Bratinella.12

4.6K 77 4
                                    


Bratinella.12

Habang naglalakad kami ni Nefthali ay todo-pray na 'ko. Yes, marunong naman akong magdasal kahit papaano. I silently prayed na sana hindi ko siya makita, na sana maging safe ang skin 'ko. Gosh, I'm so nervous na talaga!

 "Ah, Shaye saan nga pala ang room mo?" maya-maya'y rinig kong tanong ni Nef.

"Room ko? There oh," sabay turo ko sa katapat na building. "D'yan lang sa may first room sa first floor."

"Ah. I'll often visit you there. Okay lang ba?"

"Ikaw bahala.." Enebe Nef huwag mo kong pakiligin ng ganyan, baka masanay ako!

At nang malapit na kami sa pakay naming lugar ay agad akong nakakita ng 'di kanais-nais na tanawin.—ang damuhong husband-husband-an ko. Nakaupo ito sa bench sa tapat ng room nito kasama ang mga tropa nya. Agad akong nagtago sa likod ni Nef.

Napansin naman iyon ni Nef kaya nagtaka siya, "Why Shaye? Is there something wrong?"

Umiling lang ako Maya-maya pa'y nagulat ako nang biglang hawakan ni Nef ang kamay ko at sinabing, "If there's someone bothering you here, just tell me. A'right?"

Bigla akong napaangat ng tingin sa seryosong mukha niya. Nakita ko naman ang sincerity sa mga mata nya.

I smiled.

Feeling ko nagkaroon ang security kapag kasama siya. Yay ang landi ko talaga! Buti nalang at japeyk ang kasal namin ng damuhong Grey na yun.

At nang ilang hakbang nalang papunta sa room nila ay ramdam na ramdam ko ang tensyo sa paligid. Halos tagus-tagusan kasi ang tingin nila samen ni Nef. Nakikita ko nag pagtitig nila sa gilid ng mata ko.

"Shaye, just wait for me here ha?" si Nef nang nasa tapat na kami ng room nila.

***

"Uy diba si Ella yun?"

"Sino yung kasama nya?"

"Kaklase natin?"

"Boyfriend nya ba yun?"

***

Aish! Yun lang talaga nag mahirap sa pagkakaroon namin ni Grince ng kaibigang lalaki eh. Lagi napagkakamalang boyfriend namin.

"Let's go," napapitlag ako nang hawakan ni Nef ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta? Baka may klase na kayo?" pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya.

"Ihahatid na kita Shaye," sabi niya pa.

Hala, hinatid ko siya, hinatid niya rin ako. Ano 'to hatid-hatiran kami? Bongga ha, ayaw talaga namin mawala sa paningin namin ang isa't isa. Kiligs!

"Ah no need—"

"Please Shaye? Hindi rin ako makakapakinig ng ayos sa klase hangga't hindi ko nasisiguradong nakarating ka nang maayos sa room niyo," putol niya na sa sasabihin ko. 

Kinilig naman ako dun, ngayon lang 'ata ako nakakita ng nilalang na sobrang gwapo na sobrang gentleman din.

Dahil sa sobrang pagka-persistent nya ay pumayag nalang ako.  Inihatid nya ko hanggang sa class room. Agad naman akong sinalubong ni Grince ng yakap.

"Bes! Where have you been?! Bakit di ka umattend ng first—" tinignan ko siya ng shut-your-fcking-little-look.

Nagets naman agad niya yun.,"Ah, ang ibig kong sabihin, bakit di ka umattend ng first mass kahapon? Hehe."

"Basta Bes! Nga pala, may kasama ako," humarap ako kay Nef.

Tinanggal nya yung shades nya. Pagkaharap ko kay Grince. Gulat na gulat ang reaksyon nniya at nanlalaki ang mga mata niya na animo nakakita ng isang multo.

"OMG! Bes! Kilala mo siya?!" tinuro niya pa si Nef.

 "Huh? Malamang, kasama ko nga diba? Sumasama ba 'ko sa hindi ko kakilala?" sagot ko kay Grince.

"Oh my God! Boyfriend mo na ba siya Bes?!" excited niya pang tanong.

Agad ko naman siyang siniko. Nakakahiya kaya kay Nef.

Hindi ko siya boyfriend. Future boyfriend, oo! Pwede! Gusto ko sanang sabihin kay Grince. Pero pinigilan ko ang malandi kong dila, kahit papaano kuya niya pa rin ang fake husband ko. Kahit ba alam niyang peke lang ang kasal namin, nakakahiya pa rin.

"Ano ka ba?! Hindi noh! Classmate ko lang siya noong nasa grade school pa kami," pagpapaliwanag ko.

 "Eh kasi—"

*krriinnngg!*

Hindi na naipagpatuloy pa ni Grince ang sasabihin niya nang biglang mag-bell.

"Oh, nag-bell na Nef. Pumunta ka na sa room niyo at baka ma-late ka pa. Ingat ka ha? Bye," I waved at him and smiled sweetly.

 "Okay. Thanks nga pala sa pagturo mo ng room ko. See you later. Bye!" paalam niya sa amin at tuluyan nang umalis.

"Fucking holy grail! Bes pakipulot mo nga yung panty ko!" tili ni Grince.

"Haha, gwapo noh? Ganyan din reaction ko nung una ko siyang nakita eh!" mag-best friend nga kami nitong loka-lokang 'to.

~~~

"OMG! OMG! OMG!" tili ni Grince kahit pa nasa loob na kami ng class room.

"Hoy! Ano ka ba? Parang di ka mapatae d'yan! Hindi ka maka-get over!" pinagsabihan ko na siya, anytime kasi ay dadating na ang Prof namin.

"Talagang 'di ako makakaget-over Bes noh!" sabi niya pa.

"OA ka na Bes ha!" pinalo ko siya sa braso.

 "Eh, Bes naman kasi... ang tagal-tagal na nating mag-bestfriend, hindi mo naman sinabi sa'kin na friends pala kayo ni Nefthali!" tila nagtatampo niya pang pahayag.

 "Actually, kanina lang naman talaga kami naging mag-friends. And besides, kanina lang din kami nag-meet ulit noh. Teka nga, pa'no mo naman nalaman na Nefthali ang real name nun, eh Nef lang naman ang pakilala ko sayo sa kanya kanina?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"OMG ka talaga Bes! Huwag mo sabihing hindi mo din alam?!" gulat na gulat niyang tanong.

"Na ano?" naguguluhan na talaga ako sa babaeng 'to.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now