Bratinella.19

4K 66 10
                                    

Bratinella.19

Isinisigaw ng isip ko na itulak palayo si Grey at sampalin. Pero hindi ko alam kung bakit parang iba ang idinidikta ng puso ko. It seems like my heart is commanding my body to let Grey continue what he's doing.

At hindi ko rin alam kung bakit ko sinusunod ang utos na yun ng puso ko. Kahit pa mapusok at marubdob ang ginagawang paghalik niya saken.

"Ugh.."ungol ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa way ng paghalik ni Grey.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagpatak ng luha sa aking mata. Pero ilang sandali lang ay unti-unti na ring bumabagal ang halik ni Grey at tila nakakaramdam na rin ako ng pagkalasing at paglutang sa kinatatayuan niya ngayon.

Sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong humalik. Pinipilit ko lamang sundan ang bawat galaw ng mga labi Grey.

Mabuti na nga lang at nakahawak sya ngayon sa bewang ko, kung hindi ay siguradong mawawalan na ko ng panimbang at malalaglag.

*

-GREY-

Sh*t! ano ba 'tong ginagawa ko?!

Bakit parang ayaw nang tumigil ng mga labi ko sa ginagawang paghalik kay Ella? Ang balak ko lang naman talaga kanina ay patigilin sya sa pagdaldal.

Kaya naman, marubdob at nakakasakit ang ginawa kong paghalik sa kanya noong una. Pero nang makita ko ang luhang bumagsak mula sa mata niya, ay napalitan agad iyon ng tenderness and sweetness.

Sa katunayan ay naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko ngayon. Ang naiisip ko kasing mas tamang gawin ay bumitaw na sa pagkakahalik dito, pero wala naman akong sapat na lakas para gawin iyon.

Tila may enerhiyang humihila saken upang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Tila mas nangingibabaw kasi ngayon ang pagbigyan ang kagustuhan ng puso ko.

Puso?

Hindi maaari.

Tila, doon naman lang ako natauhan. Agad akong bumitaw sa paghalik kay Ella. Gulat naman ang mukha nya na nakatingin lang saken.

"Tsk! Akala ko ba allergic ka sa'kin?" pinalitan ko ng inis ang kaninang kasiyahang nadarama.

Hindi sya tumugon. So I just stare coldly in her eyes and say,

.

.

.

"Bitch."

***

"Tss! Bwiset!"inis kong sinipa yung bato sa harapan ko.

Ewan ko kung bakit naaasar ako. Hindi kay Ella, kundi sa sarili ko mismo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi sa nagawang paghalik kay Ella.

Mas nagsisisi pa nga ako nang sabihan ko siyang bitch. Hindi ko talaga kasi alam kung bakit nasabi yun sa kanya. Ewan ko, pero yun lang talaga ang salitang kusang lumabas sa bibig ko.

Pakiramdam ko tuloy sa sarili ko ay ang sama-sama ko.

Tsk! Bakit ba ako naiinis sa sarili ko? Eh, tama lang naman ang ginawa ko. sinasabi niyang allergic sya saken, pero ni hindi niya man lang nagawang umangal nung halikan ko sya. tss, kahit na kaninong lalaki siguro pumapayag yun! 

Pero kahit ano pang sabihin ko ay hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko. Deep inside kasi ay nagngingitngit pa rin ang kalooban ko dahil nakokonsensya ako sa nagawa ko kay Ella.

Ayts! Hindi ako nakokonsensya! Hindi ako nakokonsensya! Hindi ako nakokonsensya!

Kaya naman dala ng sobrang pag-iisip ay nagdesisyon na lamang akong bumalik sa classroom at manahimik na lang sa isang tabi doon. Agad akong naglakad papunta sa pakay na lugar.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now