Bratinella.36

3.8K 45 4
                                    

Bratinella.36

"BESTFRIEND!!!"

Argh! Ano bang ingay yun?

"Bessy!"

Hmm, bakit naman umeepal ang bestfriend ko sa panaginip ko?

"Bes! Gising!!!"

Teka, p-panaginip pa ba to? Parang totoo eh.

 Dahan-dahan kong idinilat ang isang mata ko, then yung isa naman.

"BESTEST FRIEND OF ALL TIME!"

*BOOOOGSH!*

 "GRINCE, ANONG GINAGAWA MO DITO?" tanong ko habang hinihimas ang puwet kong sumakit dahil sa pagkakahulog.

"Oh, bakit naman ganyan ka makatingin? Parang nakakita ka ng multo ah?"

"O.mee.gash. Masahol pa sa multo ang nakikita ko ngayon."

Kinilabutan ako bigla dahil sa sinabi ni Grince.

"A-ano bang pinagsasabi mo Bes? Nantitrip ka na naman ba? K-kung nandito ka lang para... para takutin ako, puwes, h-hindi ka nakakatuwa," mabulol-bulol nako sa sobrang takot.

"Tingin ka sa salamin best,para malaman mong totoo yung sinasabi ko."

"Tss! Enough! This isn't even funny Grince. Stop bugging me!"

"Aish! Bestfriend nga kita. bukod sa duwag na, eh slow pa!" nagtaka naman ako nang bigla niya kong hatakin papunta sa harapan ng salamin.

"Take a look."

At pagkatingin ko sa salamin.

"WHO'S.THAT.FVCKING.POKEMON?!"

"HAHAHA! I told you! Masahol sa multo ang itsura mo ngayon Bes! Hahahaha!" nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa kanyang tiyan habang humahagalpak ng tawa.

"What the eff?! Ako ba to?" hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa salamin.

Paano naman kasi, ang panget ko. as in literally PANGET. Para akong eyebag na tinubuan ng mukha! plus the annoying pimple on my forehead. Ugh. It sucks!

Ewan ko ba. Mukhang na-stress talaga ako sa kulog at kidlat kagabi.

"Ano bang nangyari sayo Bes? Bakit nagkaganyan naman ang mukha mo?"

"Hays, sisihin mo ang kulog at kidlat kagabi." pagmamaktol ko.

"Tsk. tsk. tsk. Kung kasama mo lang sana si Kuya kagabi."

"Aish, ayan ka na naman eh. Isisingit mo na naman yang Kuya mo." I rolled my eyes.

"Hays, talaga naman eh! Dati nga kinwento saken ni Kuya, takot na takot ka daw nung kumulog at kumidlat. Pinatabi mo pa nga siyang matulog sayo eh."

"Psh, ewan nga sayo! Imbento ka na naman!" tinalkuran ko na si Grince at nagpunta sa banyo.

Naghubad at tumapat sa shower. Habang naliligo ay parang sumakit ang ulo ko. Parang may kung ano na naman kasi akong naaalala.

"Tss! Ano ba 'yan? Kelan ko ba maaalala ang lahat?!"

Sa totoo lang kasi ay medyo naniniwala na rin ako kina Grince sa pagsasabi nila na asawa ko daw yung stalker na yun. Pero pag tinatanong ko naman ang parents ko, no comment lang sila. Kung sila sana ang magsasabi saken, maniniwala pa ko.

~~

"Bes!" tawag ko kay Grince.

"Oh?"

"Ganun pa rin sya." malungkot na sabi ko sabay turo sa face ko.

Ella Bratinella #Wattys2017Donde viven las historias. Descúbrelo ahora