Bratinella.03

7K 120 9
                                    

Grince's photo above.

Bratinella.03

-ELLA-

"WE LOVE YOUUU TWEEN SWEEEEETIEEES!!!"

"We love you too boys! Mwah!" we said in echo then gave them a super gorgeous flying kiss.

"WOOOOOHH!"

Hay, ang hirap talaga pag sikat. Ang daming fans sa paligid. And syempre, ang daming attention. And we always love this.

Tulad nga ng sinabi ko kanina kay Grince habang nagdadrama siya, ngayon ang aming autograph signing sa mga fans namin. By the way, for you to know how we get this far, here's a short history for that.

First year high school pa lang kami nang mag-umpisa bilang mga starlet model. Noong una, ay trip lang talaga namin ni Grince ang pag-aaudition sa isang teen magazine company na dumayo sa campus namin upang maghanap ng mga bagong talent models. Hindi nga namin akalain na matatanggap kami. Noong una ay pareho pa kaming ayaw payagan ng mga magulang dahil masyado pa raw kaming mga bata para kumita ng sarili naming pera. Ngunit dahil likas na saming magbestfriend ang sumunod sa sarili naming kagustuhan ay hindi kami nagpapigil sa mga parents namin.

"Ella pengeng number mo!"

"Grince, pakiss!"

Haha, napangiwi si Grince dun ah. Sa dami ng fans namin ay sanay na talaga kami sa ganitong sitwasyon...na yung iba hihingi ng hug, cellphone number, fb account, twitter...and worst, kiss.

Eww.

Ngunit sa lahat ng yun, dalawa lang ang binibigay namin—hug and twitter account.

Hindi namin binibigay ang cellphone number at real fb account namin, of course naman, privacy na namin yun, at saka may mga fb pages na naman kami eh—created by our avid fans.

"Wait lang boys, isa-isa lang. Lahat naman kayo mapipirmahan namin ni Grince,"

"Yeah, Ella's right guys. Saka kung aabutan naman ng bell yung iba, available pa naman kami ni Ella until uwian."

"Ayy gosh, why kayo nagtutulakan?" biglang sigaw ni Grince.

"Boys, hinay-hinay lang. Discipline naman please?" dagdag ko pa.

Saglit lang tumahimik ngunit ilang minuto lang ay biglang naggalawan muli at nagkakasagutan na.

"Hey, dude nauna kami sayo ha. Pumila ka naman!" sabi nung isang lalaki.

"Oo nga, mahiya ka naman! Kanina pa kami dito eh, tapos sisingit ka lang!" sigaw din nung isa pa.

Umangat ang gorgeous kilay ko. Psh, at sino naman kayang walang modong lalaking nakisingit pa sa pila? Hindi na nahiya, yung iba nga dito na nasa cr palang kami ni Grince nakaabang na.

"Sino ba yun—aaaaaayyy!" nagulat ako nang biglang may humil sa akin kamay.

Kindnapper ba ito?

OMG! What kind of kidnapper is this? Hindi na natakot. Sa loob pa ng campus gumawa ng krimen! Hindi ko pa rin maaninag ang itsura ng kidnapper dahil nakatalikod ito sa akin.

"HOY, BITIWAN MO SIYA!"

Ayan, go my avid fan! Sugooooood! Iligtas niyo ko bilis!

*booogsh!*

"Ayy!"napapikit ako.

At pagdilat ko...bulagta ang aking kawawang tagahanga.

Tss, kala ko pa naman, malalakas kayo. Takte!


-GRINCE-

What the hell! Kahit kelan talaga paepal yung lalaking yun!Tss. Akalain mong nanuntok pa ng lalaki. Psh, At ano naman kayang kailangan niya kay Ella?

"Habulin niyo siya guys! Iligtas niyo si Miss Ella! Bugbugin niyo hanggang sa sumuka ng dugo!"

Nagulat ako sa sinabi nung isa naming fan at biglang nag-alala.

"Hey guys, chill lang. I know him..."

Halatang nabigla ang fans namin sa sinabi ko. Pero no choice na ko, mukhang nagtitimpi na lang talaga ang mga lalaking ito.

"Actually he's my brother and..." aish! bahala na nga, 'pag di ko sinabi 'to hindi talaga nila tatantanan si Grey. "...actually, he is Ella's boyfriend."


-ELLA-

Gosh! Ano ba 'to? Bakit di ko magawang sumigaw, magwala or whatsoever? Nasa kasulok-sulukan na kami ng campus, wala na nga 'atang nakakaalam nito eh.

Malapit na kami sa may bakanteng lote. Grrr, kinikilabutan na 'ko sa pwede niyang gawin saken.

Gosh! Kelangan ko na sumigaw!

Pero goodness gracious, walang lumalabas sa lalamunan ko. Ano ba ito?

Sus! Baka naman kasi gusto mo ring magpahalay sa mabangong lalaki na nangangaladkad sayo ngayon. ~ Sabi pa ng malandi kong konsensya.

Funny! Huwag ka muna makisali, nasa bingit ako ng kapahamakan!

Hindi ba parang pamilyar sayo ang likod na yan?

Oo na, ako nang baliw na nakikipagtalo sa conscience ko. Tama ito, tila pamilyar talaga sa akin ang likod ng lalaki. Pero kahit na anong pilit ko ay hindi ko maalala. Yan kasi  ang mahirap kapag ganda lang ang panlaban eh. Ang hina talaga ng memory ng utak ko. Kumbaga sa cellphone, 28MB lang ang taglay. Tsk!

"Who are you, really?" sa wakas ay nasabi ko.

Biglang napatigil ang lalaki... at binitawan ako.

"Ayy!" sigaw ko nang biglang bumaliko ang super high heels ko.

Napapikit  nalang ako. Ready to feel the pain, ng pagbagsak ko sa lupa. Para pa ngang naging slow motion ang pangyayari. Naramdaman ko nalang na nahulog na 'ko.

NAHULOG NA KO SA KANYA. KASI NAMAN, ANG BANGO-BANGO NIYA!

"Ehem! Baka naman gusto mo nang tumayo?!"

Kusa akong napadilat nang marinig ang boses na 'yun. Ang boses na pinakakinaiiritahan ko. Ang boses na ayaw na ayaw kong marinig. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita pa ang pagmumukha niya.

"IKAW?!" di ko na napigilang sigaw.

Peste akala ko kung sinong gwapo, bisugo pala! Tss.

Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang talikuran. Oo na, bastos na kung bastos. Eh sa...sa nararamdaman ko na naman 'to eh. Kusang naglakbay ang mga kamay ko sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Badtrip! Ito na naman! Umaatake na naman! Kainis naman kasi, bakit nakita ko na naman 'yung pangit niyang pagmumukha? I'm having an allergy na naman tuloy. Haist!

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now