Bratinella.20

4.2K 75 13
                                    

Bratinella.20

-GREY-

Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Pero bago pa man ako makarating nang tuluyan sa room ay bigla kong nakasalubong si Sir Neil.

"Good morning po Sir," bati ko sa kanya.

"Good morning din Mr. Lee. Matanong ko lang, naibigay mo na ba ang punishments mo doon sa dalawa kong estudyanteng pasaway?" tanong naman agad niya.

"Aahh...eh, Sir..." wala akong maisip na isasagot dahil sa totoo lang ay nakalimutan ko na nga iyon.

Sa dami kasi ng iniisip ko ay ang dami ko nang responsibilidad na nalilimutan.

"Tsk. Tsk. Tsk. Be fair naman Mr. Lee, hindi porke't kapatid mo yung nakagawa ng kalokohan palalampasin mo na. I expect you to be a good model to the other students here," disappointed ang mukha nito.

"Sorry Sir, nalimutan ko lang po sa dami ng trabaho. Don't worry po, papatawag ko na sila afterlunch." paliwanag ko.

"Okay, thank you. Sana nga ay magawa mo," yun lang at umalis na rin ito.

***

-ELLA-

"Uy Bes, ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Saan ka ba kasi nagpunta kanina?"

"Huh?" takang napalingon ako kay Grince, hindi ko kasi masyadong naintindihan yung sinabi niya.

"Kanina ka pa kasi parang wala sa sarili eh," sabi niya.

Argh! oo nga. Kanina pa ko natutulala dito.

Paano naman kasi, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Napahawak ako sa mga labi ko. Tila ramdam na ramdam ko pa rin ang kuryenteng idinulot ni Grey sa akin.

Ganun na rin ang kuryenteng puno ng galit nang sabihan nya ko ng pinakamasakit na salitang narinig ko sa buong buhay ko.

Tss, ni minsan wala pang nakakapang-insulto saken ng ganun!

Ni minsan rin, kahit na anong pagbibintang nya pa saken, never naman siyang lumampas sa limit na pagsalitaan ako ng ganung kasakit ng salita.

Tss, sana sinaktan niya nalang ako physically kesa ganun!

"Uy Bes, bakit parang naiiyak ka na? Ano ba talagang problema." tanong ulit ni Grince.

Hindi ko magawang mag-open kay Grince this time. Nahihiya kasi ako. Lalo na sa sarili ko.

Ngunit sa kabila ng lahat, higit ang pagtataka ko dahil hindi ako nangati matapos akong halikan at titigan ni Grey.

Aish! naguguluhan na talaga ako!  Saka... saka....

Bakit naman sa ganoong paraan pa?

Pangarap ko pa namang maging romantic ang unang halik ko.

 "Tss. Yun pa naman ang first kiss ko, ang saklap..." naluluha na naman ako.

"Anong sabi mo Bes?!" gulat na tanong ni Grince.

OMG, naisaboses ko ba yun?!

"Ah, wala. Sabi ko nagugutom na ako. Tara, kain na tayo."

Agad ko na siyang hinila papunta ng cafeteria. Nang maka-order ay umupo na kami sa isang sulok.

Hay... paano kaya ako makakaganti sa damuhong 'yon? Akala niya siguro papatalo ako sa kanya, bwisit siya!

"Bes, akala ko ba nagugutom ka na? Bakit di mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" tanong na naman ni Grince.

"Ahh, oo nga pala nagugutom na ko," sabi ko sabay subo nang sunud-sunod sa pagkain.

Nakita kong gulat ang reaksyon niya sa ginawa ko. Tss, ano ba 'to? Nawawalan na 'ko na manners dahil sa damuhong Grey na yun!

"Tsk. tsk. tsk. Bes, ano ba talagang nangyayari sayo?" napapailing na tanong ni Grince.

***

Pagkatapos kumain ay nagdesisyon kaming bumalik sa classroom.

"Ella, Grince, may nagpunta ditong SC Officer, pinapatawag daw kayo dun. Excuse na daw kayo sa next subject natin," sabi ng isang matabang babaeng kaklase namin.

Hindi ko alam yung name, at wala na kong balak alamin. Nagkatinginan kami ni Grince.

Noong una, ay napaisip pa ko kung bakit. Maya-maya...

"Ay, oo nga pala Bes, hindi pa nasasabi ng magaling kong Kuya yung punishment natin," si Grince.

"Tsk! Akala ko naman nakalimutan na niya," inis akong napapadyak.

Naiinis ako, hindi dahil sa punishment na haharapin namin. Kundi dahil kay Grey na kelangan ko na namang makaharap ngayon! tss!

Ilang saglit lang ay nasa harapan na kami ng SC Office. Pinapasok naman kami ng isang matangkad na lalaki sa mismong opisina ng Student Council President.

"Maupo kayo. Maya-maya lang ay nandito na rin si President," sabi nung lalaki.

"Ano ba yan? Pinatawag-tawag kami agad, wala pa pala siya," angal ko.

Agad naman akong siniko ni Grince, "Bes, baka magsumbong yan kay Kuya. Lalo pang hirapan ang punishment natin."

"E'DI MAGSUMBONG SIYA, SA EVILMONG KUYA," sinadya ko pang lakasan ang sinabi ko.

Inis-inis na talaga ako, hindi doon sa lalaki, kundi sa bwisit na Grey na yun.

"Speaking of the devil," bulong ko nang makita kong papasok na si Grey.

Nakatingin lang ako sa kanya ng masama. Hindi na ko natatakot dahil hindi na naman ko inaatake ng allergy.

"Mabuti naman at nandito na kayo," panimula niya pa.

"Sabihin mo na, pa-suspense ka pa eh," pambabara ko agad.

"Hmm, mukhang atat na atat ka na talaga Miss Romualdez," he said as he smirks.

Inirapan ko lang sya.

"Okay, tutal ay atat na naman yang kaibigan mo Grince, uunahin ko nang sabihin yung punishment mo." pang-aasar niya pa.

"Psh!"

Grrr! Bwiset talaga! 

"No interruptions please," sabi pa nya na nakatingin pa saken. "Grince, ang parusa sayo ay ang isang linggong paglilinis sa SC Office at sa classroom niyo..."

"Sus yun lang pala—"

"Nang hindi nagpapatulong kahit kanino, especially sa mga kalalakihan. Is that clear?" pinutol agad ni Grey pinapakay ni Grince.

"Grey naman!" angal ni Grince.

"And you," baling nya naman saken.

Tinitigan ko lang siya nang buong-tapang, I told you, wa epek na ang allergy ko sa kanya. Pwede na kaming magtuos anytime..

.

.

"You will be my SLAVE for one whole week," sabi niya nang cool na cool lang.

" WHAT? SLAVE?!" 

Ako? Si Ella Bratinella, magiging slave lang ng mayabang na si Grey Anthon 'Boring' Lee?!

"Oh kung gusto mo ng mas appropriate na tawag, you will be my personal secretary. Understand?"

ARGH! BWISIT!

~~~

A/N: Any comment guys? ;)

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now