyang inosente ka talaga Sol. Alam mo minsan ang sobrang kagandahan ay nagdudulot ng masama kaya ayokong sabihin sayo at ipakita ka sa mga iyon!"

"I am planning our wedding lola. Kung gugustuhin ko lang sana ay sa lalong madaling panahon." aniya ni Frosto kaya tinitigan ko ang engagement ring ko sa daliri.

Nalaglag naman ang panga ni lola. "Naku! Ako naman ay botong boto sayo hijo!" sabay ngiti ni lola sakin. "Alam ko naman na alagang alaga mo ang apo ko. Kitang kita ko ang pag babago ni Soledad ng nasa puder mo at masaya ako dahil doon hijo. Alam ko na hindi mo siya pababayaan."

"Yes lola. I will do anything for her. But of course, gusto ko rin na nasa amin ka. Alam ko na gusto ni Soledad na kasama ka palagi at mas pabor ako na nasa puder ko kayong dalawa."

Niyakap ko si lola ng mahigpit. Naiiyak ako sa mga nangyayari. Halo halo ang aking nararamdaman ngayon. Masyadong punong puno ng pagmamahal ang aking dibdib.


Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon