Bratinella.35.2

3.6K 48 1
                                    

Bratinella.35.2

 -ELLA- 

Ay nako, kaya naman pala parang pamilyar ang suot nya, uniform pala ng school namin.

At ayun, ang stalker ko, napagkamalan pa 'kong si Grince na kapatid niya daw. Yes, kahit ako ay hindi makapaniwala. But since maraming pinakitang pictures saken si Grince noon kung san magkasama silang dalawang magkapatid ay naniwala na rin naman ako. Though ang hirap talagang paniwalaan nun.

Oo, natatandaan ko nga'ng may kapatid ang bestfriend ko, pero sa 'di malamang dahilan. hindi ko maalala yung mukha nya. kaya naman, palagi siyang nagpapakita ng pictures ng Kuya nya na palagi ko namang sinasagot ng: "Umay na umay na kamo ako sa pictures ng Kuya mo. -__-"


At ito pa, kahit paulit-ulit ang pagpapakita niya ng pictures skaen, para pa rin akong timang na paulit-ulit nalilimutan yun. Tss, ano ba talaga kasing meron sa pagmumukha nung lalaking yun at 'di ko magawang matandaan?!

Pero hinayaan ko nalang, mukhang 'di naman siya ganun kamiportante sa buhay ko eh. Tss, basta ang natatandaan ko lang, una kong nakita yung mokong na yun sa ospital nung magising ako.

Pero hindi ko sya nakikilala. At lalo akong natakot sa kanya nung yakapin nya.

Eew, perstaym may nagkalakas-loob na lalaking yumakap saken nang walang permission ko.

Kaya nakakainis!

"Si... si Grince ba ang sinasabi mo?"

Nagtaka pa ko sa kanya nang biglang manlaki ang mga mata nya nang sabihin ko yun. para bang nakahanap sya ng himala.

"Na-naaalala mo na?"

Kumunot ang noo ko. "Ang ano?"

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Obvious na disappointed sya.

Tss, ano ba kasi ang dapat kong maalala?!

-GREY-

Disappointed na napatingin ako kay Ella. Wala pa rin siyang naaalala. at hindi pa siguro ngayon yung time para pilitin siyang alalahanin ang lahat.

"Tara?" yaya ko na sa kanya.

"Where are we going?" tanong niya.

"Hatid na kita," sabi ko.

"Hahatid? Sa resto?" she asked.

"No, I'm sure naman wala na sila dun," simpleng sagot ko.

"Eh saan? sa bahay namin?!" she exclaimed.

"Yes."

"You know our house?!" tila gulat na gulat niya pang tanong.

"Syempre naman."

"So stalker nga talaga kita?" pambibintang na naman niya.

"Kapatid ako ni Grince so obviously alam ko kung saan ka nakatira."

Hindi ko na siningit pa ang pagiging mag-asawa namin, baka kasi mag-freak out na naman siya bigla.

Sa daan ay pareho lang kaming tahimik. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay wala pa ring nagsasalita sa amin pareho. Bumaba nalang ako sa kotse at saka pinagbuksan siya ng pinto. Hinatid ko sya hanggang sa front door ng bahay nila.

Nakita ko si Tita Ellaine, ang mommy niya, na nakaabang sa may sala.

"Good evening po," bati ko sa kanya.

Tinanguan lang ako ng mama ni Ella, batid kong may tampo pa rin sila sa akin. Kasalanan ko naman talaga.

Kung hindi dahil saken, hindi madidisgrasya si Ella. Hindi sana mawawala ang ilang alaala nya. Hindi ko sana sya namimiss ng ganito katindi ngayon.

~~

 -ELLA-

"Hi, 'Ma," bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya.

"Bakit sya ang naghatid sayo? Diba sa bi mo sa text mo si Nef ang kasama mong mag-dinner?" tanong ni Mama.

"Ay naku 'Ma, mahabang istorya. Sige po akyat na ko sa taas. Pagod na ko eh."

"Oh sige, goodnight anak."

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong humilata sa kama. And the usual feeling occurs.

I feel empty. Parang sa tuwing hihiga ako sa kamang ito ay may nararamdaman akong kulang.

At hindi ko mawari kung ano yun. Papikit na sana ako nang...

*BZZZZZZZZZZZZT!*

"Kyaaaaaaaaaaah!!!" napalundag agad ako nang marinig ang pamilyar na tunog ng pinakakinatatakutan ko—ang kulog at kidlat.

Maya-maya pa'y bigla pang umulan at nag-brown out.

"MAMA!" naiiyak na naman ako dala ng sobrang takot.

Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at saka pumasok si Mama. Humagulgol na ko sa sobrang takot.

Panay-panay pa rin kasi ang pagkulog at pagkidlat.

"Ashh, tahan na Ella. Nandito lang ako... hindi kita iiwan." sa sinabing iyon ni mama ay parang bigla akong may naalala.

Tila pamilyar na saken ang linyang yun. At hindi ko lang maalala kung sino ang nagsabi saken nun.

Hanggang sa tumigil ang ulan at nagkailaw na ay nasa tabi ko pa rin ang mama ko.

"Ma... dito ka lang ha. Huwag mo ko iiwan. gusto ko paggising ko nasa tabi pa rin kita."

"Yes baby... dito lang ako."

After that, pumikit na ko at hindi na nag-isip pa ng kung anumang bagay.


Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now