Bratinella.16

4.5K 73 5
                                    

Bratinella.16

Kasalukuyan akong naglilibot sa mall ngayon kasama si Grince. At ito ay dahil sa napakaraming dahilan. Una na syempre ang makalimutan ang kawalang-hiyaan ng magaling ko ang asawa. Nag-window shopping lang kami dahil tinatamad akong magbuhat. At isa pa ay may balak pa kong puntahan mamaya.

Hindi pinasama ni Grey si Cynthia dahil wala daw mag-aalaga sa Min-min nya. Hinayaan ko nalang dahil kelangan din ni Tom-tom ko ng tagapag-alaga.

 "Bes, gusto ko talagang bilhin yung mga nakita nating dress," paghihimutok ni Grince.

"Ay naku Bes, ang kulit mo talaga. Hindi nga tayo pwedeng mag-shopping ngayon, pupunta pa tayo ng bar after this. Remember?" sagot ko bago sumubo ng kimchi.

By the way, ito ang favorite resto namin dito sa mall. Korean Resto kasi eh.

"E'di bukas na lang tayo mag-bar hopping. Baka kasi mabili na yung mga dress na type ko eh," pangungulit pa rin ni Grince.

"E'di magshopping ka na ngayon. Hayaan mo na lang ako mag-isang magpunta sa Domicile de Shaye." tukoy ko naman sa favourite bar namin.

"Aysus! Tampururot na naman ang bestfriend ko," tugon ni Grince kasabay ng mahihinang paghagikgik.

"Hindi noh! Ayoko lang talaga umuwi ng maaga sa bahay. Saka, mabuti pa nga sigurong wag mo na lang akong samahan at baka masisi na naman ako ng magaling mong kuya."

"Ay naku, as if naman pabayaan nga kitang mag-isang pumunta ng bar noh!" sabi niya pa.

"Hindi na. Umuwi ka na lang. Kaya ko na naman ang sarili ko eh," pag-iinarte ko pa rin.

"Hoy bruha, isama mo ko. Wala kaya akong sasakyan pauwi."

"Sus! Akala ko pa naman mula sa puso mo ang pagsama sa akin, yun pala—"

"Ayy... masyado talagang matampuhin 'tong bestfriend ko. Syempre joke lang yun, para lang isama mo na ako. Please?" sinabayan pa ito ni Grince ng pagsalikop ng mga palad at ng puppy-eyes.

"Naku! Kung hindi lang talaga kita bestfriend!" pagsuko ko na sa makulit kong bestfriend.

"Yay!" napapalakpak pa talaga ang bruha sa saya.

Pagkatapos naming kumain ay hinintay lamang naming dumilim para makapunta na sa Domicile de Shaye. Nang makasakay kami sa kotse, ay pinaharurot ko na ito upang makapunta na sa naturang bar.

Kaya naman, ilang saglit lang ay nasa parking area na kami ng bar at nang makapagpark ay bumaba agad kami at pumasok na sa maingay at mataong lugar.

"This is the kind of place I'd always want to go!" sigaw ko nang tuluyang makapasok.

"Hindi katulad sa bahay na super boring at ang kuya mo lang na walang ibang ginawa kundi ang magbasa ng libro ang nakikita ko!"

Agad namang nabaling ang atensyon ni Grince sa isang gwapong bartender. Mukhang baguhan lang ito.

"Hi cute! Dalawang Martini nga," si Grince.

Siniko ko sya. "Uy Bes, pa-cute ka naman d'yan."

"Cute naman talaga siya Bes eh. Saka ngayon ko lang siya nakita. Siguro siya yung pumalit sa mukhang unggoy na manyakis na bartender dito," tukoy ni Grince sa isang napatalsik na bartender dahil sa panghihipo sa isang customer na babae.

"Malay mo naman manyakis din yan," bulong ko.

"E'di ayos, jackpot!" tuwang-tuwa niya pang sabi.

Binatukan ko sya nang mahina, "Loka-loka!"

"Aray! Masakit yun ha." napahimas siya sa ulo niyang nabatukan ko.

 "Tsk! Arte!" at nagtawanan kaming mag-bestfriend.

Ilang saglit lang ay dumating na rin ang order namin.

At habang nakikipagkwentuhan na si Grince sa gwapong bartender na Harry pala ang pangalan ay tahimik naman akong umiinom at nag-iisip.

Napakarami ko namang problema ngayon Lord. Sinabay-sabay Niyo naman po. Keri ko ba 'to?

Una, ang biglaang pagiging mag-asawa namin ni Grey. Pangalawa, allergy ko sa asawa ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung pano solusyunan. Pangatlo, ang pagbabalik ni Nepong Negro na isa na pala ngayong pinakasikat na modelo sa Italy. Dahil dito ay parang nai-intimidate na ko sa kanya.

At... pang-apat, ang parusa sa amin ni Grince ng magaling kong asawa.

Tsk! Kung hindi lang kasi OA yung baklang professor na yun, e'di sana hindi ko na iisipin pa kung ano ang magiging parusa sakin nung damuhong Grey na yun!

Dahil sa napakaraming iniisip ay nilunod ko na lamang sarili ko sa alak. Umorder pa ko nang umorder ng inumin na ngayon ay hindi na ladies drink kundi hard drinks na.

"Uy, Bes baka malasing ka na nang tuluyan niyan ha? Hindi kita kayang buhatin," paalala ni Grince .

"Okay lang ako Bes, huwag mo na akong intindihin." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos noon, ay sinunod-sunod ko pa ang paglaklak sa alak. Maya-maya pa ay naisipan kong tumayo mula sa kinauupuan at magpunta sa dance floor upang makisabay na sa pagsasayaw ng mga naroroon.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now