Bratinella.32

3.6K 44 4
                                    

Bratinella.32

-GRINCE-

Halos masira ang pinto ng kwarto ko nang marinig ko ang masamang balita.

"Grince tara na! Bilisan mo sumabay ka na samen," sabi ni Dad.

Hindi nako nag-abala pang magbihis. t-shirt at shorts nalang ang sinuot ko at sumunod na kila daddy.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari... ang ibinalita saken nina mommy at daddy.

"Naaksidente ang best friend mong si Ella."

kahit paulit-ulitin ko pa sa sarili ko ang mga salitang yun, hindi pa rin matanggap ng sistema ko.

Sh*t! Bakit ba kasi nagtampo-tampuhan pa ko sa kanya kanina?!

Halos paliparin na ni daddy ang kotse makapunta lang agad sa ospital. Sabi nila tito Miguel, kasalukuyang nagda-drive daw sa expressway si Ella nang maaksidente.

Pagkadating namin sa ospital ay agad naming nakita ang parents ni Ella at si Grey sa labas ng emergency room na balisa at pabalik-balik sa hallway.

"Grey! Anong nangyari?!" tanong ni daddy sa kanya.

Tulala naman si Grey at hindi agad nakasagot kay daddy. Maya-maya pa'y may lumabas nang doktor. Kinabahan agad ako sa reaksyon sa mukha ng doktor.

"Doc, kamusta ho ang anak ko?" tanong ni Tito Miguel sa doktor.

"Doc, kamusta ho ang asawa ko?" si Grey.

"I'm sorry to say..." napapailing yung doctor at tila nag-aalangan pa sa susunod na sasabihin.

Kami naman naghihintay lang sa kanya habang kabadong-kabado na.

"Sorry but your daughter is in a coma state and there's no guarantee kung kelan sya magigising."

Pagkarinig ko nun ay saka lang nag-sink in saken ang lahat.

Tila gustong sumabog ng utak ko.

Ang best friend ko...ang kaisa-isang kakampi ko sa buhay...

Ang taong halos ituring na kong totoong pamilya...na inaway ko pa kanina dahil lang sa ayaw niyang sumamang mag-cutting......napakaliit ngayon ng porsyento ng muli niyang paggising.

Lord paano na 'to? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? Ako ang mas deserving sa nangyari sa kanya ngayon.

Bes, I'm so sorry. Sorry sa nagawa kong pag-iwan sayo kanina.

~~

-GREY-

Gusto kong patayin ang sarili ko sa mga oras na 'to. It's my fault. Dahil sa pagiging immature ko ay nangyari tuloy kay Ella 'to.

Flashback...

Kaninang umaga nang magising akong wala na sya sa bahay ay nalungkot ako. Naisip kong baka galit pa rin sya saken dahil sa nagawa ko kagabi sa kwarto nya.

Kaya naman kinuha ko ang cp ko at ganun nalang ang saya ko nang mabasa ang text message mula sa kanya:

Okay lang yun, hindi ako galit sayo. sorry din, mukhang nasaktan kita kagabi.

Pagkabasa ko nun ay agad akong nagreply agad ako sa kanya.

Ngunit pagka-send na pagka-send ko nun ay bigla namang nag-ring ang cp ko at nag-register ang name ni daddy.

"Hello Dad?"

"Hello Grey anak, I need your help," bungad agad ni Daddy.

"Ano po yun dad?" kinabahan ako, mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Daddy.

"Please be here at exactly 3pm, okay?"

"But Dad—" napatigil ako nang bigla nalang mag-end ang call sa kabilang linya.

Nagtaka ako. bakit kaya parang problemadong-problemado ang boses ni Daddy? At ano naman kayang tulong ang kailangan niya? Mukhang serious matter yun ah.

Napagdesisyunan kong umalis na at wag nalang pumasok sa subjects ko sa time na 3pm onwards. Nagpunta muna ako sa office ni daddy since 4pm pa naman ang uwian nila ella.

"Siguro, hihingi lang ulit ng advice si daddy about sa business."

 Pagkarating ko sa office ay wala na ang mga employees. wala na rin ang secretary nya. Nakita ko si dad sa na aburidong nakayuko sa may desk nya.

"Dad? anong problema? Bakit pinatawag niyo po ako dito?"

"Anak..." tumayo siya pagkakita nya saken. "I'm so sorry..." then humagulgol na sya ng iyak.

"Dad, what's wrong?" inangat ko ang mukha nya. mukhang kanina pa sya umiiyak.

"Grey, please kung hindi mo kayang gawin tumanggi ka nalang."

"Ano po ba yun dad?" naguguluhan na ko, hindi lang sa inaakto ni daddy kundi pati na rin sa mga sinasabi nya.

"Anak, nagbalik na sila..."

"Sino po dad?"

"Ang mga Reyes."

Napaatras ako bigla. Hindi ko ineexpect na magiging ganun kabilis.

Oo nga't nandirito't nakita ko na ang mga anak nila. Pero sila mismo, siya mismo? Hindi ko akalaing ganun kabilis ang pagbabalik nila.

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon