Bratinella.11

5.1K 84 2
                                    

Nefthali's photo above

Bratinella.11

"NEPONG NEGRO, IS THAT YOU?!"

He giggles. Kamuntik na kong malaglagan ng bra sa ginawa niya. Ang cute ng dimples niya! 

"Yeah, it's me! I'm so glad you can still recall me, Shaye," tugon niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang dating Nepong Negro kasi na madalas kong lait-laitin at utuin noon, ay ang puti at ang kinis na ngayon. At bukod pa dun, ang dating patpatin na katawan niya ay puro muscles na rin.  Hindi ko na rin siya masasabihang baduy manamit, dahil mukhang mamahalin pa ang suot niya kesa saken— Tommy Hilfiger.

"How are you Shaye? Sorry ha, hindi ko kasi alam na sayo pala yung parking space na yun," hinging-paumanhin niya pa.

"Ah, hindi okay lang. Sayo muna yun ngayon, tutal bakante naman yung sa harapan nun," nag-volunteer nalang ako, pasalamat siya gwapo na siya.

 "Papasok ka na ba? Gusto mo hatid muna kita sa room nyo?"

Yiieeh, ang sweet! Siguro may gusto pa rin 'to saken. Dahil sa isiping yun ay tinamad na 'kong umattend ng klase. Susulitin ko nalang ang pagkakataon na kasama ni Nefthaling gwaping! Hehe!

"Ah, wala pa naman kaming klase. Ang balak ko sana'y  tumambay muna sa may lobby," sabi ko pa.

Then as expected, he volunteered himself to accompany me. Ang haba talaga ng hair ko!

**

"Hi Ella!"

"Miss Ella, pa-autograph!"

"Miss Ella pa-kiss!"

"Huy ano ka ba. kita mo ng may kasama siya oh. miss Ella, boyfriend mo?"

"Gaga! Diba sabi ni Grince yung kapatid niyang sumuntok sayo yung boyfriend niya?"

"Bobo! Baka break na, sana nga!"

**

Hindi na bago saken yan. Everyday naman ganyan. Ella here, Ella there. Grince here, Grince there.

Pero alam niyo ba kung anong kinagulat ko? Ito ay nang maramdaman ang braso ni Nef sa balikat ko.

"Yup, I'm her boyfriend," sagot niya dun sa mga lalaki.

Patay! Bakit nya sinabi yun?! Malaking problema yun!

"Aw, Miss Ella! Boyfriend mo na agad yan?!"

Tinanggal ko agad ang pagkaka-akbay saken ni Nef.

"Ahhh, hehe... nagbibiro lang sya. Hindi ko siya boyfriend," sabay siko sa katabi ko.

Narinig ko ang mahihinang paghagikigik nya.

"Yeah guys, I'm kidding. I'm just her friend," bawi naman ni Nef.

"Ahh, buti na yung nakakasiguro..." sabi nung lalaki.

Then I smile plasticly to my fans and waved them goodbye.

~~

Nang makarating kami sa lobby ay naupo kami sa isang bench sa gilid. Dahil sa awkward atmosphere na namumuo sa pagitan namin ay naisipan ko nang mag-open ng topic.

"Ahh... Nepong Neg—este, Nef?"

"Hmm?" tumingin siya saken nang nakangiti.

"Ahh...bakit ka nga pala...ahh..." paano ko ba sasabihin 'to?

"Why did I turn into this good-looking appearance?" buong yabang niyang ipinagpatuloy ang gusto kong itanong sa kanya.

"Hindi lang pala physical appearance ang nagbago sayo pati—"

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now