Bratinella.38 (18 lines she should remember)

3.8K 62 3
                                    

Bratinella.38 (18 Lines She Should Remember)


"May I dance with you beautiful young lady?"

Napangiti ako, "Of course, Papa."

As expected, ang papa ko ang first dance ko. Tumayo ako at tinanggap ang kamay niya. Nagtungo kami sa gitna ng dance floor.

Now playing: Best Day by Taylor Swift (Acoustic Version)

♪♫I'm five years old it's getting cold I've got my big coat on

I hear your laugh and look up smiling at you, I run and run

 Past the pumpkin patch and the tractor rides look now the sky is gold

 I hug your legs and fall asleep on the way home♪♫


"Ganap ka nang dalaga, anak."

 Napaangat ako ng tingin kay Papa. Kitang-kita ko ang namumuong mga luha sa gilid ng mata niya.

"Papa..."

"Naalala ko nung limang taon ka, lagi mong suot yung jacket ko na halos hindi ka na makita sa sobrang laki niyon."

Yes, naaalala ko yun. ewan ko ba, pero thankful na rin ako kasi hinid yun naapektuhan ng partial amnesia. It was a very beautiful memory toghether with my papa.

I giggled on the memory. Paborito ko nga'ng suotin noon ang jacket ni papa. Wala akong pakialam kahit wala na akong makita dahil sa sobrang laki nito. At pinagtatawanan na nila ako ni mama sa itsura ko nun.

"Lagi ka ring nakakatulog na nakayakap sa may paanan ko. In the end, lagi akong hindi nakakapasok sa trabaho sa pag-aalala kong magigising ka."

Muli akong napangiti. Sa totoo lang ay papa's girl talaga ako. Hindi nga ako nakakatulog dati nang wala si papa sa tabi ko. Sobrang bait ni papa na halos lahat ng luho ko ay binibigay niya. kaya nga nabansagan na rin ako ng karamihan na isang spoiled-brat.

"I love you, Papa."

"I love you too my one and only princess," tugon niya sabay halik sa noo ko.

Doon tuluyang bumagsak ang isang patak ng luha mula sa aking mata.

"Sir may I dance with your princess?"

"Of course," ani Papa sabay bigay ng kamay ko kay Russel na second dance ko.

"Ay, w-wait lang pala anak," pigil ni Papa sabay may kinuhang maliit na papel sa bulsa ng suit nya.

"Ano yan Pa?"

"Haha, muntik niyo pang malimutan Tito." sabi pa ni Russel.

"Oo nga eh," then, tinignan ako ni Papa. "Anak, I hope you remember this."

Lalong kumunot yung noo ko.

<A/N: from Bratinella.07>

"Ano bang utak meron ka ha?! Bakit mo naman naisip na isasakripisyo ko pa ang sarili ko para lang masira yang walang kwenta mong career? At para sabihin ko rin sayo, wala akong kaalam alam sa planong 'yon ng parents natin. Wala rin akong balak magpakasal sa isang spoiled-brat na katulad mo!"

"Huh?" takang-tanong ko sa sinabi ni Papa. "Ano pong sinasabi niyo, Papa?

Ngunit imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo.  After that, bigla nalang umalis si Papa.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now