KABANATA 46

6.1K 331 73
                                    

Bumisita kami sa puntod ng namatay na anak ni Frosto. Nakaluhod siya sa harapan ng puntod ng anak. Tahimik ako sa gilid niya. Hinahayaan siyang igugol ang oras para sa anak na namayapa.

Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ito ni Genevive sa sarili nilang anak. Sana nga ay madakip na siya.

Tumayos si Frosto at hinawakan ako sa kamay. Tiningala ko siya.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong ko. Tatlong araw na ang nakalipas ng gumaling ako.

"Yeah."

Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Pero alam ko na malungkot siya. Nakita ko noon ang anak niyang babae na kamukha niya.

Ang istorya raw noon ay mas gusto ni Genevive si Faustino , at siya ang boyfriend niya. Pinaako niya noon kay  Faustino ang pinagbubuntis niya. Nagsinungaling siya na si Faustino ang ama dahil sa selos niya kay Ava. Iyon pala, si Frosto ang ama. At ngayon, si Frosto ang hinahabol habol niya.

Hindi ko huhusgahan si Frosto. Tinanggap ko iyon lahat . Nalukungkot rin ako dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maging mapagmahal na ina para sa anak ni Frosto.

Sa tatlong araw na iyon ay patuloy ang pag aasikaso sa kaso na sinampa ni lola kay Don Septimo at Max.

Wala akong kahit anong koneksyon sa kanila simula ng kunin ako ni Frosto sa kanila. 

Nakasakay na kami sa sasakyan ni Frosto. Hawak niya naman ang aking kamay habang nag da-drive siya.

Napasinghap ako dahil hinalikan niya ang kamay ko.

"Where do you wanna go? I like to date you today."

Tinitigan ko siya. "Talaga ? Saan? Uh, sa sinehan? Tsaka sa.... mall? May 500 pa ako dito bibili sana akong bag para sa eskwela. Uh, ano pa ba? " Marami na agad na ideya ang sumagi sa isipan ko! Nakaramdam ako ng gamo gamo sa aking tiyan.

Ngumiti si Frosto ng makita ang malapad kong ngisi. Dahan dahan niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Bakit ka huminto?" nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot. Nakita kong dinilaan niya ang labi at hinawakan ang aking leeg at lumapit sakin. Nakalas na ang kanyang seatbelt.

"Nanggigigil ako sayo. Let me kiss you for now please." mahina at paos ang boses niya.

Tumango ako, liyong liyo sa titig niya sakin. Nagtagpo ang aming labi at malalim agad ang kanyang halik sa akin.

Hindi na ulit nangyari ang mga tagpong iyon. Ang maiinit na gabi namin. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon kasama siya. Iba pala ang pakiramdam. Hindi ko rin inaasahan na hindi iyon kakayanin ng aking katawan. Ngayong araw lang talaga naging maayos ang pakiramdam ng katawan ko.

Umurong ang aking ulo sa sandalan at mas inanggulo pa ni Frosto ang ulo para mahalikan akong mabuti. Tumigil siya at ang kanyang hinlalaki ay humaplos sa aking labi at hinalikan akong muli. Panay ang titig niya sa aking labi kapag tumitigil sa paghalik sakin.

Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko namumula ako ng husto. Masaya ako kasi maayos kaming lahat. Magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ni mama.

Tila nilaan talaga ni Frosto ang araw na ito sakin. Kung noon, sa baryo lang ako at eskwelahan. Ngayon na nakilala ko siya ay maraming nagbago. Unang pamamasyal ko noon ay dinala niya agad ako sa Manila at kung saan saang
mamahaling restaurant. Hanggang nagkahiwalay kami at ngayon eto, magkasama kami ulit.


"Gusto ko muna doon." tinuro ko ang store ng mga bag na may tatak na Dior.

Tumango lang si Frosto at nakasunod lang sakin. Gusto niyang bumili kami ng mga gusto ko. May pera pa naman ako dito. Nakakain na kami sa bahay ni lola ng breaksfast at baka dito nalang rin kami maga-lunch.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon