Kabanata 48

4.2K 265 34
                                    

Naging busy na si Frosto sa trabaho at busy rin ako sa aking pag aaral. Naninibago ako dahil sa nakikita ko ang sarili ko sa magazine,  minsan sa telebisyon. Natanto ko na sobrang kilala nga ang mga Grey dito sa Pilipinas. Kahit na hindi pinagyayabang sakin ni Frosto kung gaano sila kayaman, alam ko na sa oras na alamin ko iyon ay malulula ako. 


Nasa classroom ako at tinititigan ang mga kaklase kong' nag uusap. Hindi sana ako pwedeng pumasok dahil sa baka maulit ang nangyari noon. Nasabi rin sakin ni Frosto na si Genevive ay nawawala sa sarili at baka ako ay kanyang masaktan. Pero baka naman hindi na iyon mauulit lalo na at may dalawang body guards ang nakabantay sakin. 


Hindi ako pabor sa kagustuhang ito ni Frosto pero para lang makapasok ako ay pumayag ako sa gusto niya. Ang daming nagbago. Ang kapaligiran na nakagisnan ko. Ang mga napagdaanan ko ay nagpamulat sakin kung paano maging mabuti sa aking kapwa. 

Maya maya pa ay nilingon ako ng mga kaklase ko at nilapitan. Napaayos ako ng upo. May iniinom pa akong juice in can dahil vacant subject namin ngayon.

"Soledad, totoo nga talaga ang chismis!" sabi ni Tala sakin. Nangunot naman ang noo ko at tinigil ang pag inom sa juice. Tinitigan nila ako. 

Kailanman talaga ay hindi ako masasanay na sa akin ang atensyon ng sinuman. Nasanay kasi ako noon na halos hindi kami pinapansin sa daan.

"C-Chismis?" kinabahan ako. Wala naman akong ginawa ah! "Tungkol kanino?"

Tinitigan ko isa isa sina Tala, Cristal at Nica. Sa mga kagamitan palang nila,pananamit, paggalaw ay hatala talagang mayayaman.

Ngumisi sakin si Tala at pinakita sakin ang pictures namin ni Frosto na nakita ko rin noong kailan! Bigla silang tumili!

Napatabon ako ng aking tenga dahil sa lakas ng tili nila!

"Grabe talaga akala ko guni guni lang namin na makita na sinusundo ka ng ganoong lalaki pero totoo nga talaga! Tsaka masyado kang malihim samin!" ungot sakin ni Nica at pumwesto na nga sila sa tabi ko.

Ngayon hindi ko na talaga alam kung paano iexplain sa kanila. 

Ngumiwi ako at inayos ang buhok ko.

"A-Ano ba ang dapat kong unahing sabihin?" mahina kong tanong sa kanila. Ngumuso si Tala, tila nag iisip.



Ngumuso ako at tinitigan sila. Kasi kung ako magkikwento.... baka sabihin ko lahat at baka pagsisihan ko sa huli. Last time sabi ni Frosto, ang mga pribadong bagay hindi dapat ipaalam sa iba.


"Eto! May naisip ako! Saan kayo unang nagkita?" ayon! Mukhang maayos ang tanong ni Tala.

Ngumiti ako at inalala ang mga pangyayari noon.

"Alalang alala ko pa noon. Sa baryo namin na mga mangyan. Namigay sila ng mga pagkain samin at sabi ng kapitbahay namin ay tinanong raw sila ni Frosto kung ano raw ang pangalan ko."

Nakita ko kung paano sabunutan ni Tala si Nica at Cristal! Nanlaki ang mga mata ko. Si Cristal naman ay hinampas ang mesa at tumayo. Tila binudburan sila ng asin.

"Shit!" malutong niyang mura. "Kailangan ko nang mag boyfriend!"

Hinila siya ni Tala at napaupo muli.

"Sshhh! Moment ito ni Soledad! Bukas sayo naman!"

Tumango si Cristal at humarap sila sakin.

"Pero anong ginagawa mo ng una kang makita ni Oh-so-hot-fafa-Frosto?!"

Tila nag vibrate ang kilay ko ng marinig ko ang tawag niya kay Frosto. Pero alam ko naman na biro niya lang iyon.

Ngumiti ako at nag isip. "Nasa balon ako. Naliligo."

Napahampas ulit si Tala. "Magtatanong ako ulit! Shhhh!" pinatahimik niya ang dalawang kaibigan. "Please shut up okay? We have to know what's the secret of Soledad so.....makabingwit tayo ng katulad ni Frosto! Acck!"

Tinulak tulak nila ako kaya napatawa ako. This. This moment is so genuine. Lahat. Iyong tao sa paligid ko. Nakikitawa ako sa kaibigan na alam ko na pure ang pakikipagkaibigan sakin.

"Ito last na." sabi ni Tala. "Nag sex na ba kayong dalawa? Hmmp!" napapikit pa siya tila nanggigigil!

Napatigil ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ba?!

"Ayyh! Namumula siya at hindi makasagot! Alam na namin!" Si Cristal at namula rin sila.

"You are so lucky!" si Nica. "Kung sabagay. Ang ganda ganda mo. Nakaka insecure ka talaga. Kahit sinong lalaki maiinlove talaga sayo.Fuck! Kailangan ko na ng ka-fuck buddy Tala! Please log in ka sa omegle!"

"Oh sure!" sagot ni Tala.

"Pero Sol. May alam ka na bang positions? You know??" si Nica, humabol pa habang uminom na rin sa juice si Tala at Cristal.

Tumango ako. "Oo. Ceo at Secretary-"


Natigil ako ng mabulwak ni Cristal at Tala ang kanilang juice sa mukha ni Nica. Tawang tawa sila!

What??

"N-Napano kayo?" tumingin tingin ako sa paligid kung ano ang pinagmulan ng kanilang tawa.

Tinuro ako ni Tala. "Shet! Saan ka galing na planet ba? Positions!! Sa pag sex!"

Mas lalo akong naguluhan at ng magets ko sa huli ay namula ako.

"Hindi naman sinabi ni Nica kung anong klase."

Hinila ako ni Nica sa kamay. Gusto niyang bumulong. "Basta! Try mo minsan iyong sipsipin mo iyong penis niya!"

"Uh, nagawa ko na iyon."

Napalayo siya bigla at tinitigan ako na tila isa akong alien.

"Totoo nga siguro ang kasabihan na kung sino ang inosente ay siya pa ang wild!"

Ngumuso ako at nakinig pa sa kanilang sinasabi. Halos sa dami nilang suggestions ay hindi ko na matandaan kung ano ang iba!

Ngayon lang ako nagkaibigan na ganito ka ma-experience kaya hindi ko alam ang sasabihin ko sa ganitong usapan.

"Basta. Ang swerte mo talaga Soledad. Tsaka bet ko sana iyong Faustino, ang kambal niya. Balita ko nga na prostitute raw ang napangasawa niya."

Umiling ako sa kanila. Ayaw kong' masama ang tingin nila kay ate Ava gayong napakabait niya at hindi siya prostitute! Mga tao talaga!

"Hindi ganoon iyon. Si ate Ava, napakabait. Siguro sa club siya noon nagtatrabaho pero trabaho lang iyon. Hindi ganoong tao si ate Ava. Kung prostitute siya, e ano ngayon? Ang importante mabait siyang tao. May mabuting puso at lalo lalo na walang inaapakan na kapwa."









Pumalakpak si Tala. "Grabe! Ang bait mo! Pakiramdam ko tuloy ang demnyo ko na dahil nagpapakabit ako."

Namilog ang mga mata ko! Kinagat ko ang labi dahil ayokong husgahan sila.

Sapo ni Cristal ang dibdib at itinuro ang dalawa. Umiwas naman si Nica. 

"L-Lahat tayo.. K-kabit?" Nautal si Cristal at hinding hindi ko nakakalimutan na nagpapakabit pala silang tatlo dahil may mga asawa ang kanilang mga pinagnanasahan.






Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon