KABANATA 35

4.5K 322 23
                                    

Hindi ako napagalitan ng gabi na ako umuwi dahil kay Austin. Nagkausap si dad Max at Austin ng gabing iyon.

Hindi ko maiwasang isipin ang nararamdaman ngayon ni Frosto. Namatay ang anak niya?

Pumikit ako ng mariin at tinitigan ulit ang buwan na nasa aking harapan. Hindi ako makatulog ngayong gabi. Hindi ko alam kung para ba sa nararamdaman ko na, namimis si Frosto o dahil sa pupunta na akong Maynila bukas.

Si Austin ang nakatoka sa akin para tignan at samahan ako sa Maynila. Narinig ko rin na napag uusapan na ang aming kasal. Sumisikip ang dibdib ko. Sobra.

Sa totoo lang, mas mukhang makakapagkatiwalaan si Austin, kaysa sa mga kasama ko dito sa mansyon.

Parang ayaw kong iwan ang baryong aking kinalakihan. Naninikip ang dibdib kong'  maisip na...tuluyan na akong mapapalayo kay lola.

Alam kong matatagalan ako sa Maynila, alam ko na maraming magbabago.

Nakatulog ako sa gabing iyon na punong puno ng pagtatampo sa tadhana.

Maaga akong ginising ng katulong. Nag aayos ako , nakaharap sa salamin at tinititigan ang sarili.

Makintab na ngayon ang aking buhok kumpara ng nasa baryo pa ako. Nanatiling kayumanggi ang aking kutis.

Hindi ako kailanman, naglagay ng kahit anong palamuti sa aking mukha pwera nalang sa pulbo.

Malaki ang pinagbago ng aking katawan kumpara noon.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan ng may kumatok. Mga katulong pala ng mansyon.

Matulis ang kanilang tingin sa akin at ngumisi ng makita ang aking dalawang bagahe.

"Buti naman at aalis ka na." Nagtawanan sila ng kasama niya. Sa tagal ko dito ay hindi ko kailanman nakilala ang kanilang pangalan dahil sa kapag kakausapin ko sila ay pabarang ang kanilang sagot.

Ni wala ring oras ang mga Septimo na ipakilala ang katulong nila.

"Hmm,oo. Sa Manila na ako mag aaral." ngumiti ako sa kanila at napawi ang kanilang ngisi.

"Huwag kang ngumiti sa amin! Hindi ka nakakatuwa! Tangang mangyan! Lumabas kana!" sabay kuha nila ng bagahe ko at tinamaan pa ang aking paa.

***
Nasa labas na ng mansyon ang sasakyan ni Austin. Hindi ko alam kung bakit naurong ang aming engagement party. Kasi ang narinig ko noong kailan ay dapat malapit na iyon at malapit na rin ang aming kasal pero narinig ko na nagkaproblema ang mga Septimo sa kani-kanilang ari arian.

Hindi ako nangealam pa sa mga plano nila. Ang sa akin lang ay ang mabuting pamumuhay ng mga kapwa ko at makapag aral ang mga bata ng mabuti doon.

Binalik tanaw ko ang mga nangyari noong prom namin. Iyong gaano ako ka saya noon kasama si Frosto at mga kaklase ko.

Ang gabing nasa malaking mesa kami at malaya kaming dalawang magholding hands kahit na nandoon ang mga classmate ko.

Nagkamustahan si Austin at Papa Max. Sa tabi ni papa ay si Don Septimo. Nag uusap sila at napatingin sila sakin ng ako ay parating.

Nakapamulsa si Austin at nagtaas ng kilay sa akin. Walang duda, magpinsan nga sila ni Frosto.

"Ingatan mo ang anak ko Austin. Susunod rin kami doon kapag naayos na ang problema dito."

Ngumisi si Austin. "Makakaasa kayo."

Tila ba kanina pa sila dito nag uusap. Hinawakan ni papa ang kamay ko.

"Mag ingat ka doon hija. Palagi kitang kokontakin."

May mga binigay sakin si Papa Max na karagdagang gamit ko. Bagong cellphone, atm, at iba pa. Para raw iyon sa pag aaral ko doon.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon