Bratinella.07

4.9K 83 2
                                    

Bratinella.07

 "AARGHHH!" pinagbabato ko ang lahat ng mga gamit na makita ko. "Napaka-unfair nila! Niloko nila ako! Pinagkaisahan! Pare-pareho lang sila! I hate them all!"

*boogsh!*

Nagkalat ang mga gamit sa loob ng little mansion ko. Bwiset kasi, sinong hindi maiinis na pagkatapos nga'ng ibigay ang lahat ng gusto mo, hihingan ka naman pala ng kapalit na magpakasal sa taong hindi mo naman mahal, and worst pinakakinaiinisang tao ko pa sa buong buhay ko?!

Hindi bale nang maubos lahat ng gamit dito, mailabas ko lang lahat ng sama ng loob ko.

"Dammit!" ibinato ko pa ang lampshade sa may dingding. "LALO KA NA GREY! DAMN YOU!"

"ANONG DRAMA 'TO?!"

Napalingon ako sa pinto kung saan iniluwa ang taong pinakahuli kong gugustuhing makita. Agad na nag-init ang ulo ko't kumulo ang dugo ko kaya naman binato ko agad sa kanya ang picture frame na hawak-hawak ko.

"ANONG DRAMA?! DRAMAHIN MO MUKHA MO, F*CK YOU!"

"ARAY! ANO BA?!" sigaw niya habang pinatatakip sa mukha niya ang braso niya.

"HOW DARE YOU? DUWAG KANG BAKLA KA! MAGPATAMA KA, HUWAG KANG UMILAG!" sigaw ko pa rin sabay bato ng kung anu-anong bagay na madampot ko.

"TSS, PARA KA NAMANG BATA ELLA!" sigaw niya habang ganun pa rin ang pwesto.

"KUNG AYAW MONG MAGPATAMA, UMALIS KA NALANG! DAHIL KAHIT ANONG GAWIN MO, HINDING-HINDI KA MAGTATAGUMPAY SA PLANO MO DAMUHO KA DINAMAY MO PA'NG MGA MAGULANG NATIN!"

"Huh?" napatigil siya na tila walang alam sa mga sinabi ko.

Tss, langya ka. Kunwari ka pa! Akala mo mapapaniwala mo ko sa inosente-look mo na 'yan!

"Akala mo ba hindi ko alam na isa ka sa mga nakaisip ng pesteng idea ng pagpapakasal natin? Hoy! Para sabihin ko sayo, mamamatay muna ako bago pumayag magpakasal sayo!" inis kong sabi sa kanya.

"What the hell are you saying?"  kunwari na naman siyang walang alam! Peste talaga!

"Alam ko namang isa ka sa mga nagplano ng kasal kasal na yan eh. Gusto mo kasi akong gantihan dahil alam mong kapag ang isang tulad kong model ay nagkaasawa na ay mawawalan na ng career. Ang sama mo! Ang sama sama mo Grey Anthon Lee!"  walang hinga-hinga kong pagdadrama.

Maya-maya pa'y lumapit siya. Agad naman akong nagtakip ng mukha, mahirap na baka mangati na naman dahil sa kanya. Puro perwisyo pa naman ang dala niyang damuhong yan!

"Ano bang utak meron ka ha?!" aba't bwisit na 'to ah! "Why the hell would I sacrifice myself just for your self-treasured career? At para sabihin ko rin sayo, wala akong kaalam alam sa planong 'yon ng parents natin. Wala rin akong balak magpakasal sa isang spoiled-brat na katulad mo!"

Napatigil naman ako. "Eh bakit hindi ka man lang nag-react kanina?"

"Hindi naman kasi ako katulad mong hindi marunong gumalang sa matatanda. And besides, nagpunta lang naman ako dito to give you a proposal."

"Oh, kitams! Sabi mo ayaw mong magpakasal, eh bakit magpo-propose ka pa?"

"Oh my," napa-face palm siya. "It's not the kind of proposal you're thinking of. Ito ay isang plan na pagsasabotahe ng marriage thingy na gusto nila para sa atin."

"Anong plano?"  tanong ko.

"Sasabihin ko pero humarap ka muna sa akin. Is that a proper manner? Ang makipag-usap ka sa isang tao na nakatakip ng mga kamay ang mukha." 

Aba, akala mo kung sinong siyang makapag-utos ha! Kasalanan ko ba kung pangit ang mukha niya't inaallergy ako 'pag nakikita yun?!

"Ayoko nga, mangangati na naman ako ehm" sagot ko.

"Tsk!'' pikon na naman siya.

Then an idea came up in my mind!

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now