Kabanata 53

3.6K 272 49
                                    

Hinawakan ko ang dahon na idinikit ni lola sa aking tuhod. Napangiwi ako dahil sa sakit sa tuwing hinahawakan ko iyon. Namamaga iyon ng konti. Kahit kailan talaga ay napaka pariwara ko gumalaw.

Huminga ng malalim si lola at hinarap ako. Nasa kusina kami at kakatapos lang kumain. Sunday ngayon at bukas may klase na kami. Last week na namin kaya alam ko na hectic week na naman namin.

"Kayo ba ni Frosto ay may problema?" nakataas ang isang kilay niya tila ba alam niya ang sitwasyon namin ngayon ni Frosto.

Naisip ko na ang dami na naming napagdaanan. Nandito na ako sa punto na akala ko noon ay napaka imposible. Na akala ko noon ay hanggang panaginip nalang. At narating ko ang lahat na ito na mapag hanggang sa ngayon ay kasama ko siya.

Siya lang ang lalaking nag effort ng ganito para sa akin. Kaya iintindihin ko ang problema naming ito. May mali rin ako at may mali rin siya. Pareho kaming nagpadalos dalos ng aming damdamin.

Huminga ako ng malalim kay lola at ngumiti. "Lola, natural naman po sa amin na mag away no?"

Nangunot ang noo niya at nag isip ng ilang saglit. Umupo siya sa aking tabi at inalis ang iilang hibla ng aking buhok sa mukha.

"Mabait kang bata Sol at maintindihin. Walang makakatiis sayo. At..Oo, natural lang iyan sainyo ni Frosto. Bakit ? Nagseselos ba?"

Nagulat ako dahil alam iyon ni lola! Napalunok ako at tumango. Pero imbes ay tumawa siya!

"Naku! Iyang lalaking iyan ay masyadong seryoso sa buhay Sol! Naka jackpot ka kay Frosto at napakaswerte niya naman sayo pero syempre may iba't ibang ugali kayong dalawa. Ikaw ay mabait...si Frosto ay...Alam mo na..Moody siya minsan base sa mga nakita ko noon ng kinuha niya ako sa baryo. Pero...maamo siya sayo Sol."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni lola. Tama siya. May iba't ibang ugali ang mga tao at hindi nagkakapareho.

Ang araw na iyon ay kinukulit parin ako ni Crystal para lumabas at uminom. Sa totoo lang ay nababanas ako kapag maraming tao kaya minsan hindi na ako sumasama sa kanila.

"Ano na Sol? Sayang naman linggo na ngayon kaya sana mamaya magbago ang isip mo huh? Same bar parin. Bye!"

Pinatay niya agad ang tawag at ngumuso ako. Kanina ko pa tinatawagan si Frosto ngunit hindi siya sumasagot. Wala akong ginawa buong araw kundi ang mag abang ng reply niya habang naglilinis hanggang sa sumapit na ang alas 6 ng gabi.

Siguro busy siya? Sa Taiwan siya kaya magkapareho lang ng oras dito sa Pinas. Hay! Ang dami ko na namang iniisip!

Mag isa lang ba siyang umalis?

Dumapa ako sa kama at nagsend ng pictures sa kanya. Online naman siya. Ako ang gumawa ng facebook account niya noong kailan. Wala siyang accoung at hindi raw siya mahilig sa ganoon kaya ako na gumawa para sa kanya.

Sinubukan ko ulit na mag videocall sa kanya at sa wakas ay sumagot! Nag loading ng ilang segundo ang videocall hanggang sa naging klaro sakin kung saan nanggagaling ang ingay.

Maraming tao at mukhang nasa mesa sila. Nangunot ang aking noo dahil babae ang may hawak sa cp ni Frosto at katabi niya iyon. At alam ko na taga dito lang sa Pinas ang babae at hindi taga Taiwan. May naririnig ako ng hindi maintindihan na lengguwahe at natuon ang camera sa babae. Tila aksidente niya iyong napindot at nahagip ng camera si Frosto na nakikipag usap sa kanyang katabi na lalaki.

Bakit hinahayaan ni Frosto na may ibang sumagot sa tawag ko? Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ng matanto iyon.

"Hey.." paos ang boses ni Frosto at kinuha ang cellphone mula sa babaeng mas dumikit pa sa kanya at nakangiti. Huli ko na namalayan na nakatulala na ako sa pinapanood at ng makita si Frosto ay mabilis kong pinatay ang videocall.

Parang nabingi ako at nakatulala nalang. Ang aking cellphone na nasa kamay ay ilang beses na tumunog sa videocall ni Frosto.

Parang gusto kong makausap si lola at itanong kung bakit ganoon? Naiinis, nagagalit, malungkot at natatakot ako ngayon.

Bakit ganoon? Nanginig ang labi ko at hindi ko halos mahawakan ang cellphone ko na ilang beses na nagring.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko at umalingawngaw ang aking hikbi.

Napapikit ako ng mariin dahil nagagalit ako. Hindi ko alam kung bakit ngayong araw ay labis akong nagagalit kay Frosto!

Lakas loob kong pinindot ang red button para icancel ang videocall niya at buong tapang na nagreply sa kanya.

Babae ako. Hindi ako malapit sa lalaki kung hindi ko mahal o anuman. Kay Frosto lang ako malapit dahil boyfriend ko siya. Fiance ko siya. E’ yung babaeng iyon? Bakit dikit siya ng dikit kay Frosto? Siya ba kasama ni Frosto papunta doon? At bakit hinayaan ni Frosto ang cellphone niya sa babae?

Matagal na ako sa pamilya nila Frosto at malabo na pamilya nila iyon!

Mas lalong dumaloy ang aking mga luha at mabilis akong tumakbo sa harapan ng salamin. Masama ang tingin ko sa sarili ko, sa sariling repleksyon ko sa salamin.

Namumula ang aking ilong at labi sa kakaiyak. Ang namumugto kong mata ay dumagdag sa pagkapungay ng aking mga mata. Kalat kalat rin ang buhok ko tila wala talagang ayos.

Bumalik ulit ako sa kama at tinitigan na naman ang cellphone ko na ngayon ay tawag na ni Crystal. Agad ko iyong sinagot habang umiiyak.

"Hel- ... What the hell? Bakit ka umiiyak?" narinig ko ang music ng bar na tila ba lumabas siya para lang makausap ako.

"W-Wala naman. A-Anong oras kayo uwui?" tanong ko at humiga sa kama.

Hindi muna siya nagsalita. Pero alam ko na baka alam niya kung bakit.

"Hmm..Mamaya pa. Punta kana dito. Maaga pa naman. Maaga naman tayo uuwi. May pasok pa bukas! Alam mo na...Landi now, study later."

Napangiti ako. "S-Sige. Magbibihis lang ako at magpapaalam kay lola."

"Ayan! Sige!"

Para sakin hindi ako pupunta doon dahil nag away kami ni Frosto, kundi dahil sa imbitasyon ng mga kaibigan ko.

Gustuhin ko man na hindi mag isip ng kung ano ano pero bumabalik parin sa isipan ko.

Napukaw na naman ang aking atensyon ng mag ring ulit ang cellphone ko. Numero na ni Frosto ang tumatawag.

Kinuha ko iyon para i-cancel ngunit nagtipa ng text sa kanya.

"Huwag ka nang umuwi! Diyan ka sa katabi mo!"

"Tsk, ang sama-" pero imbes na delete ang pindutin ay naisend ko iyon!

Agad na nagreply siya! Himala at nagtetext siya ngayon. Ayaw niya pa naman ng text at lagi mas gusto niya ay tumawag.

"Nasa airport na ako."

Umirap ako sa ere at napagpasyahan na magbihis.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon