Bratinella.37

3.3K 46 0
                                    

Bratinella.37

-ELLA-

 "Kasi ano?" tanong ulit ni Mama.

"Kasi Ma..."

"Ano yun Anak?"

"Pwede po bang mag-CR muna? Sa sobrang kaba ko, parang najejebs ako eh."

"Nyeh? Dyos ko naman anak..." napa-face palm pa si Mama. "Pinakaba mo naman ako, akala ko kung ano na. Sige na, maglabas ka na ng sama ng loob. Ako nalang ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita."

"Oh sige Mama, thank you po!" at hindi nako nagdalawang-isip pa na pumasok ng banyo.

After few minutes...

"Haay, salamat nakaraos rin," patayo na sana ako ng bowl nang biglang...

*tok! tok*

"Opo Ma, palabas na po!" sigaw ko habang isinusuot ang aking undies.

*tok! tok*

*gggruuu*

Napatigil ako. Bakit ganun? Parang ang sama 'ata ng tiyan ko?

"Hays, wait lang Ma! may pahabol pa!"

*TOK*TOK*

Aish, ano ba 'to si Mama nagmamadali?! Pumunta muna ako sa may pinto para sabihin kay mama na di pa ko tapos, baka kasi hindi nya naririnig yung sigaw ko mula sa loob. Binuksan ko iyon at...

"Ma, sabi nang di pa ko tapo--" 

Obviously ay nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako nang 'di oras nang makitang hindi pala si Mama yung kanina pa katok nang katok.

*BOGSH!*

Malakas kong sinarhan yung pinto.

*tok*tok*

Kumatok na naman! Bwisit talaga yung Grey na yun. 

Stalker! Ang kulet!

"ANO BANG KELANGAN MO, HA?!" sigaw ko nang buksan kong muli yung pinto.

Pero sa halip na sumagot ay nilahad nya lang yung kamay nya. Tinignan ko iyon at nakita ang isang tabletang gamot.

"Oh inumin mo. Baka magkalat ka pa sa debut mo."

"S-salamat..." nahihiya kong kinuha yung gamot.

Baka inutusan sya ni Mama? Sasarhan ko na sana ulit yung pinto nang bigla niya kong pigilan.

"Oh, magpalit ka na rin." tumingin ako sa hawak nya.

"Undies?!" gulat kong tanong.

He just smiles.

At sa ngiting yun ay parang may bigla na namang gustong sumingit sa alaala ko. Parang may gumawa na rin saken nito dati.

Pero imbes na isipin yun ay ishinake ko nalang ang ulo ko at nagpasalamat sa kanya saka pumasok muli ng banyo.

Ano ba yun? Bakit parang lagi nalang may biglaang nagpa-flashback sa utak ko.

At hindi ko alam kung totoo bang nangyari yun o guni-guni ko lang.

Ella Bratinella #Wattys2017Onde histórias criam vida. Descubra agora