Bratinella.06

5.3K 102 4
                                    

Bratinella.06

-ELLA-

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong naligo para mawala ang pangangati si katawan ko. Pagkatapos ay nagbihis ako ng paborito kong outfit na pambahay—shorts at maluwag na t-shirt. Palabas na ko ng kwarto ko nang makita ko si mama.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.

"Po? Eh wala naman po akong shoot ngayon eh."

"Magbihis ka," utos niya.

"Ma, nakabihis na po ako."

"Namimilosopo ka na naman Ella. Mag-ayos ka. Gandahan mo ang suot mo."

"Bakit po ba Mama?" nalilito na talaga ako dito kay mama ha.

"Ayts, huwag ka nang magtanong. Basta magbihis ka."

I sighed bilang pagsuko. Bibit-balikat nalang akong pumasok sa kwarto at nagbihis muli. At katulad ng sinabi ni mama, nagbihis ako't nag-make up—ang paborito kong gawin.

Enjoy na enjoy pa ko sa harap ng salamin ng biglang bumukas ang pinto.

"Ella, hindi ka pa ba tapos dyan? Bilisan mo na dyan at bumaba ka na sala."

"Opo, papa!"

Binilisan ko na ang paglalagay ng lipstick. In the end, yellow collar backless dress ang napili kong suotin. Simple lang rin siya. Ayoko naman maging OA ang pananamit ko sa harap ng co-businessmen ni papa. Baka sabihin pa nagpapa-cute ako sa kanila, ang tatanda na nila, ew! Nasa hagdanan na ko nang makarinig ako ng tawanan mula sa ibaba.

Tsk. Akala ko pa naman bigating mga businessmen ang bisita ni papa. Eh muhang kaklase niya lang nung high school ang mga bisita niya eh.

"Ayy!" OMG nasa last step nalang ako ng hagdanan namin, bigla pa kong natapilok. Clumsy me.

"Are you alright?" tanong ng isang pamilyar na tinig na nakakapit sa bewang ko.

Hindi na ko nag-abala pang tignan sya. Inalis ko nalang agad ang pagkakakapit nya saken. Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita, rather bumulong, yung tipong ako lang ang nakakarinig, "Tatanga-tanga kasi eh."

Tss, feeling super hero, plastic naman pala!

Siya kaya ang dahilan ng kung bakit ako natapilok sa hagdan. Nakita ko kasi yung panget nyang mukha!

"Ella... Grey... halina kayo, maupo na kayo dito."

Sumunod naman ako at tumabi kay mama kung saan malayo sa upuan ni Grey.

"Oh, pareng George, mareng Andrea, Grey ngayong nandito na ang anak kong si Ella... pwede na nating pag-usapan ang asdfghjkl..."

*kamot here*

*kamot there*

*kamot all-over*

Ito na naman, nararamdaman ko na naman. Oh please, my dear allergy, not now. Malilintikan ako kay Papa nito.

Pero patuloy pa rin ang pangangati sa buong katawan ko. "Ma, Pa, Tito, Tita. excuse lang po ha?" paalam ko na sa kanila.

Di ko na talaga keri 'to.

"Ella! Mamaya ka na, umalis. May importante kaming sasabihin sayo!"

Hindi ko na inintindi pa ang sinabing iyon ni Papa, tumakbo na ko sa hagdan pagkatapos ay dumiretso kaagad ng kwarto. Agad kong binuksan ang cabinet ko at hinagilap ang anti-allergy cream ko.

"Ella, anak tawag ka ng papa mo. Ano bang problema mo? Bakit ka nagtutumakbo paakyat dito?"si Mama na sinundan pala ako.

"Eh, mama diba po alam niyo naman na aller—"

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now