Bratinella.26

3.7K 60 7
                                    

Bratinella.26

-ELLA-

"Oh my God, Anthon. Ikaw nga!" maarteng sigaw ng mukang bisugong mais sa harapan namin na parang surprised na surprised makita si Grey.

Madaling-madali pa siyang bumaba ng kabayo.

Ito namang si Grey, bumaba rin ng kabayo at kunot-noo pang kinikilala kung sino yung babae.

"Love?!" maya-maya pa'y sambit ni Grey kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

ANO DAW? LOVE?!

Pucha! Sinabi nya yun sa harapan pa ng asawa nya?!

 "Oh, Anthon Babe! I missed you so much!" yung babae sabay yakap at halik sa pisngi ni Grey.

HOY! ASAWA KO YAN! BRUHA KANG BISUGONG TINUBUAN NG BUHOK NA MAIS!

Naikuyom ko ang mga palad ko at napasimangot na rin. 'Ni hindi man lang kasi magawang tumanggi ng magaling na lalaking 'to.

Tss, so you want to work this fucking relationship out huh?

Sa inis ko ay hinila ko yung magkabilang tali ng kabayo at pinatakbo na ito. Hindi ko na inintindi ang takot ko.

"ELLA!" rinig kong tawag nya ngunit nagdire-diretso lang ako at hindi sya initindi.

"Hey, Anthon wait!" napalingon ako sa kanila at nakita kong hinawakan pa ni Love ang brasong magaling na si Grey.

"Argh! Magsama kayooo! Isang bisugo at isang galunggong!" inis kong sigaw habang patuloy pa rin sa pagtakbo yung sinasakyan kong kabayo.

Sa totoo lang ay medyo kinakabahan na rin ako. Hindi ko kasi alam kung pano pahihintuin ito.

"AKALA MO MAGANDA KA?! EXCUSE ME, MAS SEXY AT MAS PRETTY AKO SAYO NOH!"

Patuloy ko pang sigaw. wala nang pakialam sa mga taong nadaraanan ko at napapalingon saken. Maya-maya pa'y may nakita akong bakod. Hinila ko yung tali upang pahintuin sana ito. ngunit mas lalo lamang siyang bumilis sa pagtakbo at tinalunan pa yung bakod.

"Aaaay!" napatili ako dahil sa taas ng talon ng kabayong sinasakyan ko.

Nagtuloy-tuloy pa rin ito sa pagtakbo hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang makita ang karatulang: "DEAD END."

"Shit!" napariin ang hawak ko sa tali. "Huminto ka na! Parang awa mo na! Please!" biglang bumilis ang tibok nang puso ko.

Mukhang nakikini-kinita ko na ang kahahantungan ko.


-GREY-

Kinakabahan na ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na kasi makita si Ella, sabi pa nung isang babae ay may nakita daw siyang isang babaeng nasa kabayong mabilis ang takbo na tumalon sa may bakod.

Napapamura ako sa isiping baka nga nagtungo si Ella sa forbidden place. Dead end na yun dahil bangin na ang dulong-dulo nun.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kabayong sinasakyan ko. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita sira ang ilang pirasong bakod.

Agad kong pinatalon doon ang kabayo at mas binilisan pa ang takbo.

"Aaaay!" napasinghap ako nang marinig ang pamilyar na boses na yun.

"ELLA!"

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong nagdire-diretso yung kabayong sinasakyan nya dahilan para mahulog iyon sa bangin.

Mabuti nalang at nakatalon agad sya at nakakapit sa isang malaking sanga. Dali-dali akong bumaba ng kabayo.

"ELLA!"

"Grey!" sigaw nya nang makita ako.

Agad kong hinawakan ang kamay nya at pinilit hilahin sya paitaas. Pero biglang nagcrack yung sanga. Malapit na iyong mabali. dinalian ko pa ang paghila kay ella.

"AAAAH!" saktong pagkaputol nung sanga ay nahila ko sya nang tuluyan.

Bumagsak sya at napadagan sa katawan ko.

"Ano bang nangyari Ella, bakit ka napunta dito?"

Sa gulat ko'y bigla nalang siyang tumayo at akmang lalayasan ako. Dali-dali akong bumangon at hinila ang kamay nya.

"Teka nga, nagseselos ka ba?"

"NO!" mariin niyang tugon.

Pero imbes na pakawalan siya ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Nagseselos ka nga."

"NO WAY! Bakit naman ako magseselos?!"

"Kasi asawa mo ko." simpleng sagot ko.

"Tss! Bitiwan mo nga ko!" pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Hindi ko pa rin sya pinakawalan at sa halip ay hinila at binuhat ko pa sya pasakay ng kabayo.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now