Kabanata 29

4.5K 330 32
                                    

"Mawalang galang na ho Don Septimo pero nasa lupain po kayo ng mga mangyan. Kahit na po sabihin ninyo na sa Gobyerno itong lupain ngunit alam namin na pinamana itong lupain sa aming mga mangyan. At bilang isang mangyan ay pinapaalis po namin kayo dito sa amin. Hindi ho pwedeng basta bastang kukunin niyo si Sol na nagsilbing aming paraluman."

Nagsing ayon ang lahat ng aming kabaryo. Ako sa kabilang banda ay halos hindi makapaniwala.

Kawawa ang aking ina. Kinawawa nila ang aking ina....

Dumaloy ang aking luha at tinitigan ang mga Septimo.

"Nagluluksa po kami dito D-Don Septimo. Sana man lang ay galangin ninyo." umiwas ako at hinawakan ang kamay ni lola.

Tingin ko ay marami kaming pag uusapan ni lola. Kahit ang sakit sakit na para sa akin ng mga nangyayari...mas pipiliin ko na makinig at intindihin ang lahat.

"Magkikita pa tayo anak ko. Matagal na palugit ang binigay ko sa pamilya mo. Babawiin na kita."

Tumalikod ang mga Septimo pero hindi natinag ang mga kapwa namin mangyan. Parang nanghihina ako sa mga nalaman. Parang puputok ang ulo ko sa sakit.

Nag usap kami ni lola ng gabing iyon. Sabi ni lola sa akin, ginahasa raw nila Don Septimo, at mga anak niyang si Max at Tonyel ang aking ina noon.

"Soledad...apo ko." mahina ang boses ni lola. Naramdaman ko ang kanyang lungkot. "Sobrang...ganda ng mama mo. Pero ang kagandahan na iyon ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Ang laki laki ng pangarap ng ina mo Sol. Marami siyang gustong gawin sa buhay."

Dumaloy ang aking luha at pinunasan ko iyon..bawat punas ay may panibagong luhang dumadaloy.

"Alam mo nang nalaman niyang buntis siya...hindi siya nasuklam dahil nasa sinapupunan ka niya. Minahal ka niya ng sobra Sol. Ang daming ginawa n-nila sa mama mo Sol.." umiyak si lola ng tuluyan. "Wala kaming nagawa. Lahat ginawa namin. Nag-...nagsampa kami ng kaso ngunit ng nalaman nila na mga Septimo ang nirereklamo namin ay binalewala nila kami. Namatay ang mama mo sa sobrang stress at pagtataguyod samin ng lolo mo Sol. Iyon ang totoo. Hindi siya namatay sa sakit..Iyon lang ang sinabi ko sayo noon dahil ayokong mawala ang mga ngiti mo sa labi at kalayaan mo bilang isang dalaga. N-Natatakot ako para sayo Sol."

Niyakap ko si lola ng tuluyan. Maging ako ay hindi ko tanggap ang nangyari. Nabigla ako sa mga nalaman ko.

Lumipas ang isang linggo at napag desisyonan ni lola na ipalibing na si lolo. Tsaka, kinakapos narin kami. Wala nang masyadong bunga ang mga kamatis, okra at iba pang pwede namin ikain sa araw araw. Imbes na kape ay ginawa naming' tubig nalang ang aming binibigay sa mga kapwa namin mangyan na tumutulong sa amin.

Kung wala si tita Thelma at lola Donita ay siguro wala kaming maibibili na magandang kabaong ni lolo.

"Sol.. Ayos kalang ba dito? Kailangan ko narin kasi umuwi muna. May sakit ang asawa ko." aniya ni lola Donita. Hindi kami masyadong close dahil narin simula ng makapangasawa siya ng may kaya ay hindi na siya pumupunta dito samin.

Pero ngayon ay ang dami niyang itinulong sa amin.

"Ayos lang ho lola." nilingon ko si lola na mahimbing na natutulog. "Mabuti nalang nakatulog na si lola."

Tumango siya. Kakarating lang namin galing sa libing ni lolo. Ang ibang mangyan ay nagsiuwian narin.

"Hija, kung may kailangan ka ay puntahan molang ako sa pwesto ng gulayan ko ha?"

"Opo la Thelma. Salamat po."

Umalis na sila. Naramdaman ko ang katahimikan ng aming lugar. Wala na ang dating saya ng aming kapwa mangyan. Tulad noon na tuwing umaga ay maaga silang nagkakape dito sa labas ng bahay nila lolo.

Simula ng umalis si lolo sa pagtrabaho sa palayan ng mga Septimo ay halos lahat ng kapwa namin mangyan ay umalis rin.

At mabuti nalang sa oras na iyon ay nagsimula na si Frosto na tumulong sa amin. Ang iilang taga dito sa amin ay nagtatrabaho bilang kargador ng mga semento sa site ng ginagawa nilang pabahay sa hindi kalayuan sa amin. May mga sapat rin sila na sahod dito.

Simula ng tinulungan kami ni Frosto ay nakita ko ang pagbabago sa aming baryo.

Si Frosto....

Tinitigan ko ang aking cellphone at narinig ko ang iilang katok sa aming pintuan.

Tulog parin si lola. Binuksan ko ang pinto at nakitang si Max Septimo ang dumalaw.

Nanlaki ang aking mga mata. Nilibot niya ang tingin sa aming bahay.

"Puwede bang pumasok?" malumanay ang kanyang boses.

Nakaramdam ako ng takot lalo na ng matandaan ang kwento sakin ni lola. Pero sa huli...pinapasok ko siya sa bahay.

"Pasok h-ho."

Umupo siya sa kahoy namin na upuan. Kumuha ako ng tubig kahit na ako ay kabado. Nilapag ko ang tubig at iilang kamoteng kahoy sa mesa,sa harap niya.

Tinitigan niya ang bawat galaw ko.

Umupo ako kaharap niya. "Ano po ang kailangan niyo?"

"Iyong tungkol sa huling sinabi ko Soledad."

Tinikom ko ang aking bibig. "S-Sir Max Septimo... Sabihin na ho natin na ikaw ang ama ko pero hindi niyo ako basta bastang uutusan ng ganyan lalo na't alam ko ang ginawa niyo sa ina ko."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Tila.. napapantastikuhan sa sinabi ko.

"Sol..anak. Hindi ko iyon gagawin sa sarili kong anak. May sakit ako at kailangan kong' ipunin ang mga anak ko. Ipapamana ko sa inyo ang aking ari arian ngunit may kontrata kami ng iyong lolo at lola."

"K-Kontrata?"

"Oo Sol. Sinampahan nila ng kaso ang Don at maging ako noon ngunit binayaran namin sila. Tinanggap iyon ng lolo mo Soledad. Nagtrabaho siya sa aming lupain ng ilang dekada pero Sol...hindi iyon mababayaran ng ganon lang. Malaking halaga iyon."

Hindi ako makapagsalita.

"Nasa kontratang pinirmahan niya na kapag hindi niya nabayaran ang kanyang utang ay kukunin kana namin. Hindi ka namin makuha kuha noon dahil narin sa tigas ng ulo ng iyong ina. Edi' sana ay lumaki kang-"

"Mawalang galang na ho sir pero kung isisilang akong muli ay mas pipiliin ko ang ganitong pamumuhay. Na wala kaming tinatapakan na ibang tao."

Naging seryoso ang kanyang mukha at tumalim ang tingin sa akin.

"I'm sorry to say this but.... ipapakulong ko ang lola mo at iba pang mga mangyan na may utang sakin kung hindi ka sasama sa akin anak. Mas mabibigyan kita ng mas marangyang buhay at nakatakda ka nang ipakasal sa isang mayamang lalaki."

Halos mapatayo ako sa aking kinauupuan! Ano?

"P-Po? A-Anong itinakda? Hindi niyo iyon magagawa sa akin! May kasintahan ho ako!"

"Hiwalayan mo 'yang walang yaman at pulubi mong kasintahan kung ganon! Wala ka nang magagawa at magfafile na kami ng kaso laban sa mga mangyan. Kaya mag isip ka anak. Hindi biro na pera ang pinahiram ko sa kanila para lang balewalain iyon!"

Umiyak ako sa kanyang harapan. Ang sakit sakit ng dibdib ko. Bakit ganito? Sana panaginip nalang ang lahat na ito. Gusto kong bumalik ang dating payapa kaming namumuhay.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon