KABANATA 39

4.4K 323 25
                                    

Maraming bumabati kina Don at Papa ng kami ay lumabas ng venue. Si Austin ay sinundan muna si Frosto sa kung saan man ito.

Natatakot ako sa ganoong inasta ni Frosto. Kanina ko lang siyang nakita na ganon ang galit.

Kinakabahan ako sa kabilang banda dahil sa ganong interaksyon ni papa at Frosto. Wala akong masabi tungkol pero nararamdaman ko ang samu't saring emosyon.

"P-Papa. . . ipagpatawad mo ho si F-Frosto-"

"Iyang lalaking iyan!" itinaas pa ni papa ang kanyang daliri. Bumuntong hininga naman ng malakas si Don Septimo. "-Hindi ko gusto ang kanyang ugali! Nakakahiya! Ayokong makita kang' lumapit lapit doon. He was your ex right?"

Tumango tango ako kay Papa at umiwas.

"Ayokong makita kang lumalapit lapit sa kanya! Kundi ibabalik kita sa Mindoro!"

Narinig ko na naman ang halakhak ni Don Septimo. Bahagya kong' naikuyom ang aking palad ng palihim.

Alam ko naman na sa mundong ito ay hindi nawawala ang mga problema. Tulad ng ating mundo na minsan ay dinadayo ng bagyo at napipinsala tayo ngunit sa huli ay tumatayo parin tayo at patuloy na namumuhay.

~~~
Mabilis lumipas ang mga araw at hinanda ko na ang sarili ko sa para sa pag aaral sa kolehiyo.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hindi ako kasing puti ng mga nakikita ko dito sa Maynila. Hindi rin ako kasing puti ni Milagros. Pero mas gusto ko ang balat ko ngayon dahil hindi na ito nasusunog.

Huminga ako ng malalim at dinamdam ang kirot sa aking puso. Namimiss ko ng sobra ang aming baryo. Si Tiya Donita, si Tiya Tata, si lola at si lolo. Syempre pate na rin ang mga katribo namin.

Simple lang ang pamumuhay namin doon at kahit isang kahig isang dukha ay masaya kami.

Masakit lang talaga ang katotohanan na kung sino pa ang mayaman ay siya pang mampepera sa mahihirap.

Hindi ko rin tanggap na kung sino pa ang kadugo ko ay sila ang rason kung bakit naghihirap ngayon ang mga katribo.

Dumaloy ang aking luha sa inis at lungkot. Kinuha ko ang suklay at marahas na sinuklay ang aking buhok. Ewan ko, sa tuwing naiinis ako ay pinagdidiskitahan ko ang akinh buhok.

May biglang tumawa sa pintuan at nakita kong si Milagros iyon.

"Hayst, ang cute mo talagang mainis. Nagmumukha kang diwatang gustong manumpa!"

Pumasok ng tuluyan si Milagros at hinatid ang uniform ko na plantsado na. Ayoko sanang gawin niya ito kasi kung tutuusin ay batak rin ako sa trabaho  pero sabi niya ay kailangan niya ng pera para makapag aral. Nag aaral rin pala siya dito sa Maynila pero sa pampublikong Unibersidad. Parang gusto ko rin na doon kaso alam ko kung paano iappreciate ang mga bagay na biniyaya sakin.

Nilingon ko si Milagros. "Salamat ha, sabay na tayo?"

Tumango siya sakin. "Oo, may driver ka naman at kotse na para sayo pero kailangan pa kitang iguide sa Unibersidad mo. Mga 10 A.M pa naman simula ng klase ko."

Noong una nakadecide na ako ng gusto kong kunin pero sa huli ay napag isipan ko na Education nalang. Mahal ko ang mga kabataan sa baryo namin at gusto ko kapag nagkataon ay maging libre ang mga pag aaral ng mga mahihirap.

Sinuot ko ang uniporme na kulay dark blue ang palda . Kulay puti ang blouse kaya napatingin ako sa aking dibdib. Aaminin ko na sa nagdaang taon ay lumaki na nga ang dibdib ko. Hindi narin nagkasya ang bra ko na binili sakin ni lola noon.

Nagkatinginan kami ni Milagros. "S-Sige, salamat ha. Uhm. . . ano. . baka mamaya bibili muna ako dun sa pinuntahan natin na malapit na mall?"

Tumingin siya ulit sa dibdib ko at ngumisi. Ang sexy niya sa suot niyang uniporme.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon