KABANATA 19

4.7K 328 35
                                    

Isang babaeng maamo ang mukha at may pagka pula ang buhok ang nasa aming harapan.

Nakakamangha. Ang lugar, ang mga tao ang mga pangyayari. Sobrang namamangha ako.

Nasa tabi ko si Frosto at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"Ang ganda niya no?" tumingala ako kay Frosto. Nakatitig pala siya sakin kahit na patuloy ang seremonya.

"Hm." tango lamang ang kanyang tugon. Kinagat ko ang labi ng senswal na humaplos ang kanyang kamay sa aking baywang at naramdaman ko ang labi niya sa aking tenga.

"But you're beautiful Sol."

Ngumisi ako sa kanya at eto na naman ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti ako sa kanya. Parang natutulala siya. Pinilig niya ang kanyang ulo at kinagat ang labi.

"Ano ang pangalan ng asawa ng kambal mo?" tanong ko.

Napapalingon sa amin ang ibang bisita. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa akin sila mismo tumitingin?

"Ava." sagot niya na sa akin na nakatingin.

Tumango tango ako. May nakita akong babaeng may edad na pero maganda parin. Ang buhok ay medyo kulay pula rin at umalis siya sa kasagsagan ng seremonya.

"Son," isang lalaki ang lumapit sa amin pagkatapos ng kasal. Nagkalat ang mga dumalo at dumapo ang tingin ko agad sa mga pagkain.

"Dad." sagot ni Frosto kaya natuod ako. Papa niya!

Napanga-nga ako at tulala sa lalaking nasa harapan ko! Parang si Frosto talaga pate ang tindig ng katawan!

Huminga ng malalim ang papa ni Frosto. Malamlam itong nakatitig sa akin at tila ba isa na naman akong problema na kinaaawaan niya.

Bakit ganon?

"Puwede mo ba akong maipakilala sa magandang binibining kasama mo Frosto?" sabay ngiti niya sa akin.

Humawak ako sa braso ni Frosto at dumikit sa kanya sa takot ko sa papa niya.

Hinalikan naman ni Frosto ang buhok ko.

"She's Soledad. Soledad, ama ko si Paulino."

Dahan dahan na nag abot ng kamay ang papa niya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay niya.

"Tapatin mo nga ako hija, nobya ka ba ng anak ko?"

"Dad." malamig ang boses ni Frosto.

Umiling iling na agad ako dahil nanliligaw palang sa akin si Frosto.

"M-Manliligaw ho si Frosto s-sir."

Humalakhak bigla ang papa niya tila ba hindi inaasahan ang panliligaw ni Frosto. Kinagat ko naman ang aking labi. Kalaunan naman ay naging seryoso ang papa niya.

"Lets talk later."

"Yes dad."

"Your twin would like to know Soledad too."


Umiwas lang si Frosto at hindi sumagot sa kanyang ama.

Ilang sandali ang lumipas. Hindi gaano kadami ang bisita kaya pagkatapos nun' ay nakalapit agad ang kambal ni Frosto. Halos mamangha ako sa kambal niya at sa asawa nito.

Parang napaka perpekto nilang dalawa.

"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ng babaeng kanina ko pa tinititigan. Nakabihis narin siya at ang sexy niya!

"S-Soledad po."

Nakahawak si Frosto sa aking baywang at ng titigan ko ang kambal niya ay sumimsim ito sa alak sa kamay at nanunuyang tinitigan si Frosto.


Unang Halik Where stories live. Discover now