Kabanata 54

4.1K 284 47
                                    

Nagsuot ako ng kulay green na tube top at itim na shorts. Wala akong nilagay na make up tulad ng tinuro sa akin nila Nica at Crystal. Wala talaga ako sa mood na maglagay ng kahit ano at ang pakay ko lang naman ay ang pagtanggap ng imbita ni Crystal.

Pero ang 50% talaga ay galit ako kay Frosto.

Huminga ako ng malalim ng naramdaman ang bigat ng aking nararamdaman. Nakakatakot pala. Na walang kasiguraduhan na akin siya. Na kahit anong pagmamahal ko sa kanya ay may pangamba parin ako na nararamdaman.

Sino ba naman ako para hindi iwan? Wala talaga akong confident sa sarili ko. Ngayon, ang dami kong iniisip na negatibong bagay.

Pinilig ko ang ulo at bumaba para sana magpaalam kay lola pero nakita ko ang naglalaba sa amin. Ginabi yata ng paglalaba. Ngumiti ako kay Aling Nenita.

"Aling Nenita salamat po sa paglalaba. Ginabi po tuloy kayo."

"Naku Soledad ayos lang! Paalis narin ako at alas sais palang naman! Tsaka iyong lola mo pala naghabilin na pupunta siya sa kapit bahay nyong si Marites. Mamaya na raw siya babalik."

Wala na akong nagawa dahil wala si lola ay umalis nalang ako patungo sa address ng bar.

Nagpahatid ako sa driver namin papuntang bar. Hindi ko dala ang cellphone ng umalis ako. Ewan ko. Nagtatampo talaga ako ngayon ng sobra dahil sa nakita ko.

Alas syete na ng makarating ako sa bar at laking pasalamat ko dahil nakaabang na sa labas si Nica at Tala. Ngumisi agad ako sa kanila.

Umawang ang kanilang labi ng makita ako pero agad rin silang ngumisi.

"Hm! Ganda!" siko sakin si Nica. "Si Crystal nasa loob na at mag isa. Nahilo raw konti."

"Tara na? So we can start?" si Tala.

Tumango ako at humawak sa kanilang braso para hindi ako mahirapan papasok.

Pero ng papasok na kami ay ang dami nang humaharang samin. Yumuyuko na lang ako at dire-diretso lang ang lakad.

Pawisan si Nica at Tala ng marating ang mesa namin.

"Hay! Buti nalang nag bago ang isip mo Sol. Uuwi naman tayo agad mamaya. May pasok bukas! Last week of our class! Makakapagpahinga na ang brain ko!"

Dahil sa energy nila ay napapangiti ako. Alam ko na mapagbiro sila minsan pero naaaliw naman ako. Nakita ko na konti palang naiinom nila.

"Ito sayo Sol oh." nagbigay si Nica sakin ng isang bote. Sa halos isang taon ko sila na kaklase ay natuto ako kung paano uminom. Hindi rin naman ako pinagbawalan ni Frosto dahil natural lang naman raw iyon.

Alam ko naman ang limitasyon ko kaya wala siyang dapat ikabahala. Pero bakit ko na naman siya iniisip?

Napabuga ako ng hangin at napainom sa aking inumin.

Napatingin naman agad sa akin si Nica.

"Are you good?"

Ngumiti ako agad at tumango. "Oo naman."

"Alam mo ganyan kami ng boyfriend ko noon. Nag aaway rin. Pero gago may asawa pala ginawa akong kabit. Buti nalang at malakas ang loob ko at hindi ako nabaliw ng maghiwalay kami. We are cool."

Kinagat ko ang labi ko. Sa lagay ko palang ito ay mas malala pa ang nangyari sa kanya.

Si Tala naman ay sumasayaw na habang naka upo at si Crystal naman ay may tinitingnan na foreigner.

Siniko siya ni Tala. "Uy! Foreigner na naman? Di kana nagsawa sa daks? Lawlaw kana siguro-" pinakain agad siya ni Crystal ng nachos.

"Hm. Bibig mo!" ninguso niya ako. "May baby tayo dito oh!" she flipped her hair agad. "Tsaka huwag kang feeler diyan! Kakagaling mo rin sa Parking Lot e!"

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon