Kabanata 30

5.9K 390 48
                                    



Sa eskwelahan ay marami ang nakiramay sa akin. Parang ayaw ko rin iwan si lola sa bahay pero mabuti nalang at dumating si lola Donita at may kasama na si lola.

Nangunot ang noo ko na makita na naman ang isang numerong tawag ng tawag sa akin. Nagtext pa siya na siya raw si Frosto pero....hindi ako naniniwala. Hindi naman kasi ganon ang numero ni Frosto. Hindi nagpalit ng numero si Frosto pero gayang gaya nito kung paano magtext sakin si Frosto.

Sumimangot ako at itinago ang cellphone sa bag ko. Dalawang linggo nalang graduation  na. Iilang practice ng Graduation ang hindi ko nasalihan ng namatay si lolo.

Ang bilis rin kumalat ng balita na isa akong Septimo. Halos pagtinginan ako ng halos lahat na studyante.

Nakita ko rin kanina si Rex at nagkausap kami saglit. Hindi parin siya nagbago. Sobra parin ang kabaitan niya sakin at nagpaabot rin sila ng iilang tulong para sa amin.




"Hello sis!"

Nasapo ko ang aking dibdib sa biglaang pagsingit ni Jenessa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko gayong alam ko na magkapatid kami sa ama.

"Gulat ka? Saan ka nagulat?"

"N-Na magkapatid pala tayo sa ama." sagot ko.

Naging seryoso siya at huminga ng malalim. Nasa audituriom kami ngayon at pinagmamasdan ang mga studyante na naglalaro nalang dahil tapos na ang pagpractice.

"Pagkatapos ng graduation...Papadala ako ni Max sa Amerika.Ikaw?"

Nangunot ang aking noo. Hindi ako nag atubiling naniwala dahil si lola mismo nagsabi ng katotohanan sakin ni ama ko si Max Septimo at lolo ko si Don Septimo.

Ang pamilya sana na aking pinapangarap na magkaroon ako subalit ngayon ay hindi ko masasabi na masaya akong malaman iyon.

"Bakit mo pinapayagan na sila ang magdesisyon sayo Jen?"

Mas maputi sakin si Jenessa. Maganda siya. Ang kanyang buhok ay straight at kinuluyan niya ng ash blonde. Maganda rin ang kanyang katawan pero magkasing taas kaming dalawa.

"Dahil gusto ko talaga maging mayaman." mahinang bulong niya. Yumuko ako, wala akong masabi sa sinagot niya sakin.

"Pero hindi ibig sabihin nun' na gusto ko sila o gusto ko ang mga nangyari. Magpapakalayo layo ako at mag aaral sa Amerika. Pangarap ko kasi iyon. Ikaw?"

"I-Ipapakasal nila ako."

"Tanginang manyak na yun!" humalukipkip siya. "Ito siguro ang narinig ko sa usapan nila mama. Na...may utang siya sa isang mayamang negosyante! Gago! Ulol niya! Gagamitin kapa niya. Payag ka nun?"

"H-Hindi e. P-Pero...papakulong niya sila lola."


"Ha?!"

"Oo Jen. Kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Si Frosto hindi rin nagpaparamdam sa akin."

Sumimangot siya. "Si Axel, umalis rin e. May namatay raw kaya medyo natagalan siya."

Kumirot ang puso ko habang naiisip ang mukha ni Frosto. Namimiss ko ang mga hawak niya sakin. Ang mga haplos niya sakin. Namimiss ko ang lahat na iyon.

Nang mag alas tres ay magkasama kami ni Rex pauwi. Marami siyang naging absent dahil maya maya ang pag alis nila dito sa Mindoro para ipagamot ang mama niya sa Manila.

"Pasensya na at hindi kita masyadong nadamayan Sol. Pero hindi kita nakakalimutan. Paano na iyan e... malapit na tayong mabuwag? Sa Maynila na ako mag kokolehiyo."

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon