Bratinella.33.2

3.7K 44 1
                                    

 Bratinella.33.2

-GREY-

Tulad ng dati ay napagtabuyan na naman ako. Hindi pa rin sya naniniwala saken. It's almost a year, and still, hindi pa rin bumabalik ang loss memory nya.

Yes, Ella is undergoing a Retrogade Amnesia.

Which means, ang tanging hindi nya lang maalala ay ang mga tao at pangyayari na nag-occur sa kanya shortly just before the accident. that's why nang magising sya at makita nya ko na nasa tabi nya (never akong umalis sa tabi nya habang nasa coma state sya) ay nagsisisigaw sya dahil hindi nya ko nakikilala.

Nang subukan ko siyang yakapin upang pakalmahin ay lalo lamang siyang nagwala. At laking gulat ko pa nang pumasok ang both parents namin at si Grince ay nakilala nya ang mga ito. That's why Tito Miguel advised me to leave and it's best daw na wag munang magpakita kay Ella upang maibsan ang pagkashock nya sa mga pangyayari.

A month after, nabalitaan ko nalang na nagbalik na si Ella sa pagiging modelo habang nag-aaral. Lalo siyang sumikat after her accident. mas pinursige nya kasi ang pagiging magaling na modelo. Lalo pa't mabilis ang naging paghihilom ng mga sugat nya na caused ng kanyang car accident.

At nang hindi nya pa rin ako makilala ay nagdesisyon na kong unti-unting ipaalala sa kanya ang kung anuman ang meron saming dalawa.

First, nagtiyaga akong sumunod-sunod sa mga mall show at autograph signings nya. God knows how much I am hurting whenever I saw someone hugs or kisses her. para bang gusto kong suntukin kung sinuman ang magtangkang humawak sa asawa ko.

Pero, hindi ko magawa. Wala akong karapatan... wala "pa" akong karapatan.

Then, dahil na rin sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. I tried to tell her that I'm his husband (which was supposed to be true). but she turned me down, nag-freak out sya at mariing tinanggi na wala siyang asawa.

She's still the Ella I used to know. Yung mahal na mahal ang career at never itong ipagpapalit kahit kanino man. Pero hindi pa rin ako sumuko. sa dahan-dahang paraan, I tried to gain her memories.

Kung minsan ay nagpapadala ako ng text messages sa kanya na madalas ko ring itext sa kanya noon. pero walang naging epekto yun, infact, nagpalit pa sya ng number dahil doon.

At kagabi nga habang nagre-reminisce ako sa past namin ni Ella ay nakita ko ang mga pictures namin noong nagpunta kami sa Tagaytay.

After that, I came up with an idea. at ayun, naisipan kong iipit iyon sa magazine at papirmahan sa kanya. I'd expected na magiging ganun ang reaksyon nya at first, at ang plano ko sana ay ikukwento sa kanya ang lahat ng nangyari samen sa Tagaytay. But I didn't expect naman na ipapagtatabuyan nya ko at ipapakaladkad pa sa mga gwardya ng mall.

Talo na naman ako. Bumalik na naman sya sa pagiging fierce nya. Parang gusto ko na tuloy sumuko sa mga nangyayari ngayon.

"Hi Kuya! san ka galing?" salubong ni Grince pagkadating ko sa bahay ng parents namin.

Natutuwa ako kasi napapadalas na ang pagtawag nya saken ng "kuya" at medyo nagiging close na rin kaming magkapatid.

 "As usual." walang-gana kong tugon.

"Talaga?!" her smile widened. "May improvement na ba?"

Biglang nalungkot ang mukha nya kasabay ng pag-pout.

"Parang gusto ko na nga ring sumuko eh." sabi ko.

Then, biglang siyang napaangat ng tingin saken, "No way, Kuya!"

I smiled bitterly, "Mukhang wala naman kasing patutunguhan 'tong ginagawa ko eh. besides, mukhang masaya na naman sya ngayon. ayoko ng guluhin pa sya... ulit."

Hindi ko pa rin kasi nalilimutan na dahil saken kaya nag-suffer si Ella dahil aksidenteng kinasangkutan nya. She almost lose her career because of that.

Tinanggal siya sa company nila dati, kaya nga hiwalay na rin sila ni Grince sa trabaho. But inspite that, they're still the best of friends.

Pero hindi nya talaga maalala kung sino ako.

Kung sana, maalala nya man lang na kapatid ako ng bestfriend nya. Ok na saken yun... atleast she's not treating me as a total stranger.

"Kuya nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!"

Napatingin ako kay grincena mukang kanina pa ata nagsasalita, "H-huh?"

"Ang sabi ko gagawa tayo ng step-by-step process para maalala ka ni Ella."

"Eh? Ano namang step-by-step process yun?"

"Basta, just trust me on this Kuya."

I smiled on my little sister. This time, I just have to trust her.

I need to believe on her... just to win back Ella's heart.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now