Bratinella.29

3.7K 60 3
                                    

Bratinella.29

Thank God,  last subject na rin sa wakas! Nakakatamad naman talagang magklase maghapon. 

Saka nakakamiss na rin kaya yung asawa ko. Ilang minuto ang lumipas nang bigla akong may mareceive na text message. Excited ko pang binuksan yun.

Pero nadismaya ako nang makita hindi si Grey ang nagtext, sa halip ay ang talent manager ko.

Ella, may shoot ka today. Be here at 5pm sharp.

Tss, ano ba yan? Akala ko pa naman makakasama ko na ang asawa ko pagkatapos nito. 

Uwian na at wala pa si Grey.

"Lintik, asan na ba yung lalaking yun? Masungit pa naman yung baklang manager ko. 'Pag sinabing sharp, sharp talaga dapat!"

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text na si Grey sa akin, pero wala pa rin. Tss, maitext na nga lang yung mokong na yun.

Hey, ang tagal mo. May shoot ako, 'di na kita hihintayin.

After that ay nagmadali  na 'kong nagtungo sa company namin gamit ang kotse ni Grince. Buti nga't hindi nagmadamot at naawa naman saken.

~~

"Okay, last 2 poses!" sigaw ng photographer.

Buti naman, inip na inip na 'ko eh. Tss, ano ba 'to? Parang 'di na ko nag-eenjoy sa trabaho ko ha. Dati-rati naman, gustong-gusto ko 'tong ginagawa ko. Bakit ngayon, parang nawawalan na 'ko ng passion sa pagmomodel dahil lang sa nasa isip ko buong shoot ay ang mokong kong asawa?! OMG, mukhang 'di na ata tama 'to? Ano bang dapat kong gawin?

"Okay good!" sigaw nung photographer. "Though, parang wala ka sa mood ngayon Ella. Bawi ka nalang next time."

Nginitian ko nalang siya. Pagtingin ko sa manager ko, nakasimangot. Okay, sorry naman. May paepal na nagre-rent kasi sa utak ko ngayon eh. 

Pagdating ko sa bahay ay wala pa rin si Cynthia.

"Haay, ano na kayang nangyari dun... nakakamiss na rin yung lokang yun ah." wala na 'kong mautusan eh.

Teka, wala pa rin si Grey? Tss, bruhong yun matapos kong hindi makapag-concentrate sa trabaho dahil sa kanya, hindi ko pa siya maaabutan sa bahay?! Argh! Humanda ka.

Agad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng garlic sa ref. At tulad ng gawain ko nun kapag tinatamad akong pumasok ay naglalagay ako ng bawang sa kili-kili para mag-init ang katawan ko at magmukhang may sakit.

Tiniis ko ang baho ng bawang. Then, pumasok na sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog.

Ilang saglit pa nang may marinig akong tunog ng kotse mula sa labas. Sinilip ko iyon and presto! Si Grey na nga!

Humiga na 'ko ulit sa kama at nagtulog-tulugan. Maya-maya pa'y naririnig ko na siyang tumatawag. Hindi ako sumasagot, tulog-tulugan nga diba?

Then kumatok siya sa pinto ng kwarto ko.

"Ella!" tawag nya.

Hindi ako sumagot. At ilang saglit lang ay naririnig ko na ang tunog ng door knob na bumubukas.

"Ella? Tulog ka ba?" tanong niya habang papalapit sa akin.

"Ella?" hindi pa rin ako sumagot at nanatili pa ring nakapikit.

Maya-maya pa'y umupo na siya sa gilid ng kama ko at tinapik ako nang marahan. "Ella? Ella, gising ka muna... Ella ma—mainit ka ha? Ella? Ella?"

Ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Yan ang dapat sayo, langya ka! Pinahirapan mo 'ko kakaisip sayo kanina habang nagshu-shooting ako.

"Ang taas ng lagnat mo, Ella gising." sabi niya matapos niyang salatin ang noo ko.

Syempre, dahil ang pagiging artista ang pangalawa sa pangarap ko. Umarte ako. Kunwari ginaw na ginaw at talagang hinang-hina.

"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" NO WAY! AYOKO SA INJECTIONS!

Umiling ako. "Huwag na..."

"Pero ang taas ng lagnat mo!" natataranta na siya. "Wait for me here, kukuha ako ng gamot sa ibaba.

Hindi na niya ko hinintay pang sumagot at nagdire-diretso nang lumabas ng kwarto.

Pagkalabas niya ay doon ko lang napakawalan ang kanina ko pang tinatagong tawa, "Hahaha! Nakakatuwa talaga yun si Grey! Hahaha! Naniwala agad na may sakit ako, eh pinagtitripan ko lang siya, hehe!"

After several minutes ay wala pa rin ang magaling na lalaking yun.

"Asan na ba yun? Nadaganan na ba ng gamot yun?!" tumayo ako upang silipin sana siya sa ibaba. Pero taranta naman ako sa pagbalik sa kwarto ko nang marinig ko ang papalapit niyang mga yabag.

Narinig ko ang pagbukas niya ng pinto at lumapit na muli sa akin.  Then, may kung ano siyang inilapag sa side table at tumabi sa akin. Maya-maya lang ay namalayan kong pinupunasan nya na ako.

OMG. di 'ko expected na gagawin nya 'to. Parang bigla tuloy akong nakonsensya dahil sa panloloko ko sa kanya.

Then, napapitlag ako nang sa may bandang kili-kili niya na ako pinupunasan.

Sh*t, nakikiliti ako. hihihi.

Natatawa ako, pero pigil na pigil ako syempre para di niya mahalatang nantitrip lang ako.

Hahaha, tama na Grey please. Super pigil na ko sa paglabas ng tawa.

"Kung natatawa ka, ilabas mo,"natigilan ako sa sinabi niyang yun, pero imbes na umamin ay umubo-ubo pa ko para mas pag-igihan ang pag-arte.

Pero, shet lang, nananadya 'ata 'tong lalaking 'to! Sobrang nakikiliti na talaga ako dahil hindi pa rin siya natatapos sa pagpupunas sa kili-kili ko.

Gustong-gusto ko nang humagalpak ng tawa.

"Tawa na kasi, hiya pa eh."

Dahil sa sinabi niyang yun ay tuluyan na kong napahagalpak ng tawa. Yung tawa na parang wala naman talagang sakit.

Natapos lang ako sa pagtawa nang tigilan niya ang pagpunas sa kilikili ko at pagtingin ko sa kanya, seryoso na siyang nakatitig saken.

Tapos maya-maya ay biglang ngumiti. "Ang baho mo Ella, amoy bawang ka, kanina pa."

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

Oo nga pala! Sa kili-kili ko nilagay yung bawang!

Hindi pa rin ako umiimik hanggang sa itapat nya na sa mukha ko yung bimpong may pira-piraso ng bawang. "Next time, kung mantitrip ka. Galingan mo ha? Yung hindi ko maririnig ang pagmo-mologue mo at hindi kita mabibisto, ok?"

Syete, narinig niya pala 'ko kanina! Akala ko pa naman, nakababa na siya nun. Tss!

"Ehh..." hindi ko alam ang idadahilan ko.

Patay. galit na ba sya? Nginitian ko lang sya ng pilit at nagpa-cute.

Sana lang hindi sya galit.

Then, bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa pinto. Pero bago siya tuluyang lumabas ay humarap siyang muli saken, "Don't worry, marunong din akong mantrip."'

Kinabahan ako.

"Just wait for me, at siguradong magugustuhan mo ang pantitrip ko," he winked at me before he finally left.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now