Bratinella.02

8.4K 136 7
                                    

Bratinella.02

-GRINCE-

"Gosh! ang gaganda na naman namin ni Bessy dito sa magazine. No wonder, sikat na sikat na talaga kami!" binuklat-buklat ko pa ang pahina ng magazine kung saan naka-featured kami ng best friend kong si Ella.

Then I heard a knock on my room's pink door.

Aish! Sino na naman kayang istorbo 'to?!

"Pasok!" sigaw ko dahil tinatamad akong magbukas ng pinto.

"Wala ka bang balak humiwalay d'yan sa higaan mo?"

Tss. Boses palang, sira na araw ko.

"Pake mo ba?" sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa magazine.

"Kakain na daw sabi nila Mommy't Daddy."

"Ayoko kumain. I've no appetite," dahil sayo.

"Kung ayaw mong kumain, fine. Hindi naman ako ang mamamatay sa gutom."

OA? Patay agad? Hindi ba pwedeng ULCER muna? Tss. Engot talaga nitong kapatid ko eh. Oo, kapatid ko nga 'yan. Si GREY ANTHON LEE. Ang pinakamayabang sa school. Kidding, kami pala ni Ella 'yun, lol. Inis kasi ako d'yan kay Grey. At kahit mas matanda siya sa'ken ng isang taon, wala akong kagana-ganang tawagin siyang 'kuya'. Hindi naman kasi siya kagalang-galang. Masyadong pakielamero.

"Dapat kasi Accountancy nalang kinuha mo para mas appropriate sa business natin! nagpadala ka na naman sa sulsol ng magaling mong kaibigan!" sample pa lang 'yan sa napakaraming beses na pangingialam niya sa aming mag-best friend.

Tss, kung makapag-nag naman siya saken sa course-course na yan. Akala mo naman hindi rin siya nagpadala sa sulsol ng parents namin.

As a matter of fact, gusto talaga niyang maging piloto. I remember those times when we were still little kids, we used to play in our garden, tas pag nakakakita siya ng airplane lagi niyang sinasabi...

"Grince, someday ako na ang magpapalipad n'yan!"

See? Yung someday niya naging never day na. Tss.

Perfect son kasi yang si Grey. Paano'y mula pa pagkabata ay hindi siya naging sakit sa ulo sa mga magulang namin. May paniniwala kasi siya na hindi dapat sinusuway ang mga magulang dahil malaki ang utang na loob namin sa mga ito.

No wonder, tama ang palaging description ng parents namin sa amin.

"Total opposite yang magkapatid na yan."

Aish! As if namang gayahin ko siya na halos parang tuta na ng parents namin noh! NEVER.

At kung ang best friend kong si Ella ang dakilang SPOILED-BRAT. Ako naman ay isang REBEL, or the black-sheep of the family. But don't label me as one of those gangster type of rebels. Because I'm more of a KIKAY REBEL.

Yeah right, sosyal kasi ako. Kumbaga pangmayamang rebelde ang peg ko.

"Sabay na daw tayong pumasok sabi ni Mommy." sabi naman niya, as if naman matutuwa ako sa balita niya.

"Ayoko. I have my own car. Hindi ko kailangang sumabay sayo."

Napatiim-bagang siya. Halatang nagpipigil nalang ng inis. And that's what I like the most—ang inisin siya.

"Bakit ganyan ka na kataas ngayon Grince ha? Wala ka nang ginagalang sa amin nila mommy at daddy!" sumisigaw na siya. "Aba, Grince mukhang masyado ka nang nabre-brain wash nung El—"

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now