Chapter 52

3.7K 258 25
                                    

Mas naging panatag ako dahil naging maayos na ang lahat. Si Genevive ay makukulong ng 40 years sa bilangguan. Ang dami niya rin palang nagawang kasalanan. Nabalitaan ko rin na inatake sa puso ang kanyang ina.

Habang si lolo at papa Max naman ay nakakulong na rin sa Mindoro. Lahat ng iyon ay ginawa ni Frosto ng sabay.

Lumipas rin ang ilang buwan at magsasara na ang klase. Ang saya ko dahil nakasurvive ako ng isang taon sa college.

Isang linggo na lang ang klase at pagkatapos ang pinaka hectic na araw ay hindi na maawat si Cristal sa pagyaya saamin na mag night out.

"Sige na! Minsan lang naman! Kasama natin si Tala at si Nica."

Ngumisi ako at inayos ang pagluluto ko ng sinigang na isda. Si lola naman ay panay punta sa kapit bahay namin na naging kaibigan niya.

Mas mabuti nga na si lola ay may mga naging kaibigan na dito. Kasi baka sa susunod ay magbabakasyon na kami sa Mindoro, sa aming baryo.

"Wait lang Crystal ha? Wala kasi si Frosto dito...Nasa trabaho kaya hindi ako maka decide."

"Hay! Iyang si fafa Frosto talaga! Gusto nalang na lagi kang nakatali sa kanya! Naku, luwag luwagan rin minsan Sol ha? Baka masakal ka!"

Hindi ko nalang

Maya maya pa ay narinig ko na ang ilang tawanan nila lola. Kakarating lang nila.

"Marites!! Halika!" sigaw ni lola at hinila ang kanyang kaibigan na kasing edad niya. Pareho na silang mahirap maglakad ngunit nakabungisngis.

"Mano lola, mano po." nagmano ako sa kanilang dalawa at halos matulala sakin si Aling Marites.

"Hala ka! Ito ang apo mo?"

Malapad naman ang ngisi ni lola na tumango.

"Bakit ang layo?! Ay di , joke lang! Ka'y gandang dalaga naman mare! Mana ba sa mama?"

Kitang kita ko ang pag asim ng mukha ni lola.

"Oo mana sa ina na mana rin sakin! Naku, ito talaga si Marites! Kumain ka muna at masarap magluto ang apo ko."

Tinulungan ko na maghanda ng kakainin nila si lola at nagtimpla narin ako ng tsaa para sa kanila.

Nang makuntento ako ay pumasok ako sa kwarto at naghintay na lang kay Frosto.

Hindi nagtagal ay natapos narin ako sa paglilinis ng aking kwarto at biglang tumunog ang cellphone ko.

Nakita ko doon ang call ng teacher namin sa Unibersidad, si Sir Castro.

Nangunot ang noo ko at kinabahan na baka kasi may mali ako sa huling projects namin? Nasapo ko ang dibdib dahil last week na namin!

"Hello sir? Magandang hapon po."

"Hi Soledad! How are you today?" tanong sakin ni sir.

"Uh,mabuti naman po. Kayo?" lumapit ako sa bintana upang makalanghap ng sariwang hangin. Inayos ko rin ang pagkakaipit ng aking buhok.

"Maayos rin, nandito parin ako sa School until now. Hinahanap ko ang pinasa niyong pictures para sa inyong records..."

"Oh, pero nakita niyo po ang pinasa kong pictures-"

Naputol ang sasabihin ko at halos mapasigaw sa kaba ng may umagaw ng aking cellphone!

Si Frosto! Standing tall beside me at halos hindi maipinta ang mukha! Gusto kong ngumiti ngunit hindi ko magawa dahil sa seryoso at galit niyang mukha na nakatitig sa aking cellphone.

Bigla niya iyong sinagot at lumayo siya ng konti mula sa akin. Nakapamaywang siya at kausapin si sie Castro. Halata na galing talaga siya sa trabaho.

Umupo naman ako sa kama at tiningala siya ng bumalik sa pwesto ko.

"Who give you permission to give your photos just like that?" agad niyang sabi sakin,dinudungaw niya ako habang galit siya.

Napalunok ako. "Uh, sabi kasi ni sir iyon."

"Dahil may gusto siya sayo. Nung kailan lang 'to?" mapanganib ang kanyang boses. Parang gusto kong maluha dahil hindi ako sanay na ganito siya. Parang may kung anong pader sa gitna naming dalawa.

"N-Noong last week."

Tila ba may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Halatang pagod ngunit galit siya sakin.

"Pupunta akong abroad bukas ng umaga. May aayusin ako doon. Sana huwag kang umalis papunta saan habang wala ako." malamig ang kanyang boses ng sinabi niya iyon sakin bago tumalikod at papunta sa banyo.

Narinig ko agad ang lagaslas ng shower. Napalunok ako ng matanto ang problema namin.

Nagseselos siya dahil sa naibigay ko kay sir ang picture ko. Isang picture lang iyon. Hiningi naman iyon ni sir kaya binigay ko.

Kaya ito siya ngayon at galit sakin na hindi ko naman sinasadya!

Dahil sa gulat ko sa reaksyon niya ay hindi ako makapagsalita.

Kahit ng lumabas siya ng banyo at nakaboxer shorts na ay hindi parin siya tumitingin sakin.

Kaya napagdesisyunan ko nalang na tumayo para yayain siyang kumain.

"Uh, kumain na tayo?" napalunok ako dahil pakiramdam ko aalis siya bukas at hindi na naman ako masasanay.

"Mauna kana. Study room lang ako." pinakita niya ang laptop. "Trabaho lang bago ako  umalis bukas."

What? Galit talaga siya sakin?

Alam ko naman na seloso siya. Natatandaan ko pa ang sinabi ni kuya Faustino na matindi magselos si Frosto.

Tinitigan ko ang kanyang likod habang papalis hanggang sa kumalabog na ang pintuan ng makaalis siya.

Matamlay akong bumaba at tumungo sa kusina. Nakita ko na wala nang tao doon. Ganitong alas syete na ng gabi ay natutulog na si lola. Sanay kasi siya na matulog ng maaga tulad ng sa baryo noon..

No choice ako kundi ang kumain mag isa. Naalala ko tuloy si Jenessa habang kumakain. Patapos na ang klase baka siya doon sa abroad ay tapos narin ang klase at baka uuwi siya ngayong summer.

Kahit ng natulog ako noong gabing iyon ay hindi ko nakita si Frosto sa kama. Kahit na sinubukan ko siyang dalhan ng kape ay tumango lamang siya sakin.

Naninikip ang dibdib ko dahil nakakaya niya akong balewalain. O baka nagiging paranoid lang talaga ako?

Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon at nagising na mataas na ang araw. Napabalikwas agad ako ng bangon dahil naalala na pupuntang abroad si Frosto! Mabilis akong bumaba at sa sobrang bilis ng galaw ko ay nahulog ako sa hagdan at naitukod ko pa ang gitna ng aking tuhod sa hagdan!

Sobra ang pag inda ko sa sakit at tila narinig ni lola ang daing ko kaya kumaripas rin siya papunta sa akin!

"Diyos ko naman apo! Hinay hinay naman!"

Tila nawala lahat ng antok ko. Tiniis ko ang sugat sa aking tuhod. "Lola, si Frosto ho? Pagluluto ko sana siya-"

"Ha? E umalis pa abroad di Frosto kanina pang alas kwatro umalis Sol!"

Naninimbang ang titig sakin ni lola na tila ba alam niyang may hindi kami pagka intindihan ni Frosto.

Gusto kong umiyak dahil sa nangyari.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon