Bratinella.31.2

3.8K 44 4
                                    

Bratinella.31.2

 -ELLA-

Kinabukasan ay sinadya kong maagang umalis ng bahay. Hindi ko na hinintay pang gumising si Grey dahil wala naman akong balak sumabay sa kanya. Nahihiya pa rin kasi ako sa nangyari kagabi eh. hindi naman na ko galit sa kanya dahil na rin sa text niyang kanina ko lang nabasa. Ok na saken yun tutal eh humingi na sya ng sorry at siguro nga naging over-reacting lang ako kagabi.

Tinext ko nalang rin sya na ok lang yun at hindi ako galit sa kanya. Nag-sorry na rin ako dahil mukang nasaktan ko talaga sya sa pambabayo sa kanya kagabi sa may cabinet ko.

Pero kahit na hindi ako galit sa kanya, it doesn't mean na kaya ko na siyang harapin. Hindi na muna siguro ngayon. Sobrang hiya pa rin kasi ang nararamdaman ko towards him eh.

Sa school ay sinalubong agad ako ni Grince.

"Hi Bes! Tara cutting tayo!"

"Tss, ang gandang bungad n'yan Bes ah?" sagot ko.

"Sige na Bes, ang tagal na rin kasi nating hindi nakakapag-bonding eh. Saka buti nga pumasok ako ng maaga dahil tinext mo kong maaga kang papasok eh."

"Psh, as if namang gugustuhin mong tumambay pa sa bahay niyo kasama ang parents nyo?"

As you all know guys, matindi pa rin ang tampo nitong best friend ko sa parents niya kaya halos palagi rin siyang wala sa bahay nila.

"Sige na Bes, cutting na tayo please?" she pleaded.

"Hindi pwede Bes!" tanggi ko.

"Bakit naman hindi pwede?"

"Magagalit kuya mo," sagot ko.

"Ha?!" nanlaki ang mga mata niya at bigla nalang sinalat yung noo at leeg ko. "Wala ka namang sakit ah."

 "Wala nga, bakit?" ayoko nang umarte ulit, tama na yung kagabi.

"Aish, kelan ka pa nag-care sa kung anong magiging reaksyon ni Grey sa pinaggagawa natin?" naka-cross arms niyang tanong.

"I said, call him Kuya!" sabi ko ngunit inirapan niya lang ako.

"Sabi ko na nga ba eh!" maya-maya'y sigaw niya.

"Sabi mo na nga ba na ano?" naguguluhang tanong ko.

"NA MAY NANGYARI NA SA INYO NI GREY, FOR PETE'S SAKE!"

 "BES NAMAN, YUNG BUNGANGA MO!" sigaw ko rin sabay takip sa bibig niya.

Yung mga classmates kasi namin, halos nasa amin na lahat ng atensyon.

Tss, mawawalan pa ko ng career sa pinagsasabi nitong bruhang 'to eh! >.<

"Eh bakit kasi ayaw mo pang mag-cutting tayo? Minsan lang naman eh." sabi niya pagkatanggal niya ng kamay ko sa bibig nya.

Ay nako. kapag hindi ko naman pinagbigyan 'tong bestfriend ko, siguradong magtatampo 'to.

"Ano Bes?" aniya sabay sundot pa sa tagiliran ko.

"Sige na ng—"

*bzzt*

Napatigil ako sa pagpayag kay Grince nang biglang mag-vibrate ang cp ko. Kinuha ko yun at binasa.

From: Grey

Morning. Hindi mo man lang ako hinintay, katampo. :(

Para makabawi ka, hintayin mo ko sa classroom niyo mamayang uwian. May pupuntahan tayo. Okay? :)

Pasimple akong kinilig sa text message na yun ni Grey.

"Sino yan Bes? Si Grey?" usisa agad ni Grince.

Agad ko namang tinago yung cp ko.

"Ah h-hindi, si Mama yun, kinakamusta lang ako."

Obvious na hindi sya na-satisfied sa sagot ko, "Sus! Kelan ka pa nag-blush sa text ni Tita?"

 "Tss, hindi ah! Natural yan!" tukoy ko sa mapupulang pisngi ko.

"Ay naku, diretsahin mo nalang kasi ako na kaya ayaw mo ko samahang mag-cutting ngayon kasi may date na naman kayo ni Grey mamaya," si Grince sabay walk-out.

"Ey, teka teka lang Bes!"

Ngunit hindi nya na ko pinansin pa.

Maghapon ang lumipas na parang wala ako sa sarili.

At ito ay dahil sa dalawang dahilan: una, nag-cutting mag-isa si Grince at hindi sinasagot ang mga text at tawag ko. Ikalawa, ay ang text ni Grey kanina na susunduin nya daw ako at may pupuntahan daw kami.

 Saan naman kaya kami pupunta? Psh, nakaka-curious ah.

 Nang uwian ay agad kong niligpit ang mga gamit ko dahil baka bigla nang dumating si Grey. Pero after several minutes matapos kaming idismissed ay wala pa rin siya.

"Tss, langya yun! Lagi nalang late ah!"

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now