Bratinella.24

4.1K 82 19
                                    

Bratinella.24

-ELLA-

After namin sa zipline ay halos masuka-suka ako sa sobrang hilo. Grabe lang kasi, hindi naman ako sanay sa mga ganung adventure.

Mas gugustuhin ko pang mag-shopping at mag-bar hopping.

"Water?" alok nya dahil pinagpapawisan pa rin ako sa sibrang hilo.

"Thanks." sabi ko pagkaabot nung tubig.

Halos masaid ko ang laman nun sa sobrang uhaw ko.

"Hindi ka naman uhaw na uhaw nyan?" ayan na naman sya sa pang-aasar nya.

"Tss, ikaw kasi kung san-san mo ko sinasakay!"

"Haha, you okay?" tanong nya pa. "Let's go, marami pa tayong pupuntahan!" hinawakan nya ulit yung kamay ko at hinila na ko kung saan.

Nagpadala nalang ako sa kanya.

Napanganga ako bigla nang makarating kami sa sinabi niyang pupuntahan daw namin.

"Wow..." ang tanging nasabi ko habang amazed na nakatitig lang sa malawak na flower garden sa harapan ko.

Sobrang dami ng pananim na bulaklak. iba-iba at makukulay pa ang mga yun. Hinila nya ko sa may bandang gitna.

Then, niyakap nya ko mula sa likuran.

"Diba favourite mo ang flowers?" bulong nya na nagdulot ng kung anong maliliit na kuryente saken.

There's softness in his voice. Tila mas nakaka-wala pa sa sarili ang ginagawa niya ngayon kesa sa mga bulaklak na nasa paligid namin.

Pero teka, pano nya nalaman na paborito ko ang tanawin ng mga bulaklak sa garden.

"Grey, paano mo nalaman yun?" di ko na napigilang itanong.

"Syempre asawa mo ko eh," naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Puro kalokohan naman sinasagot mo eh!" hinarap ko siya.

At pagtingin ko sa mukha nya, seryosong-seryoso yun.

Nagkatitigan kami nang medyo matagal.

Then bigla siyang nagsalita, "Ella, let's try to work this relationship out."

Hindi ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko. Pero wala sa sariling tumango nalang ako. Pagkatapos nun ay naramdaman kong hinalikan nya ko sa noo.

Sa isang kiss na yun ay kinilig na ko. Lalo pa ng pinagdikit nya ang mga ilong namin.

Titig na titig lang kami sa isa't isa. Nakangiti sya at may sparks sa mga mata nya.

.

.

.

.

.

.

"Ah Ma'am? Sir? Pwede po bang makiraan?" tanong ng isang lalaki parang tourist guide.

Pagtingin namin dun sa lalaki ay pareho pa kaming nagulat. Sa likuran nya kasi ay mga nakapilang tao na tila mga turista rin sa lugar na ito.

Natatawa-tawang humiwalay kami sa isa't isa.

Ewan ko, pero wala akong naramdamang hiya sa mga oras na 'to. siguro kasi proud ako. Proud ako hindi lang dahil sa gwapo ang asawa ko, kundi napaka-sweet nya at kinikilig ako!

-GREY-

After sa flower garden ay niyaya ko muna si Ella sa kotse upang kunin yung basket na dala ko.

"Para saan yan Grey?" tanong niya.

"Secret." then I wink at her.

"Hmp, pa-cute ka naman." she smiles.

"Bakit, hindi ba?" tanong ko sabay angat ng parehong kilay.

"Haha, oo nalang."

After nun ay hinawakan ko ulit yung kamay nya. Natutuwa naman ako dahil hindi sya nagrereklamo. sa totoo lang ay sobrang kabado pa ko kanina nung subukan kong hawakan yung kamay nya, pero laking-pasalamat ko dahil hindi naman sya umimik.

Dinala ko sya sa Palace in the Sky para kumain muna. Binuksan ko yung basket at nilatag yung blanket.

"Haha, hindi ka naman masyadong prepared n'yan Grey?" pang-aasar niya pero this time ay hindi na 'ko naasar. Instead ay natutuwa na 'ko sa bawat salitang sinasabi niya.

S totoo lang ay madaliang preparation lang ang ginawa ko kaninang nag-aayos sya sa kwarto nya.

Then, isa-isa kong nilabas yung mga niluto ko na nasa tupper ware. sunod ay yung dalawang plato at pares ng kutsara't tinidor. Para akong babae na pinagsisilbihan ang asawa.

Pero ayos lang, masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon. Hindi ko akalaing ang kinaiinisan kong Ella dati dahil sa pagiging spoiled-brat nya ay ako pa mismo ang nang-ispoiled sa kanya ngayon.

Masarap pala. Masaya palang pagsilbihan sya.

"Hmm, sarap!" tuwang-tuwa si Ella habang kinakain ang mga inihanda kong pagkain.

"Oh, say aah..." sabi ko habang inilalapit sa kanya ang piraso ng cake na nasa tinidor.

"Hmmm..." napangiti siya nang matikman ang paborito niyang black forest cake.

Marami talaga akong alam kay Ella. Ewan ko ba, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko noon na magtanong-tanong kina Grince at sa parents ko ng mga bagay tungkol sa kanya.

***

"Burp!" nagkatinginan kami ni Ella nang bigla siyang dumighay nang malakas.

Tila hindi niya malaman ang kanyang gagawin at namumula na sa sobrang kahihiyan.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" dahil sa nakikita kong cute na itsura niya ngayon ay hindi ko na napigilang tumawa nang malakas. "Hahaha! Sorry, I just can't help it. Hahaha!"

"Hindi ka ba titigil dyan?" naiinis na sabi niya.

"HA.HA. Sorry. Haha, hindi lang talaga ako makapaniwala na ang model na si Ella ay didighay sa harapan ng asawa nya."

"Ah ganun ha," sabi niya sabay dutdot dun sa cake at saka pinahid sa mukha ko.

"Ano ba Ella, malagkit yan!" sigaw ko.

"Malagkit mo mukha mo! Pinagtatawanan mo ko ha, itong bagay sayo." sabi niya at pinahiran pa 'ko nang napakaraming icing sa mukha.

"Argh! Ikaw!" kumuha na rin ako ng cake at ginantihan siya.

"Aay! Grey!" sigaw niya dahil nasa ibabaw na nya 'ko at para lang kaming nagre-wrestling sa itsura namin ngayon.

Hindi na alintana ang mga tao sa paligid namin.

"Hahahahaha, buti nga! Bleh!" sigaw ko nang makatayo na nang tuluyan.

"Aish! Nakakainis ka talaga!" inis na sigaw niya habang inaalis ang mga icing sa mukha at buhok niya.

Natatawa nalang ako sa itsura naming dalawa.

~~


Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now