Kabanata 49

3.5K 267 37
                                    

Kahit paano ay masaya ako dahil may mga kaibigan ako na nabuo sa eskwelahan. Nanatili akong nakatira sa bahay ni lola na pinatayo si Frosto para sa kanya.

Nagkaroon na kami ng sembreak kaya nagkaroon rin ako ng pagkakataon na mapagsilbihan si Frosto kapag may trabaho siya. Kahit siya ay hindi na rin umalis. Nanatili kaming kasama si Lola.

10:30 ng tanghali at nagluluto ako ng sinigang na isda para kay Frosto, balak kong dalhin sa kanyang opisina. Minsan na akong nakapunta doon at may sariling driver naman si lola kaya convenient lang na makapunta.


Biglaang pumasok si lola galing sa pintuan sa likod at nakita ko ang bitbit niyang basket na puno ng mga gulay galing sa likod.

"Hay, kamusta na kaya doon ang mga gulay na pananim natin hija? Nakakamis naman ang Mindoro."

Pinatay ko ang stove dahil tapos na rin naman ang aking niluto.

"Lola, tiyak ako na inaalagaan iyon ng mga kapitbahay natin. Tikman mo ito muna."

Lumapit ako sa kanya at pinatikim ang sabaw ng sinigang sa kanya.

"Aba! Ang sarap nga. Ang galing naman ng apo ko."

"Naman po!" malapad ang ngiti ko dahil ang dami kong dadalhin kay Frosto. Alam ko na nasanay siya na galing sa food court nila o restaurant ang kinakain niya kaya kapag wala akong ginagawa o klase ay nilulutuan ko siya.

"Tsaka pate iyong cookie mo ipakain mo rin sa kanya mamaya ha! Naku, tiyak akong magugustuhan iyon ni Frosto!"

Padarag kong nabitawan ang kutsara dahil sa nasabi ni lola. Nang lingunin ko sila lola ay kumakanta kanta na itong paalis.

Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Lord, sorry po sa mga naiisip ko." ngumiwi ako ng sumagi na naman sa isipan ko. Bakit ba? Wala namang malisya sa cookie ah? Bakit ganito ang pag iisip ko?

Ang dami ko lang kasing naiisip lalo na sa karanasan ko kay Frosto. Ganito ba talaga ito?

"Hay! Huwag mo nang isipin Sol!" saway ko sa sarili at natitigan ko bigla ang hotdog na dadalhin ko rin kay Frosto, napangiwi ako lalo.

Nilagay ko nalang sa mga tuperware at nilagay sa paperbag ang mga pagkain. Ilang beses ko na rin ginawa ito at minsan nagtatampo si Frosto kung hindi ko siya nalulutuan.

Binilisan ko na ang pagbihis ko. Si lola naman ay tumutulong sa paglaba ng makaalis ako.

"Lola, huwag masyadong magpagod po ah. Aalis na ako." pagpaalam ko. Tumutulong siya sa paglaba sa katulong.

Nakita ko rin kung gaano nagbago si lola ng nasa puder na siya ni Frosto. Medyo pumuti siya tulad ko. Tumaba rin siya kaysa noon.

Malungkot akong napabuntong nalang ako dahil sobrang namiss ko na si lolo. Alam ko kung buhay siya ay masaya sila dito ngayon ni lola. Gusto ko nang bisitahin ang puntod ni lolo ngunit kailangan ko pang antayin na lumabas ang warrant of arrest ni lolo at papa.

Hindi ko na mababago o mapapalitan ang dugong nananalaytay sakin. Ako ang bunga ng panghahalay noon ni papa kay mama. Maging ang aking lolo ay hinalay ang mama ko kahit na nagdadalang tao na sakin.

Hindi ko alam ang lahat ngunit halo halo ang aking nararamdaman. Mahirap talaga ang ganito.

Nagsuot ako ng pantalon at pink na T-shirt. Dala dala ko ang paper bag na may dalang pagkain ni Frosto. Sakto lang rin sa oras ang pag alis ko.

Ibang iba dito sa Maynila dahil araw araw ay traffic. Sanay na ang mga tao dito sa traffic.

Pumasok ako sa company at agad ang pagbati nila sakin.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon