Bratinella.15

4.5K 76 8
                                    

Bratinella.15

-ELLA-

"SORRY NA NAMAN! HINDI NAMAN NAMIN SINASADYA YUN EH!"

"HINDI PWEDE! KAILANGANG MALAMAN NG PARENTS MO 'TO! SI GRINCE DIN, ISUSUMBONG KO KILA MOMMY!" sumbungero naman 'tong hinayupak na 'to!

"GREY NAMAN EH!" napapukpok nalang ako sa pintuan.

Psh. Ano ba 'tong lalaking 'to, 'di madaan sa pakiusapan! Argh! Kami na nga'ng nagso-sorry, pabebe pa siya masyado! 

Nandirito kami ngayon sa bahay at mukang tangang nag-uusap, rather nagsisigawan dahil may pintong pumapagitan samen. Alam niyo na naman siguro ang dahilan kung bakit.

Mula kanina kasi ay panay ang text saken ng mokong na umuwi daw ako ng maaga para mapag-usapan ang kasalanan namin ni Grince. Tss, kung hindi lang talaga dahil sa bestfriend ko, hindi ako magtityagang makiusap dito eh.

"Please Bes, huwag mo hayaang malaman nila mommy and daddy 'to. Baka kunin nila allowance ko."


"SIGE NA NAMAN GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO MO, 'WAG MO LANG KAMING ISUMBONG."

Ayoko rin malaman ng parents ko yun kasi siguradong ika-cut na naman nila ang credit cards ko.

Ang hirap kaya ng walang pang-shopping! Kakaunti nalang rin ang cash ko.

"ARE YOU SURE?" rinig kong tanong niya.

"HUH?"

"ANG SABI KO KUNG SIGURADO KA BA TALAGANG KAYA MONG GAWIN ANG LAHAT?" tinagalog pa, akala mo naman 'di ko naintindihan yung english niya.

"HINDI!" sagot ko.

"OKAY, TATAWAGAN KO NA SI TITO MIGUEL HA?!"

"OO NA! OO NA! SURE NA 'KO!" bwiset kang lalaki ka! Namblack-mail ka pa!

Aish. Bahala na nga!

"OKAY, FIRST THINGS FIRST, PUMUNTA KA MUNA DITO SA KWARTO KO," cool na cool niya pang utos.

"ANO?! BAKIT NAMAN AKO PUPUNTA D'YAN? ANONG BALAK MONG—"

"RELAX... 'WAG KANG MAG-ASSUME. MAY TASTE NAMAN AKO," kontra niya agad sa pagpapanic ko.

Aish! Ang yabang talaga! 

"TSK, ANO BA KASI YUN? BAKIT KAILANGAN KO PANG PUMUNTA D'YAN? ALAM MO NAMAN—"

"HAIST. OO NA, ALLERGIC NA KUNG ALLERGIC. OKAY, SASABIHIN KO NALANG DITO," sasabihin din naman pala, may paarte-arte pa. "BUHAY KA PA BA?" sigaw niya pa.

"OO! SABIHIN MO NA!" naiinis na talaga ako. Maikli ang patience ko, at sagad na sagad na dahil sa mokong na 'to.

"YOU AND GRINCE SHOULD'VE CONSEQUENCES SA GINAWA NIYO."

"OH? ANO NGA?!" pasuspense pa!

"MAY PUNISHMENT KAYO."

"TANGA-TANGAHAN TAYO DITO GREY? PAULIT-ULIT NALANG? CONSEQUENCE? PUNISHMENT? TSS!"

"HAHA, ALAM KO," mukhang nag-eenjoy talaga siya sa pambubwiset niya saken. "BUT SINCE IKAW NAMAN ANG NAKIUSAP, YOU'LL SUFFER FOR A BIGGER PUNISHMENT."

"ANAK NG PUTSPA! I KNEW IT!"

"OH ANO? DEAL OR NO DEAL?" nag-ala Lucky Manzano pa!

"BUT—"

"SUMBONG O PUNISHMENT?"

"TSS, OO NA! BLACKMAILER!"

~~

"Aish! Nakakainis!" inalis ko ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko.

Hindi kasi ako makatulog, iniisip ko kung anong punishment ng damuho kong asawa sa amin ni Grince, at lalong-lalo na sa akin.

Maya-maya pa'y narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Cynthia! How many times should I have to tell na you na kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko?!" naiinis kong sigaw.

"Tss, huwag ka nga'ng sumigaw. Gabing-gabi na eh!"

Napakunot-noo ako, "ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Tss, kakasabi lang na huwag sumigaw! Aish! Makabasag-eardrums ka talaga!"

"Paano namang hindi sisigaw eh basta-basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko Grey Anthon Lee!"

"Tss, oh," narinig kong parang may binaba siyang kung ano sa bedside table ko.

Then, maya-maya lang ay narinig ko na ang papalayong mga hakbang nya at ang pagsara ng pinto. Nang masiguro kong wala na talaga sya ay sinilip ko kung ano yung nilagay nya sa mesa.

Isang basong gatas. At sa ilalim nun ay isang note...

I know you can't sleep without drinking a glass of milk, Bratinella.

Ewan ko, pero kusang lumabas ang ngiti sa mga labi ko.

"Kelan pa naging maalalahanin 'yung mayabang na yun?"

*bzzzt*

Napatingin ako sa cellphone ko. Nagtext si Grey.

Hoy Bratinella, hindi galing ang gatas. Pinaakyat lang ni Cynthia yan. Kay Cynths din yung note.

Aish! At kelan pa natutong mag-english si Cynthia?!

Ella Bratinella #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon