Bratinella.08

5K 91 0
                                    

Bratinella.08

"Tatanggalin ko lang 'to in one condition," sabi ko sa kanya.

"What?"

"Ikaw ang magtakip ng mukha."

 "What? Are you crazy?" reklamo na naman niya.

"Of course not! Naninigurado lang ako, ayokong mangati habang kausap ka," tugon ko.

"Eh paano kung ayaw ko?" nanghahamon niya pang tanong.

"E'di isaksak mo sa baga mo yang sinasabi mong proposal mo!" sigaw ko na, nakakapikon talaga 'yang payatot na 'yan!

"Aish! Okay, okay..." susuko rin pala, sinayang pa ang precious saliva ko!

Sumilip naman ako sa mga butas ng daliri ko upang macheck kung tama ang ginagawa nya.

"No, hindi ganyan ang sinasabi ko. Nakikita ko pa rin ang mukha mo kahit nakaganyan ka!" reklamo ko.

"Eh paanong takip pa ba ang gusto mo?!" naiinis na niyang tanong.

"Yu-yung damit mo ang ipantakip mo!" sabi ko nang naninigurado.

"Are you crazy? Paano ko naman itatakip itong damit ko sa mukha ko?"

"Tsk. Bahala ka, diskarte mo na yan. Matalino ka diba?" sagot ko, puro kasi siya reklamo eh!

"Oh, ayan na Bratinella!"  maya-maya'y narinig kong sabi niya.

Sumilip akong muli, agad na natawa sa ayos ng aking mortal enemy. Mukha kasi siyang tanga, engot, payaso, payato—t??

TEKA! TEKA!

Paanong... paanong nagka-abs 'tong walang-hiyang 'to?! OMG! NO WAY!

Sh*t! Hindi ako naaakit sa kanya! NO! Hindi ako naglalaway sa pandesal niya, *punas sa gilid ng bibig* at hindi nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa katawan niya ngayon. A BIG NO!!!

 "Hoy, di ka na nagsalita d'yan? Okay na ba'to?" nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.

"Ah, oo..oo. Ano ba kasi yung sinasabi mong plano?" umiling-iling nalang ako sabay baling ng tingin sa kahit saan.

"Actually, it's just a simple plan, matalino kasi ako kaya naisip ko 'yun. Hindi naman ako tulad ng iba d'yan na puro drama lang ang alam."

"Ako bang pinariringgan mo?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

"Ay nasasaktan ka ba?" painosente niya pang tanong. Tss, I'm sure nangingisi na 'yan sa likod ng shirt niya.

"Sasabihin mo ba'ng plano mo o mag-aasaran nalang tayo dito?!" nabubwisit ko nang tanong.

"Okay okay, hot ka naman masyado. We will act to our parents na payag na tayo sa marriage thing na sinasabi nila. And then papaniwalain na rin natin sila na close na tayo, so that papayag sila na tayo na lang ang mag-aayos ng mga papeles ng kasal natin."

"Sus. Ano ba yan? Dinagdagan mo lang ang trabaho ko eh. E'di ganun din, kasalan din ang labas n'yan kahit na tayo pa ang mag-ayos ng mga papeles." naiinis na 'ko, pangmatalino bang plano 'yun?! Anak ng bobo naman oh!

"Ella, minsan gamitin mo rin yang utak mo. Hindi yung puro ganda lang pinaiiral mo."

"Aba't--!"

"Hindi mo ba naisip na kapag tayo ang nag-ayos ng mga papeles ng kasal ay pwede natin gawing fake yun?" at pinutol na ng bastusing lalaki ang pagsagot ko sana sa kanya.

"Fake? Ibig mong sabihin hindi magiging totoo yung kasal natin?" tanong ko.

"Hindi, hindi. Tototohanin natin. Kaya nga natin pinaplano 'to kasi gustong-gusto mo nang magpakasal saken diba? Ganyan ka kasi kapatay na patay saken."

"Ang lakas din naman pala ng fighting spirit mo ano?!" sigaw ko.

"Buti pa nga yung fighting spirit ko malakas. Eh kamusta naman yung common sense mo?" mayabang niya pang pahayag.

"Tss, oo na! Oo na, gets ko na yung sinabi mo!"

"Tsk. See? Yan ang nagiging resulta ng mga ginagamit ang utak. Kasi ang utak nilagay sa ulo para gamitin, hindi para pang-display lang."

"Yabang naman nitong damuhong 'to..." bulong ko.

"Gwapo't may laman naman ang utak." Aba't narinig pa talaga yun ah! "Kaya nga sayang ako kung sayo lang ako mapupunta eh."

"Ako rin naman, super sayang ko kung sa isang boring at duwag na lalaking katulad mo ako mapupunta! Kaya hindi ako magpapakasal at magpapaSAKAL sayo. Never!"

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now