Bratinella.30

3.8K 65 2
                                    

Bratinella.30

-GREY-

Gusto kong matawa sa kalokohan ng asawa ko, pero hindi pwede. Not this time, hindi ko muna palalampasin ang ginawa nya. Gusto ko siyang turuan ng leksyon sa pantitrip nya saken.

Kinabahan rin ako kanina noh. Akala ko nilalagnat na talaga siya. Mabuti nalang at nakahalata ako nung tumanggi siya magpadala sa doktor at saktong nahulog 'yung panyo ko kaya naman hindi ako nakaalis agad at narinig pa ang pagmo-monologue niya sa loob ng kwarto.

After that ay tinawagan ko agad si Tito Miguel, ang Papa niya, upang itanong kung gawain na ba talaga ni Ella ang ganung klase ng tripping.

At hindi naman ako nabigo dahil tinuro niya pa saken ang tactics ni Ella kapag nagkukunwariang may sakit. Kaya naman nakaisip agad ako nang paraan upang siya na mismo ang mambisto sa sarili niya.

Naglagay ako ng malamig na tubig sa isang basin at kumuha ng bimpo sa kitchen. After that ay nagtungo na akong muli sa kwarto niya at natatawa nalang sa mala-artista niyang pag-arte.

Syempre, umarte din ako na galit nung nabisto na niya ang sarili niya. And now, it's time for my sweet revenge.

Nagtungo muna ako ako sa kwarto ko at naligo. Kelangan, fresh ako bago ko gawin "yun".

Then, after maligo ay napakaraming mouth wash ang ginamit ko. Syempre, kelangan fresh breath rin.

Nag-sando nalang ako at nag-boxer shorts (kahit papano ay may "say" naman ang katawan ko, twice a week rin kasi ako kung mag-gym)

Nang ready na talaga ako ay pinihit ko na yung knob papasok sa kwarto ni Ella. Ngunit pagkapasok ko ay wala sya sa kama nya.

Then, may narinig akong lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naligo na siguro dahil hindi na rin natiis ang amoy bawang niyang katawan.

Napangiti ako. Ang timing nga naman.

*click*

Papapitlag ako at napatingin sa pintuan ng banyo habang unti-unting bumubukas iyon. Nagdesisyon akong magtago na muna sa loob ng cabinet since alam ko namang magsusumigaw lang sya kapag nakita nya ko dito.

It's my turn Ella dear. 

Saktong pagkapasok at pagkasara ko nung cabinet at siya namang labas nya ng banyo. iniwan kong naawang ng maliit yung pinto ng cabinet para makita ko kung papunta sya dito o hindi.

Pero nagkamali ako.

 Hindi ko kasi naisip na dahil sa hindi ko sinarang maigi ay may tendency, I mean, talagang makikita ko siya habang nagbibihis since nakatapat lang ako sa kanya.

"Sh*t." napatutop ako sa bibig nang hindi ko mapigilang magmura dahil sa nakita ko.

Kitang-kita ko kasi ang pagkahulog ng roba ni ella mula sa katawan nya. mabuti na lamang at kasalukuyan siyang nakatalikod saken ngayon.

Pumikit na lamang ako. hindi ko kaya... kahit na mag-asawa na kami, mali pa rin 'to. Hindi naman kasi tunay ang mga papeles namin bilang mag-asawa.

Bakit ba ko napunta sa ganitong sitwasyon. Ang balak ko lang naman sana ay kunin yung hotdog pillow nya at sa halip ay ako ulit yung pumalit dun tulad lang nung nangyari dati.

 Pero bakit ganto? Bakit umabot sa puntong nakita ko pa siyang hubad?

Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Palakas nang palakas. Tila palapit nang palapit sa direksyon ko.

Fuck, huwag naman sana.

Lord, promise makalabas lang ako dito, hindi na ulit ako magpaplano nang ganung—

"AHHH! MANYAK KA! ANONG GINAGAWA MO DITO! WALANG-HIYA KA!" aniya at pinagbabalibag ako ng mga damit mula sa cabinet.

Patuloy lang sya sa paghampas saken na tila hindi alintanang wala siyang 'ni anumang saplot sa katawan.

Napalunok ako.

This is true, right?

Ella is standing naked in front of me.

"Oh, God. This is so good to be true."

"MANYAK!"

Fuck. Did I just say it loud?

Sh*t, baka kung anong isipin nya!

Patuloy pa rin sya sa pagbayo saken. Ako naman na hindi na natiis ang sakit ay sinalag na sya, "Ella you're hurting me!"

"MANYAK KA KASI!"

"MAGDAMIT KA KASI!"

Doon sya napatigil. Gulat na gulat ang mukha. Dilat na dilat ang mata. Tila ngayon lang narealize ang ayos nya.

"KYAAAAAAH!!"

Damn, matutulig na ko sa babaeng 'to. 

"LUMAYAS KA SA KWARTO KO NGAYON DIN!"

***

Ilang minuto na ang lumilipas simula nang engkwentro namin ni  Ella kanina ngunit hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko kung gaano siya kaganda.

Ang swerte ko talaga sa asawa ko. I can't help but smile on the thought.

But at the back of my mind ay nagtataka na rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumababa.

"Tss, ano na bang ginagawa nung babaeng yun? Kakain na kami."

Gusto ko sana siyang checkin sa kwarto nya at mag-sorry na rin kaso baka kung ano na naman ang maiisip nya't pagbabayuhin na naman ako.

Sa totoo lang ay sumakit talaga ang katawan ko dun. That's why I came up with the decision na itext nalang siya.

To: Asawa ko to

Hey, dinner is ready. Baba ka na, sorry kanina. Mali ka ng iniisip.

 I sighed. Sana naman hindi siya galit. Sana bukas, ok na kaming mag-asawa.

 Aish! Oo na, alam ko namang hindi talaga kami totoong mag-asawa eh. Tss, nanghihinayang talaga ako na nagawa ko pang pekein yung mga papeles namin sa kasal. Psh, ang tanga-tanga ko! Wala na 'ata akong nagawang tama sa buhay!

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now