KABANATA 41

4.8K 343 32
                                    


Sa dami kong' iniisip ay hindi ko na alintana ang oras. Hindi ko maisip kung ano ang uunahin. Nawala ang takot ko sa mga Septimo at napalitan ng pagkablangko ng damdamin.

Kung iba ang nangyari, kung hindi si Max Septimo ang isa sa gumahasa kay mama siguro. . . mamahalin ko siya ng lubos. Ngunit ngayon, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Wala akong nagawa ng iwanan ako dito sa hotel kasama si Frosto. Hindi ko aakalain na magkakasama kaming dalawa muli.

Siguro nga nag aalala si Frosto sa akin dahil may gustong pumatay sakin at iyon ay si Genevive. Hindi ko inaakala na bukod sa lolo at papa ko ay may ganon rin na tao, katulad ni Genevive.

Sa hindi malamang dahilan ay biglaan ang ulan. Tumawag rin sakin si Austin ngunit si Frosto ang sumagot. Nag usap silang dalawa habang ako ay nanatili dito sa sofa at maraming iniisip.

Kalaunan ay bumalik si Frosto. Kumalabog ang dibdib ko. Siya, na nakadark gray polo halatang galing sa trabaho ay nasa harapan ko. Nakadungaw siya sa akin. Malamlam ang kanyang titig sakin habang inaabot ang cellphone ko.

"Your papa keep on calling Austin."
Sabi niya sakin.

Tumango ako at napabuga ng hangin. Napaka stress ng nangyayari pero napanatag ako dahil maayos si lola.

Natanto ko na nakita niya ang wallpaper ng cellphone ko. Ako na nakaputing t shirt at naka peace sign.

"A-Ano pang sabi niya? Anong sabi mo sa kanya?"

"Told them the truth. Na. . .andito ka sakin. Di ka muna babalik doon."

Umawang ang labi ko. Gusto ko pa sanang magsalita pero may nag bell sa pintuan. Nilapitan niya iyon.

Habang papalapit siya doon ay kita ko ang pagbabago niya . Matagal tagal rin kaming hindi nagkita. May mga hindi na ako naalala sa pisikal niya na anyo na nakakagulantang ngayon para sakin.

Mataas siya. Sa edad niyang 29 ay bagay na bagay sa kanya ang height niya. Lalaking lalaki. Siya iyong tipo na nababagay sa isang opisina. Ceo type, seryoso at nakakaintimida.

Nilock niya ang pintuan pagbalik niya. Nakita kong may bitbit na siyang paper bags at sa kabilang kamay niya ay may tray ng pagkain.

Dahil hindi ako sanay na hindi tinutulungan ang taong nasa ganyang sitwasyon ay tumayo ako at tutulungan sana siya kaso. . .

"Don't. . .maupo ka doon." sabay nguso niya sa mesa sa kusina nitong kwarto. Hindi kasi ito tulad ng nakikita ko sa tv na kwarto lang. May sala itong kinuha niyang hotel , may kusina at may isang kwarto. Malaki rin ito at halatang parang bagay sa isang babae.

"P-Pero. . ."

Nilampasan niya ako at nilagay sa mesa ang pagkain. Sumunod ako doon at nakitang lugar iyon at mainit init pa.

"Here's the clothes. Pwede kang' magbihis muna bago kumain. Depende saiyo."

Hawak niya ang dalawang paper bags at iniabot sa akin.

"Salamat.Siguro bibihis muna ako."

Tumango siya. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata.

"Alright and we'll talk."

Halos mangatog ang aking tuhod. Kinagat ko ang labi at tinitigan siya.Nanghahamon ang mga titig niya sa akin.

"Okay, t-tungkol naman saan?"

Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Pakiramdam ko mas lalong lumamig dito lalo na at umuulan. Nakikita ko ang bawat patak ng ulan dahil sa glass wall na veranda nitong kwarto.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon