Bratinella.28

3.9K 63 6
                                    

Bratinella.28

Maaga akong bumangon sa kama upang ipaghanda si Ella ng almusal. I prepared her favorite meal. Talagang nakiusap pa ko sa chef ng hotel na ako nalang ang paglutuin. Gusto ko kasing ako mismo ang gumawa ng breakfast ng asawa ko.

Nakantyawan pa nga ko ng mga hotel staffs dahil ang sweet ko daw sa honeymoon naming mag-asawa.

Doon ako napaisip bigla. Hindi pa nga pala kami nakakapag-honeymoon ng asawa ko.

After everything's ready, I called her.

"Hello?" sagot niya sa cp na nakakaisang ring palang.

"Good morning asawa ko, bangon ka na. Breakfast is ready..." malambing kong sambit while smiling.

"Huh?" tila takang-tanong niya. "Asan ka ba?"

"Anong gusto mo, sa dining table or mas prefer mo ang breakfast in bed?" I asked but I didn't give her the chance to answer, "Okay! Breakfast in bed, coming up!"

"Gosh! Ang pangit ko!"

Rinig ko pang sabi ni Ella bago ko ibaba ang telepono. Ilang saglit pa'y nasa tapat na ako ng kwarto namin, hindi na ako nag-abala pang kumatok. Nakita ko siyang patakbo sana sa banyo.

I grinned and greet her, "Good morning!" 

Agad siyang napatakip ng mukha, maybe as her involuntary action.

Ilang saglit pa'y may sumilay na pilyong ngiti sa mga labi ko at nakaisip ng kung anong kapilyuhan.

Hmm, mukang matutuloy na ang honeymoon namin ah?

Nilapag ko yung pagkain sa may mesa at dahan-dahang nilapitan sya. Tila na-stuck naman siya sa kinatatayuan niya at hindi makagalaw.

"Asawa ko... anong problema? Bakit parang na-stuck up ka dyan?"

"Oh, please Grey! Huwag mo kong lapitan!" sigaw niya.

"Huh, bakit?"

"I'm so pangit kaya!"

Natawa naman ako bigla.

"Haha, yun lang pala eh! Patingin nga!" sabi ko sabay tanggal ng kamay nya sa mukha nya.

"Aaay! Grey, ano ba!? maghihilamos muna ako!"

"Haha, ikaw talaga masyado mong dine-degrade ang sarili mo. Don't you know that you're one of those few women who look pretty in first hour in the morning?"

Pagkasabi ko nun ay napatitig sya saken.

"Yun nga lang may..."

"May ano?" tanong nya.

"May..." tinuro ko na yung sa puting particles sa gilid ng bibig nya.

Nanlaki bigla ang mga mata niya at tinakpan iyon.

"Oh my God! Grey naman eh!"

"Haha! Don't worry, hindi naman ako maselan na tao. I still want to kiss you despite of that."

"Tse! Magtu-toothbrush na nga ko!"

"Wait!" pinigilan ko sya sa kamay. "No need baby..." hinila ko sya palapit saken kaya bigla nalang siyang napaupo sa lap ko.

Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa habang nakakandong siya saken.

"G-grey?"

Hindi ko sya sinagot. instead ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. She just closes her eyes. Hanggang sa tuluyan ko na siyang hagkan.

We're both smiling while doing that.

-ELLA-

Kasalukuyan na kaming nasa kotse ni Grey pauwi ng bahay. Mabuti na nga lang at parehong tanghali pa ang pasok naming mag-asawa. Atleast hindi kami late.

Monday na Monday pa man din.

Umuwi muna kami ng bahay para makapagpalit ng uniform, then sumakay na ulit ng kotse papunta ng school.

Pagdating sa campus ay inihatid nya muna ako sa classroom bago siya pumunta sa room nila.

He kissed my cheeks bago siya umalis. Rinig na rinig pa namin pareho ang pag-gasp ng mga tao sa paligid namin

Pero wala na kong pakialam dun, di bale nang ayawan ako ng fans ko wag lang kaming mabalik sa dati ni Grey na mga "mortal enemies"

"Susunduin kita dito mamaya ha, sabay na tayong umuwi." sabi niya.

"But—" hindi ko na naituloy ang pagtutol ko nang bigla nalang niya akong halikan muli, but this time ay sa lips naman.

Aish! Ano ba 'tong lalaking 'to, kanina pa ko pinapakilig! 

"Basta pagkatapos ng klase niyo, hintayin mo ko. Susunduin kita." sabi niya at umalis na.

"Okay..." nasabi ko nalang sa kawalan.

Pumasok na ko ng room at kitang-kita ko agad si Grince na nakanganga. Yes, as in nganga talaga literally.

Haha, oo nga pala, wala pa siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Kasi naman siya, alis nang alis eh!

"Hmm, I smell something mabantot Bes ha!" sabi niya agad pagkaupo ko sa tabi niya.

"Haha, wag mo muna akong intrigahin ngayon wala pa kong assignment eh, pakopya!" sabi ko sabay kuha ng notes niya.

"See, 'ni hindi ka nakagawa ng assignment! Tell me, anong pinaggagawa niyo ni Grey nitong weekend?!"

"Call me Kuya," utos ko sa kanya na lalong ikinalaki ng mata niya.

Mabuti nalang at dumating na ang prof namin bago pa siya makapag-usisa ulit. Kaya naman mabilisang kopya na ang ginawa ko.

"Sus, baka naman nag-sex kayo kaya ka niya napaamo ng ganyan?"

Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig kong bulong na yun ni Grince. "What?!"

"Oh, huwag masyadong defensive, napaghahalataan." sabi niya pa.

"GRINCE THEA LEE!" pinandidilatan ko na siya ng mata.

.

.

.

"Ehem!" sabay pa kaming napalingon sa harapan namin.

Patay, si Zombading, este Sir Bading na naman!

"Hindi pa ba kayo nadala last time?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Sorry Sir," sabay nalang naming hingi ng paumanhin ni Grince. Mahirap na, baka mapagalitan pa ko ng boss ko, I mean ni Grey.

Ella Bratinella #Wattys2017Onde histórias criam vida. Descubra agora