Chapter 50

3.9K 265 25
                                    

Namumula ako ng husto habang kumakain kami ni Frosto. Nakaupo ako sa kanyang kandungan at kumakain kaming dalawa ng aking dalang ulam at kanin.

Magana siyang kumain habang ako ay paunti unti lang. Dapat hindi na ako mabibigla kasi palagi namin itong ginagawa. Ngayon alam ko na ang bagay na ginagawa ng isang nasa relasyon.

Nang uminom siya ng tubig ay kinain niya naman yung mga cookies ko.

"Masarap ba ang cookies ko?" tanong ko sa kanya. He laughed a bit like he's thinking a different meaning to my question.

"Ofcourse." aniya na tumatawa pa at yumuyogyog ang balikat.

"Bakit?" nilingon ko siya na nagtataka. Ngumuso ako ng singhutin niya ang aking leeg.

"Your cookie is always delicious for me." he giggled and kissed my lips.

Nakaupo ako sa kanyang kandungan at konti nalang ang natira sa aming pagkain. Nakalingon ako sa kanya ng maalala kung anong cookie ang ibig niyang sabihin!

Halos masapo ko ang noo. Nakakalimutan ko na ang mga naisip ko kanina dahil sa nangyari samin dito ni Frosto.

"A-Ang bastos mo talaga!" kinurot ko siya sa gilid at umungol lamang siya pero may ngisi ang labi.

Sakto namang pumasok ang secretary ni Frosto kaya natuod ako sa kinauupuan. Alam ko na ilang beses na ito nila nakita pero hindi parin ako sanay.

"Sir Frosto, pasensiya sa abala." aniya ng secretary niya. Si Frosto naman ay biglang nagseryoso at tila hindi nagustuhan ang pagpasok ng secretary niya.

"Uh oras na po kasi ng meeting niyo ni Miss Rose Ocampo. Actually nasa lounge po sa labas nag aantay."

"Oh." nilingon ko siya dahil mag aalas na nga pala. "Frosto may meeting ka pala." agad kong nilinis ang aming pinagkainan.

"Stay here. Ako na maglinis niyan. No rush Sol." kinuha niya sakin ang mga kinainan namin.

"Ah sir ako na po!" agap ng secretary niya ng makitang si Frosto ang naglinis at hindi ako.

Nag antay ako sa may sofa ng office ni Frosto ng dumating na ang ka meeting niya. Nakaharap ako sa kanila at medyo nasa malayong banda. Ang babae naman ay nakatagilid at si Frosto sa kanyang mesa.

Sanay akong maraming nakakausap si Frosto na babae at minsan tinatanong ako ni lola kung nagseselos ba ako?

Iyon rin ang tanong ko sa sarili ko minsan. Siguro nagselos ako noong nagbreak kaming dalawa. Pero ngayong alam ko na nakabigkis ang damdamin naming dalawa. Nagmamahalan kami at sigurado akong  hindi gagawa si Frosto na ikasisira naming dalawa.

Tawa ng babae ang nakaagaw ng pansin ko at nilapag ko ang magazine para titigan silang dalawa. Pero imbes na si Frosto ay nakatingin sa kanya ay sakin siya nakatingin. Ngumisi ako sa kanya at umayos siya ng upo.

I spend my after inside his office at nakatulog pa ako sa sofa. Nagising ako sa kanyang mumunting halik sa aking labi.

"It's already six." paos ang boses niya ng magising ako. Umayos ako ng upo at nakita ang paglubog ng araw sa babasaging dingding.

"Tapos na ang meeting mo?" inayos ko ang aking buhok habang nakaluhod siya sa harapan ko.

Naka polo siya ngayon na bukas ang iilang butones. Hinaplos niya ang aking pisngi at pababa sa aking labi.

"Kanina pa. Napagod ba kita?"

Uminit ang aking pisngi sa kanyang tanong. Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"H-Hindi naman. Uuwi na tayo?"

