Bratinella.38.3

4K 57 10
                                    

Bratinella.38.3

"Ate, pwedeng ako na? May practice pa kami sa banda mamaya eh."

Gulat akong napalingon sa nagsalita sa gilid namin.

At sino pa ba ang walang pakundangang magsasabi nun? E'di ang magaling kong pinsan na si Soul Park. Vocalist at guitarist ng sikat na banda sa Korea na The Blunts.

Hindi ko na inintindi pa yung intruder na memory na pumasok sa isip ko.

Baka another guni-guni na naman.

At itong pinsan ko, kauuwi lang nila dito last week at sumakto namang celebration ng debut ko kaya kinuha ko siyang one of the 18 roses, kasi naman, miss na miss ko na rin 'tong little cousin ko na tinuring ko ng 'lil brother.

"Psh, kung alam ko lang na maiinip ka lang sa debut ng Ate Ella mo, hindi na sana ako nag-eefort itype ang name mo sa invitations ko," tugon ko nang kasalukuyang nagsasayaw na kami.

"Ate... hindi mo na ko kailangang konsensyahin. Kilalang-kilala na kita, hindi ang tipo mo ang magpapakahirap magtype ng names ng 18 roses and candles mo sa invitation mo. Baka nga sila tita pa nga ang namili ng mga yun for you eh."

"Hoy grabe ka!" mahina ko siyang hinampas sa dibdib. Aba't ang dati kong patpating pinsan, mukhang nagkakabakal na sa dibdib ha? "Oy Soul! Wag mo sabihin saking nag-gy-gym ka na, kabata-bata mo pa!"

"Ano namang masama dun ate? Besides I'm already 16 years old."

"Yun na nga eh, 16 ka palang tapos pinupwersa mo na agad yang katawan mo sa pagbubuhat ng mga barbel! Yan talagang mga bandmates mo, masyadong B.I. sayo!"

"Ate, I know what I'm doing. And I'm not the 'lil boy you used to play with anymore."

"Hay naku, nakakatampo ka na talaga! Sumikat ka lang sa Korea, sinusupladuhan mo na ang ate mo!"

"Aysus! Ang tampururot kong ate!" aniya sabay pinch sa cheeks ko. this time ay nakatawa na siya. "The usual!"

Napangiti na rin ako. Achievement na kasi para saken ang makita siyang nakangiti eh. And I'm proud to say na isa ako sa madalas na makapagpangiti sa kanya. 

Almost patapos na yung tugtog nang tanungin ko sya, "Oh ikaw, wala ka bang kukunin na maliit na papel sa bulsa mo at babasahin saken?"

"Ay oo nga pala, buti pinaalala mo."

Then, as expected ganun nga ang ginawa nya, "Tss, ang corny-corny nito ate... sa totoo lang."

<A/N: from Bratinella.23>

"Oo naman, alangan namang ikaw ang pagbayarin ko sa first date natin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Soul.

DATE?!

~~

"Oh rick bilisan mo na. May practice pa tayo eh," sabi ni Soul kay Rick na kabanda niya.

"Sure 'pre, ganda talaga ng pinsan mo!" tugon ni Rick. Bolero talaga 'yan.

"Lul! Galangin mo yan ha."

"Hehe, I can't promise," then, tumingin sya sa akin. "Hi, Beautiful Lady!"

Napakunot ang noo ko.

"Casanova ka noh?"'

"Me?" sabay turo sa sarili niya

"Hindi hindi.  Ako ang casanova," tinuro ko rin ang sarili ko. "Kausap ko sarili ko. Tss."

"Haha, they are right. You're a joker."

 "I don't do jokes," biglang sumeryoso ang mukha ko. 

"Haha, I'm not a Casanova. Sadyang yung mga girls lang yung lumalapit sa akin."

"Ah-ha-ha, okay whatever."

 Nagpatuloy kami sa pagsasayaw.

At the usual may binasa rin siyang line,"Haha, sorry... haha, hindi lang talaga ako makapaniwala na ang model na si Ella ay didighay sa harapan ng asawa nya."

O-kay... nagawa ko ba talaga yun? 

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now