Finale Part II

5.7K 111 14
                                    

Finale Part II

They say, if you love someone... forgiveness is very easy. They say, if you really love that someone...acceptance is just a piece of cake.

"Sorry, alam kong napaghintay kita nang matagal nun and I must admit na nakipagkita ako kay Love nung gabing yun," biglang kumulo ang dugo ko.

"Sabi ko na nga ba."

"But its just for the business. It's just for our future, Ella..."

Kumunot ang noo ko.

"Nakiusap sa akin si Dad na i-meet ko daw si Mr.Reyes, ang daddy nina Love and Nef, para sa isang business meeting. but unfortunately, si Love ang humarap sa akin. Pinainom nya ko. ayaw niya kong paalisin nun. At ang pinananakot nya, ay yung contract na siyang kailangang-kailangan ng kompanya natin."

Bigla akong nakaramdam ng panggagalaiti sa bruhang Love na iyon. I swear, kapag nakita ko siya uubusin ko talaga lahat ng buhok niya! Pero mas pinili ko pa ring paniwalain si Grey na hindi niya pa rin ako nakukumbisi.

"Tss for all I know, gusto mo ring kasama siya, ano?" inirapan ko siya.

"No Ella, sinabi ko na sayo noon pa na hindi na sya ang mahal ko..."

"Psh, I don't believe you."

Sabi ng isip ko, tanga na kong maituturing kung muli akong magpapauto sa kanya. Pero iba ang sinisigaw ng puso ko...

Kung mahal mo talaga sya, muli mo siyang tatanggapin para sa kasiyahan niyong dalawa.

"Ano namang contract yun ha?" tanong ko.

"That's the contract na kelangang pirmahan ng mga Reyes na magpapatunay na hindi nila binabawi yung share nila sa kompanya." he answered confidently.

"How come na naging shareholder sila ng company?"

"Not just mere shareholder, but one of the biggest shareholders in our company."

"Pero bakit hindi natin alam?!"

"They're our silent partners," aniya na siyang ikinagulat kong talaga.

Damn.

Nagmukha pala kaming tanga... na nag-alaga ng leon sa sariling kompanya. Alam ko ang history ng rage ng mga Reyes sa mga Lee. at damay na rin kami dun dahil business partner ni Don George ang papa ko.

Alam kong plano talaga ng pamilya nila na pabagsakin sina Grey. At syempre, kung babagsak sila...kasama kami.

"Anong sabi mo kanina, kapatid ni Love si Nef?" tanong ko ulit.

"Oo."

"Fuck." BAT HINDI KO ALAM YUN?!

"I know na-shocked ka, pero ella hindi iyon ang importante ngayon. What we need to do now is to join forces para mapigilan ang pinaplano ng mga Reyes."

"So ganun pala yun?"

"Huh?" tanong naman niya.

"Ganun naman pala. kaya naman pala may nalalaman ka pang pahara-harana dyan. Gusto mo lang naman palang ma-gain ulit yung trust ko para hindi bumagsak yung kompanya niyo?! Bakit papahirapan mo pang sarili mo? Bakit di mo nalang balikan si Love para mas lalong lumakas yung company nyo?" litanya ko pa.

"Ella naman, hindi mo ba naiintindihan?!" his face is full of frustrations. "Ginagawa ko 'to, hindi para sa company namin! ginagawa ko 'to para sa future natin! ginagawa ko 'to dahil MAHAL KITA! MAHAL KITA ELLA, MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?!"

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon