Bratinella.14

4.2K 70 7
                                    

Bratinella.14

-GREY-

"Okay, here's your new plate that you need to create..." 

Aish! Bakit walang pumapasok sa isip ko? Hindi tuloy ako makapag-focus sa klase. 

Sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina... naiinis ako. At hindi ko alam kung bakit. Fuck!

 ***

"Uy pare, si Ella oh!" napalingon ako sa direksyon na tinuro ng tropa ko.

Tss, sino na naman kaya yang bago niyang kalandian? Aba, nagtago pa sa likuran ng lalaki. Akala nya naman magrereact ako. Psh, hindi naman talaga kami totoong mag-asawa eh.

So anong pakialam ko sa personal na buhay nya?

"Ang ganda talaga ng bestfriend ng kapatid mo Grey noh?" si Russel ulit na matagal nang may gusto sa asawa ko.

Nga pala, wala silang kaalam-alam na kasal na kami kunwari ng Bratinella na yan. Because my parents decided to keep it as a secret until we both finished our studies.

"Oo nga, sexy pa!" rinig kong sabi ni Gerald.

"Hindi ah, mas maganda naman yung kapatid ni Grey na si Grince noh," singit ni Terrence.

"Hoy pare, huwag mo nang balakin na ligawan yung utol ni Grey. Baka gusto mong maupakan ka nito," sabay patong ng kamay niya sa balikat ko. "Alam naman natin lahat kung gaano ka ka-playboy eh!"

"Pero teka mga pare, sino naman yung ugok na kasama ngayon ni Ella?" takang-tanong ni Russel.

"Oo nga noh. Boyfriend niya siguro," sabi pa ni Terrence.

Pilit kong isinususok sa isip ko na wala akong pakialam kay Ella. Pero ewan ko kung bakit parang may inis pa rin akong nadarama habang nakatingin sa kanila...lalo na nang hawakan nung lalaki ang kamay ni Ella.

Psh! Pakalandi talaga nitong babaeng 'to, may asawang tao na eh...kung kani-kanino pa sumasama!

"Akalain mo nga naman ang pagkakataon oh, mukhang classmate pa natin yung boyfriend ni Ella," si Gerald.

"Tsk! Upakan ko pa yan eh!" si Russel na inis na inis rin.

***

"Uy 'Pre, kanina ka pa tinatawag ni Prof Jude."

"Huh?" tila nabalik ako sa kasalukuyan nang kalabitin ako ni Terrence.

"Bakit daw?" tanong ko pa.

"Ewan ko, pumunta ka na lang kaya sa harapan. Kanina ka pa pinapalapit dun eh." sagot niya.

Agad naman akong nagpunta sa table ng instructor namin.

"Sir, bakit po?"

"Pinatatawag ka sa SC Office. May mga pasaway na estudyante daw na kailangan ng parusa," sabi saken ni Sir habang chine-checkan ang mga plates namin dati.

Tumango ako at saka magalang na nagpaalam sa guro.

Tsk.tsk.tsk. Sino na naman kaya ang mga luku-lukong paparusahan ko ngayon?

Sa labas ng SC Office ay agad kong nakita si Prof Neil na nakapamewang at salubong ang kilay. Bading kasi si Prof Neil, pero discreet siya dahil nga isa siyang professor.

"Mabuti naman Grey at dumating ka na."

Tinanguan ko siya.

"Sana pagbutihan mo ang pagdisiplina sa dalawang yan."

Hmm, dalawa pa pala ang parurusahan ko ngayon.

"Ano po bang kasalanan, Sir?" tanong ko.

"They interrupted my class. Ilang beses akong nag-warning sa kanila pero mga pasaway talaga eh. And I expect na hindi ka maging bias this time. Alam kong magaling kang student council president Grey." litanya niya.

"Yes sir!" tugon ko.

Never naman akong naging biased sa tungkulin ko. Sisiguruhin kong pagsisisihan ng dalawang 'to ang naging kalokohan nila.

Napangisi ako.

Hmm... get your ass ready , little rude students! Hindi na lang matutong manahimik sa classroom at makinig sa lecture ng professor niyo!

Pagkaalis ni Prof Neil ay agad kong pinihit ang door-knob at ganun nalang ang gulat ko nang makilala kung sino ang dalawang pasaway na nasa loob.

"Fuck."

Ella Bratinella #Wattys2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang