Bratinella.22

4.2K 68 14
                                    

Bratinella.22


"Hey, okay ka lang?" Grey  asked me.

 "Mukha ba 'kong okay?!" mataray ko namang sagot.

"Tss, buti nga tinanong ka pa eh."

Nakita kong nagdurugo ang daliri ko dahil na rin sa tumalsik na bubog.

"Akina 'yang kamay mo," aniya at walang pasubaling kinuha ang kamay ko.

"Ayoko!" matigas kong tanggi sabay bawi ng precious hands ko. Eh sa hindi ako nagpapahawak kung kani-kanino lang eh. Idagdag pa na parang may kuryente akong naramdaman nang hawakan niya ako.

 "Tss, hintayin mo ko dito," he said sabay alis na rin sa harap ko.

Pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit.

Nilapitan niya ako, hinila ang upuan at pinaupo ako. Then marahan niyang kinuha ang kamay ko upang simulang linisin at gamutin.

Para tuloy akong natulala sa ginawa niya.

Pasimple kong tinapik ang pisngi ko gamit ang isa ko pang kamay.

Totoo nga.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?!" tanong niya na nahuli pa 'kong nakangiti.

"Hoy, tinatanong kita bakit ngumingiti kang mag-isa dyan? baliw ka ba?"

"Tss, bumalik ka na naman sa pagka-abnormal mo. Tigilan mo na nga to, plastik!" mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. "Ouch!"

Nabigla 'ata ako sa paghila. Ang sakit eh.

"Tss, mag-iingat ka kasi! Akin na nga..." muli niyang kinuha ang kamay ko at hinipan ang palad ko. "Masakit pa ba?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobrang bilis. Pakiramdam ko ay nagha-hyperventilate ako sa abnormal na tibok ng puso ko. Lalo na sa mabilisang dampi ng labi niya sa kamay ko.

 "A-ah, salamat!" hinila ko pabalik yung kamay ko dahil feeling ko kapag mas tumagal pa ito ay hihimatayin nalang ako bigla.

Ilang saglit na naghari ang katahimikan sa aming dalawa.

 "Uhm.. thanks..." sabi ko ulit nang alam ang susunod na gagawin.

Napayuko nalang ako at tila hindi mapakali.

"Wala yun." wala akong mahimigang emosyon sa boses nya at dahil nga nakayuko ako ay hindi ko rin kita ang reaksyon nya.

Kaya naman nabigla ako nang mamalayan ko nalang na nasa harapan ko na pala siya, niyuko niya ko at kitang-kita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Sht! Anong iniisip niya?!

"Basta ba may kapalit eh..." lalo akong kinabahan sa sinabi niyang yun.

Seryosong-seryoso ang mukha nya at wala akong makitang pagbibiro sa mga mata nya. parang may gusto siyang gawing krimen.

Nakakatakot ang kaharap ko, parang isang iglap nawala ang good-boy image nya.

I really feel my body trembles. Hindi malaman kung itutulak ko siya o sisigaw upang humingi ng tulong. Palapit na siya nang palapit. Rinig na rinig ko na ang tila nagkakarerahang kabayo sa bilis ng tibol ng puso ko. Sa huli'y napapikit nalang ako.

Hinintay nalang ang susunod niyang gagawin.

Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mahihinang pagyugyog ng mga balikat nya. Napadilat ako bigla.

At ang walang-hiya, tawa na ng tawa sa kalokohan nya!

"What the fuck, are you out of your mind Grey Anthon Lee?!" inis ko siyang itinulak at nilayasan.

Tss, nakakainis! Wala na ba siyang ibang alam gawin kundi pagtripan ako?!

Umakyat nalang ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko. I slammed the door as hard as I could.

Dire-diretso ako sa pagdapa sa kama. I almost sob when suddenly I heard him knocks on the door.

"Hey, Ella! buksan mo 'to!"

I didn't bother to answer him. Sumosobra na sya. THE NERVE! Ano na namang kayang kalokohan ang balak niyang gawin ngayon?!

"Ella, I'm so sorry! It was just a joke!" sigaw niya.

"JOKE YOUR FACE! DAMN YOU!" ilang sandali ring walang nagsalita. tila sumuko rin siya at bumaba na.

Hindi na ko nag-abala pang bumangon. Ngunit ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tss, kumuha lang pala ng susi. Bwiset!

"HINDI MO BA TALAGA AKO TITIGILAN GREY?! YOU'RE INTRUDING MY PRIV—WAAAAAAAHHHHHHHH!!!" leche. bakit namatay yung ilaw?

Brown-out ba?

*BZZZZZZZZZZZT!!!*


"KYAAAAH! MAMA KO!" napatakip agad ako ng kumot nang biglang kumulog ng malakas kitang-kita ko rin ang mabilis na liwanag ng kidlat sa may bintana.

Grabe, gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang takot. Ito kasi ang pinakatatakutan ko sa lahat. Hanggang sa maramdaman ko nalang na may humila ng kumot ko.

 "Grey?" tawag ko sa kanya.

Then, naramdaman ko nalang na tinabihan niya ako. Hindi na ako umangal pa, dahil bukod sa ang dilim-dilim sa kwarto ko ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagkulog at pagkidlat.

"Matulog ka na muna, dito nalang ako sa tabi mo. Babantayan kita..." nakahinga ako nang maluwag sa sinabing yun ni Grey.

"O-okay," sagot ko.

Sumandal siya sa head rest ng kama habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Pumikit na ako at patulog na sana nang biglang...

*BZZZZZZZZZZZT!!!*

"KYAAAAAAAAAAAAAH!" muli kong sigaw.

Unconsiously ay napayakap ako kay Grey nang biglang kumulog at kumidlat nang napakalakas. Umulan na rin nang malakas.

"Sshh, don't worry. I'm here Ella... hindi kita iiwan."

"G-grey..please...huwag mo...kong iiwan..." pakiusap ko sa pagitan ng paghikbi dahil naiiyak na talaga ako sa sobrang takot.

Naalala ko na naman kasi sya.

"Yaya doring... I'm so sorry..."

~~~~

A/N: who's Yaya Doring? Hmm... ;)

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now