Bratinella.13

4.4K 68 8
                                    

Bratinella.13

"OMG ka talaga, Bes! Bakit hindi mo alam?!" 

Naiirita na talaga ako sa kalandian ng loka-loka kong bestfriend. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi siya maka-get over kay Nepong at patuloy pa rin akong kinukulit kahit may instructor na kami!

Hindi nalang sinabi na ayaw niyang magklase, gumagawa pa ng dahilan.

 "Aba, malay ko. Ikaw lang naman chismosa sa atin eh," inasar ko sya.

"Hey! Huwag ka ngang magmalinis d'yan! Eh sayo nga ako nahawa ng pagiging chismosa. Saka hindi lang naman chismis 'to eh. This is fcking real! As is trulalung-trulalu!" tila naghi-hysteria na si Grince.

"Miss Lee and  Miss Romualdez, anong pinagchichismisan niyo d'yan sa likod?"

Patay! Napansin na kami ni Prof.

Pero hindi pa rin nagpatinag si Grince. Namimilipit pa rin sa sobrang kakiligan.

"Hoy! Ano ka ba? Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? Naiihi ka ba? Gusto mo samahan kita?" inis kong sabi sa kanya.

"Ayts! Ayan ang napapala ng mga masyadong patriotic eh!" paninisi niya pa.

 "Alangan namang suportahan ko yung kalaban ng company natin, what do you think of me, stupid?" tugon ko naman sa kanya.

"Ayts. Parang ganun ka na nga rin Bes."

"What?!" tila nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabing iyon ni Grince. Did she just call me stupid?!

"Kayong dalawa sa likod! Hindi pa rin ba kayo tapos magdaldalan d'yan?" si Prof na naman.

"Sorry Sir," halos magkasabay pang sabi naming mag-bestfriend.

"Bawiin mo yang sinabi mo Grince. Magagalit talaga ako sayo."

Nagtatampo na talaga ako. Super sensitive pa naman ako.

 "Sorry na Bes. Ikaw naman kasi eh—"

"Oh, ako pa'ng sinisisi mo ngayon!" I crossed my arms and pouted.

 "Ayts, dapat kasi Bes nagbabasa ka rin ng mga international magazines eh!" paninisi niya pa.

 "Ano namang mapapala ko kung bumili ako ng mga ganun? E'di yung ipapambili ko ng magazine nila, e'di magazine na lang natin. Kumita pa ang company natin diba?" paliwanag ko.

"Okay. Sa susunod ako na lang ang bibili sayo para hindi ka na manghinayang sa pera mo. Kayaman-yaman niyo na, kuripot ka pa!" 

Nang-iinsulto ba 'to?!

 "Hey, for your info, I'm not kuripot noh. Matalino lang talaga ako," sagot ko.

"Weh?" aba't nag-make face pa ang bruha!

"Ay naku, nakakainis ka na talaga. Akala ko ba bestfriend kita?" inis kong sabi.

"Aray! Ito naman kahit kelan sadista ka talaga! Hahaha! Syempre joke lang yun, alam ko namang may utak ka rin eh. Saan pa ba ako magmamana, sayo lang naman diba?" tatawa-tawa niya pang sabi.

"Eh teka, lumayo na ang usapan natin. Ano ba talagang meron dun sa Nef na yun?" tanong ko ulit.

Nag-cross arms at nag-cross legs muna si Grince bago magsalita.

"Ay naku! Si Nefthali Reyes lang naman ang pinakasikat na model sa Italy noh."

Hindi na naman pumasok kaagad sa utak ko ang sinabi ni Grince.

Tulad ng dati ay mabagal na naman ang signal ko  at kasalukuyang naglo-loading pa rin.

"...si Nefthali Reyes lang naman ang pinakasikat na model sa Italy noh."

"...si Nefthali Reyes lang naman ang pinakasikat na model sa Italy noh."

"..si Nefthali Reyes lang naman ang pinakasikat na model sa Italy noh."


"WHAT THE FUCK?!"

.

.

.

"Miss Romualdez! Miss Lee! Hindi talaga kayo mapagsabihan? Tumayo kayo ngayon din at sumama sa akin sa Dean's Office!" rinig kong sigaw ni Prof.

"Naku lagot!" napatutop ako ng bibig.

"Hala Bes! Paano na yan?" si Grince na dahan-dahan nang pinapasok ang mga gamit nya sa Hello Kitty bag nya.

"Psh, if I know gusto mo rin 'to eh," sabi ko pa sa kanya.

"Hehe, wala na naman tayong klase Bes!" nakangiting sabi nya pa.

"Oo at mukang magkakaklase tayo sa Dean's office..." pananakot ko.

First time kasing nangyari sa amin ito. Kahit naman kasi mga dakilang pasaway kami ay pinangangalagaan pa rin namin ang reputations namin in and outside the school.

"Sorry, Bes. Kasalanan ko 'to," malungkot na sabi ni Grince.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya, " No, pareho tayong may kasalanan."

***

Pareho kaming kakaba-kaba habang nasa daan papunta sa Dean's office.

"Miss Secretary, nasa loob ba ang Dean?" tanong ni Prof sa secretary ng Dean namin.

"No Sir, nasa seminar po at next week pa ang dating," sabi naman ng secretary.

"Yes!" impit na sigaw naming mag-bestfriend.

Pasimple pa kaming nag-apir ng mga palad sa likuran namin.

"Come on. Wala daw ang Dean. Sumunod kayo sa akin!" maawtoridad na utos ni Prof.

Sumunod naman kami.

"Hahaha, ang swerte talaga natin Bes," bulong ni Grince saken.

"Haha, I'm sure babalik na tayo sa room!" dugtong ko pa.

Pero ilang saglit lang nang mapansin naming ibang daan ang tinatahak namin. Hindi kasi ito ang daan pabalik ng classroom. Dahil ito ay papunta sa...

"STUDENT COUNCIL OFFICE?!" sabay pa naming sigaw ni Grince. Nagkatinginan nalang kaming dalawa.

PATAY! Hindi ba pwedeng nandun nalang si Dean si office niya?

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now