Bratinella.27

3.9K 58 3
                                    

Bratinella.27

Madilim na ng makabalik kami pareho ni Ella sa hotel, binalik ko pa kasi yung kabayo na pagmamay-ari pala ni Love. Pinakilala ko na rin sila nang pormal sa isa't isa.

"Love this Ella, my wife. And Ella, this is Love kababata at—"

"Ex-gf niya," singit ni Love sabay sabit sa braso ko. "Nice to meet you."

"K," tipid na sagot ni Ella sabay irap sa babae.

At dahil sa kakaibang atmosphere sa kanilang dalawa ay nagpaalam na rin kami kay Love at at nagpunta na sa may reception area upang isettle yung kabayaran sa kabayong nahulog sa bangin.

At ngayon ay kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat na natamo ng asawa ko sa braso nya.

"Ouch!" sigaw nya pagkadampi ko nung bulak na may betadine sa sugat nya.

"Tiisin mo nalang muna para gumaling na kaagad." sabi ko at nakita kong napakagat nalang sya sa ibabang labi niya.

"Matagal na kaming wala ni Love." napatingin sya saken pagkasabi ko nun.

Habang patuloy pa rin sa paggamot sa kanya ay itinuloy ko ang pagkukwento.

"Tumagal rin kami ng halos tatlong taon. Kababata at kapit-bahay ko sya, tulad natin ay business partners rin ang parents namin. Almost perfect na ang relasyon namin nang biglang maganap ang hindi pagkakaunawaan ng mga daddy namin."

Nakatitig lang saken si Ella habang nakikinig.

"At dahil nga nagkaroon ng sama ng loob ang mga magulang namin ay pilit nila kaming pinaghiwalay. Desidido naman akong ipaglaban noon si love pero nagulat nalang ako nang makatanggap ako ng isang sulat galing sa kanya na nagsasabing nakikipaghiwalay na sya saken at pamamaalam na rin dahil lilipad na daw sya patungo sa ibang bansa nang oras ding iyon."

"Hindi ko pa natatapos basahin ang lahat ng laman ng sulat ay agad na kong nagpunta sa airport para pigilan sya. pero ganoon na lang ang pagguho ng mundo ko nang malaman na nakaalis na ang eroplanong sinasakyan niya limang minuto lang bago ang pagtapak ko sa airport."

"So mahal mo pa sya?" nagulat ako sa tanong na iyon ni Ella.

"Oo, dati akala ko mahal ko pa sya. Kaya nga nagawa kong pekein ang kasal natin eh. Pero simula kagabi at nang makasama pa kita sa buong maghapon ngayon, doon ko narealize na matagal na pala siyang wala dito," tinuro ko ang puso ko. "Nalaman ko na simula pala nung una kitang makita, may puwang ka na sa puso ko. Hindi ko lang agad nabigyan-pansin yun dahil sa sobrang pagkakaiba ng ugali at mga kagustuhan natin."

"Can I call myself a rebound?"

"No Ella, of course not! Mas lalo kong na-confirmed yung feelings ko nung hi-hinalikan kita kagabi."

"WHAT?!"

"Sorry hindi ko napigilan eh." nakita ko ang pamumula ng cheeks nya.

"Saka... ngayong nakita ko na muli si Love, wala na ko 'ni katiting na nararamdaman para sa kanya. I've realized na kaya pala hindi ko magawang entertainin ang feelings ko sayo noon ay dahil may hinihintay pa 'kong closure sa amin ni Love. At ngayong nagkita na kami ulit, hindi ko na hahayaang pigilan ko pa kung anuman ang tunay kong nararamdaman... na mahal kita Ella. Na sa kabila ng madalas nating pag-aaway noon, mahal na kita. Papansin lang naman ako sayo kaya lagi kitang inaasar noon eh. Nakakatampo ka nga kasi, nagka-allergy ka saken, hindi ko tuloy alam kung paano ka pa lalapitan noon."

She smiles, "Alam mo ba kung anong sinabi ng doctor kong dahilan kung bakit daw nagkaroon nalang ako bigla ng allergy thingy na yun?"

Umiling ako. Lalo namang lumawak ang pagkakangiti niya, "It's because papansin din daw ako sayo."

"So you mean..."

"Yes, gusto na rin naman kita noon pa."

Napangiti ako sa narinig ko, then niyakap ko siya. "I love you Ella!"

"A—aw." napabitiw ako bigla.

"Sorry," natamaan ko pala yung sugat niya.

"It's okau, I love you too Grey," then we kiss each other, until it gets deeper.

My feelings for this lady is extremely different.

~~

After kong gamutin ang sugat nya ay nagpadeliver ako ng pagkain para sa aming dalawa. Tahimik lang kami pareho habang kumakain.

Ewan ko, pero parang nahihiya na kong magsalita. At hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.

Hanggang sa mapansin kong hinihiwalay nya yung black beans at nilalagay sa gilid ng plato nya.

"Ella, kainin mo yung beans." sabi ko sa kanya.

Sa halip na kainin ay nilagay niya sa plato ko yung beans. Ang kulit lang ng asawang kong 'to. Pagkatapos naming kumain ay sabay na naming niligpit yung pinagkainan namin. Then, tinawagan ko yung hotel boy para kunin na yun sa kwarto namin.

Binuksan nya yung TV at nagsalang ng CD sa player. "The Vow" yung napili niyang movie.

Tinabihan ko siya sa kama. Iisa lang kasi yung kama ng room namin. That's why nagdiriwang ang kalooban ko sa isiping magkatabi na naman kaming matutulog mamaya.

"Ahh, Grey..."

"Hmm?" napatingin ako kay Ella.

"Aalagaan mo rin ba ko kapag na-loss ko yun memory ko?"napangiti ako sa sinabi niya.

Mukhang nadadala talaga sya sa pinapanuod namin. Sa kwento kasi nung movie ay nagka-amnesia yung girl at yung boy lang na asawa nya ang kaisa-isang hindi matandaan nung babae, kaya naman sobrang nag-eeffort yung lalaki para lang makilala siyang muli ng asawa nya.

"Of course, mas hihigitan ko pa yung effort na ginagawa ni Leo para kay Paige para lang mahalin mo ulit ako." tukoy ko sa mga characters nung movie.

I saw her smile. and then, yumakap siya saken.

"I love you you Grey."

"I love you more Ella..."

Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa makatulog sya.

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon