Pre-final

4.1K 58 2
                                    

Pre-final

And now, it's Drei... ang kaisa-isang mabait na kabanda ni Soul.

At ito ang naka-assign na line sa kanya, ito din ang ika-7th line. Okay mukhang naeexcite na ako sa mga line-line na yan ah.

<A/N: from Bratinella.25> "But I'm here Ella. hindi naman kita pababayaan..."

And ito naman yung kay Damon, ang kinatatakutan kong bandmate ni Soul—mukha kasing laging galit.

Walang kalatuy-latuy na binasa niya yung kanya: <A/N: from Bratinella.26> "8th line, Teka nga, nagseselos ka ba?"

At katulad kanina ay parang may isang scene na biglang nag-flashback ulit sa utak ko.

~~

"Teka nga, nagseselos ka ba?"

"Hindi!"

 "Nagseselos ka nga."

 "Hindi no! Bakit naman ako magseselos?!"

"Kasi asawa mo ko."

~~

Argh!Aang sakit sa ulo ng ginagawa nila! 

Nakasayaw ko rin yung ibang friends and relatives ko.

At ito ang sunud-sunod na lines na pinagsasabi nila:

<A/N from 27> (9th line) "Oo, dati akala ko mahal ko pa siya. Kaya nga nagawa kong pekein ang kasal natin eh. Pero simula kagabi at nang makasama pa kita sa buong maghapon ngayon, doon ko narealize na matagal na pala siyang wala dito. Nalaman ko na simula pala nung una kitang makita, may puwang ka na sa puso ko. Hindi ko lang agad nabigyan-pansin yun dahil sa sobrang pagkakaiba ng ugali at mga kagustuhan natin."

(10th line)"No Ella! of course not! Mas lalo kong na-confirmed yung feelings ko nung hi-hinalikan kita kagabi."

(11th line)"Saka... ngayong nakita ko na muli si love, wala na ko 'ni katiting na nararamdaman para sa kanya, in fact, sa sobrang pag-aalala ko sayo kanina nagawa kong kunin yung kabayo niya at iwanan siya para lang masundan ka."

(12th line ) "Of course, mas hihigitan ko pa yung effort na ginagawa ni Leo para kay Paige para lang mahalin mo ulit ako."

(13th ) "I love you Ella..."

<A/N from Bratinella.28> (14th line)"Good morning asawa ko, bangon ka na. Breakfast is ready..."

(15th line) "Haha, ikaw talaga masyado mong dine-degrade ang sarili mo. Don't you know that you're one of those few women who look pretty first hour in the morning?"

(16th line) "Hahaha! Don't worry, hindi naman ako maselan na tao. I'd still want to kiss you despite of that."

Habang tumatagal ay lalong sumasakit ang ulo ko. Para kasing may mga scenes na mabilis na nagpa-flashback sa utak ko.

Kinabahan ako.

Paano nga kaya kung totoo yung sinasabi nila?

Paano kaya kung talagang may asawa na ko?

At si Grey nga yun? Kaya ko kaya siyang tanggapin?

Pero paano na si Nef? Mahalaga na rin sya sa akin...

And now, I'm standing in front of my second to the last dance—it's Nef.

Namiss ko rin 'tong si Nepong. It's been weeks since the last time we talked to each other. I look into his eyes, and I saw sadness...

Ella Bratinella #Wattys2017Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt