Bratinella.05

5.1K 99 2
                                    

Bratinella.05

-GRINCE-

Hala? Anong problema nun ni Bes? Iwanan daw ba kong mag-isa dito dahil lang sa narinig nyang pupunta si Grey dito? Tss, dapat hindi niya 'ko iwan kasi alam niyang dadating yung monster!

"Aish, speaking of the devil."

"Pack up your things," utos niya agad.

"Hey Grey, sino ka para utusan ako ng ganyan?" sagot ko pa.

"Hey Grince, sino ka rin para tawagin ako sa pangalan lang? Habang tumatagal, nagiging bastos ka na talaga ah."

"Pake mo ba?! Tsaka bakit mo ba kinaladkad nalang basta si Ella kanina?" hindi kasi namin nagawang makapagkwetuhan ni Ella dahil bukod sa tulala lang maghapon ang loka, busy pa 'ko sa pagtapos ng project na nakalimutan kong gawin kagabi.

"Aish! narinig ko na naman ang pangalan na yan. Tara na nga!" hinila nalang ako bigla ni Grey.

***

"Ano ba Grey, bitiwan mo nga ko! Gawain mo na talagang mangaladkad ng babae, ano?!" pinipilit kong kumawala sa kanya. "Hey, ano ba?!"

"PWEDE BA GRINCE, TUMAHIMIK KA NA LANG! PAREHONG-PAREHO TALAGA KAYO NG BESTFRIEND MO. NAKAKARINDI!"

"Hmp! Bitiwan mo kasi ako, kaya ko namang maglakad mag-isa!"

At binitawan niya na rin ako sa wakas. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Asan ang susi mo?" tanong nya at inilahad pa ang palad niya saken.

"Bakit?!" naka-cross arms kong balik-tanong.

Hmp! Engot kasi, pahatid-pahatid pa kay Daddy kaninang umaga tapos ako ang bubwisitin ngayong uwian.

Hmm, tignan natin. Aasarin pa rin kita hanggang sa magsawa ka.

"Anong nginingisi-ngisi mo jan? Akin na yung susi mo."

Namewang pa ko sabay lapit ng mukha sa kanya. "A-YO-KO. Bleeh!"

"Hindi mo ba talaga ibibigay yan?"obvious na nagtitimpi nalang sya.

"No way! Kung gusto mong umuwi, mag-commute ka!"  final kong sabi sa kanya sabay layas na.

"Ah, Okay. Ikaw na lang din bahalang maghanap ng allowance mo."

Napatigil ako bigla. Ano daw sabi nya? Allowance? As in pera?

Money?

Pangshopping?

At pang-bar hopping?!

Gosh! I badly need that!

Bigla ko siyang hinarap. Takte, bahala na si batman.

Sorry my precious pride, kelangan muna kitang ibaba ngayon. Pera na kasi ang pinag-uusapan eh. Gipit na gipit na talaga ako. Kakabayad ko lang ng tuition fee at naubos pa ang natitirang pera sa sahod ko nang mag-shopping kami ni Ella. Pinauutang naman ako ng bestfriend, pero syempre, hiya-hiya din. Kahit naman parang kapatid ko na yun si Ella, hindi pedeng lagi nalnag akong sa kanay umaasa kapag nagigipit. May mga gastusin rin yun, syempre.

"Ano? ibibigay mo ba yung susi mo o ipangko-commute ko nalang 'tong pera mo papunta ng mall at mamimili hanggang sa maubos?"

"Ay hindi-hindi Grey—"

"What did you just called me?" umangat ang kilay niyang makapal.

"Este Kuya Grey, eto oh," sabay lahad ng susi.

"Okay, let's go."

Napatingin nalang ako sa kapatid ko habang papasok sa Hello Kitty car ko. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Let's go!" tawag saken ni Grey.

"Y-yung pera ko, di mo pa ba ibibigay?"mahirap na, baka inuuto lang ako ng isang 'to.

Nakita kong napangisi sya.

"Tss, inaasar mo ba ko?" buset talaga kasi 'tong gagung 'to. Alam na alam ang weakness ko—pera.

"I'll give you when you hop in my 'lil sis!"

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon