Bratinella.09

5K 80 3
                                    

Bratinella.09

"Ella, ito pa ilagay mo na dyan sa bag mo," si Mama sabay abot ng...

Nanlaki ang mga mata ko, "Ano 'to ma?!"

"Nighties. Hindi mo ba alam yan?'

"Mama naman! Syempre alam ko 'to. Pero aanhin ko naman to?" naiirita ko nang tanong kay Mama.

"Anak,  ito ang unang gabi niyo ni Grey bilang mag-asawa. Kaya dapat maganda at super sexy ka sa paningin nya."

"Ma naman eh!"

Tss.  Nakakainis talaga! Ang sarap maglaslas! Pero hindi bale nalang, sayang ang beauty ko. Hay naku, oo na you heard it right! Kinasal na nga kami ng damuhong Grey na yun, unfortunately. At oo ulit, pumayag at sumakay na nga lang ako sa plano ng lalaking yun, and thank goodness naman at nagawan nya nga ng paraan.

Mabuti nga't nagawan rin namin ng paraan ang pag-acting ng maayos sa kabila ng allergy ko sa kanya.

Haaay, okay na sana eh. Solve na sana ang problema...kung hindi lang sila nagpumilit ang parents namin na pagsamahin kami sa iisang bahay. 

"Tutal naman anak, pareho na kayong nasa tamang edad ni Grey... kaya sige na, suotin mo na 'to mamayang gabi. Gusto ko na rin kasing magkaapo eh!" tuwang-tuwa pang sabi ni Mama.

"MAMA!"

Aish! Hindi ko alam kung dahil ba sa galit kaya pulang-pula ang mukha ko ngayon o dahil lang sa sobrang kahihiyan sa mga pinagsasabi ng mama ko. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto ko.

~~

Nang bumaba kami sa sala ay ready na ang lahat—ang mga gamit ko na nasa luggage na lahat, at ang bagong bili kong puppy na si Tom-tom.

"aw! aw!" tahol nito na tila tinatawag na ko.

Bumaba ako nang tuluyan at tinap ang ulo ni Tom-tom. Pagkatapos ay tumayo na ko at tumingin kay Papa. Sa totoo lang ay masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya. Pero syempre, ama ko pa rin siya kaya niyakap ko na siya bago pa nya makita ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Mag-iingat ka dun anak, huwag mo masyadong bigyan ng problema ang asawa mo."

Tumango ako, "Mamimiss ko po kayo papa."

Hinarap ako ni papa, pinahid ang mga luha sa mukha ko, "Anak..."

.

.

.


"D'yan lang kayo sa kabilang village titira kaya wag kang OA."

Enggk!

"Papa naman, sinisira ang pag-eemote ko!"

Tinawanan lang ako nila Papa. Then, si mama naman ang niyakap ko.

"Hangad ko ang kaligayan niyo baby, just remember what I've said to you huh?" tas lumapit pa siya saken at bumulong, "You need to look sexy and gorgeous tonight..." anito sabay kindat.

Kinilabutan ako bigla. NO WAY!

~~

Pagdating sa bahay na binili ng parents namin samen ay agad akong nagbilin kay Cynthia na maid namin.

"Cynths, paliguan mo muna si tom-tom then painumin mo ng gatas saka mo patulugin."

"Yes ma'am Ella!" sagot niya.

"Saka, dalhan mo na rin ako ng isang baso ng gatas sa kwarto ko." dagdag ko pa.

"Okay po Ma'am."

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now