Huminga siya ng malalim. "Let's talk first." mahina ang kanyang boses habang nag uusap kami. Natahimik ako dahil ramdam ko na importante ang sasabihin niya sakin.

"May problema ba Frosto?" nag aalala kong tanong. Napalunok siya habang nakatitig sakin.

"Nothing. Ikaw ang iniisip ko."

"B-Bakit?"

He licked his lips and kissed my hand. "Bago tayo magpakasal gusto kong itanong kung ano ang mga gusto mo?"

Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Nilakbay ko ang aking mata sa kanyang kabuuan at ramdam ko kung gaano ko kamahal ang lalaking nasa aking harapan.

"Wala naman akong ibang gustong gawin pa Frosto."

Huminga siya ng malalim. "Yeah. I know that but....Sa tuwing nakikita kita. Natutulog o kahit sa malayo naiisip ko na hinding hindi kita kayang saktan Sol. But..I need to push the case of your dad and grandfather. I hope you understand."

Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Naiintindihan ko Frosto. May batas tayo na dapat sundin. Nagagambala kaba dahil dun?"

"Nag aalala ako dahil alam ko ang pakiramdam ng nawalan."

Umawang ang aking labi dahil naalala ko ang kanyang anak.

"I miss my daughter so much." namula ang kanyang mga mata at hindi ko na nakayanan kaya akin siyang niyakap.

Hinimas ko ang kanyang likod. Hindi man siya umiiyak pero ramdam ko ang kanyang hinaing.

"Frosto...May rason ang lahat." hinawakan ko ang kanyang kamay na nakakuyom. Alam ko kung gaano siya kagalit kay Genevive. Hanggang ngayon ay magaling magtago at hindi pa natutugis.

Humiwalay siya sakin at hinalikan ang aking kamay. "Hindi ko kayang mawala ka rin sakin. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito." aniya na ikinaluha ko.

Hinawakan ko ang kanyang panga para  halikan siya sa labi.

"Mahal na mahal kita Frosto."

"I love you baby. I love you so much." aniya habang nagpapatak patak ng halik sa aking pisngi.

Ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Ang simpleng buhay ko noon ay maraming nagbago dahil sa kanya.

Umuwi kami ng gabing iyon sa bahay ni lola. Tulog narin si lola ng makarating kami.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magsimba kami ni lola. Si Frosto naman ay kasama si papa Paulino na bumisita sa kanilang pinaplanong site ng pabahay para sa mga walang bahay.

Nakaugalian ni lola na magsimba tuwing linggo kaya sinamahan ko siya ngayon.

Nasa simbahan na kami at nakapark na ang sasakyan ng may narinig kami ng putok baril!

Nanlaki ang aking mga mata at sobra ang kaba ng makita ang sa dalawa kong bodyguard ay bumulagta sa lupa!

"Diyos ko po! Anong nangyayari?!" si lola at nasapo ang kanyang dibdib.

"Lola!" hinawakan ko si lola at nakita kong may kausap at hawak nang baril ang body guard ko na natitira.

"Back up! Genevive is here!" narinig kong sabi ng aking bodyguard.

Nakaupo kami sa gilid ng sasakyan ng may magpaputok ulit ng baril!

"Apo ko! Diyos ko!" narinig ko ang iba't ibang sigawan at nagtatakbuhang tao.

Naramdaman kong may tumawag sa aking cellphone pero hindi ko na nagawa pa iyong sagutin.

"Ma'am, pasok po kayo pabalik sa sasakyan! Ako nang bahala dito!" inalalayan kami ng bodyguard ko na makapasok at may sunod sunod agad na nagpaputok.

"Tangina! Ma'am bilis! Sniper ang gamit ni Genevive!"

Napapikit ako ng mariin at halos mawalan ako ng lakas sa kaba. Gustong gusto niya akong patayin?

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon