Chapter 30

7 0 0
                                    

CHAPTER 30

"So, what makes you come back here?", April asked.

Straight from the airport, dito kami sa bahay namin dumiretso. Hindi ko alam kung tama pa bang sabihing bahay "namin", dahil matagal na rin akong hindi natutulog dito.

Different from the last time I saw it, the walls are painted in black, sofas are white, marami na ring ilaw sa sala, hindi tulad noon. Masasabi ko na ginawa na nilang modern ang disenyo ng bahay.

"Don't tell me you just came here just to attend his parents' anniversary day.", ngumisi si April matapos itanong iyon.

Makapagtanong naman 'to, hindi ba siya masaya na umuwi ako?

Ngunit, bakit nga ba? The truth is.. I don't know. Parang naging alibi ko nalang yung anniversary na 'yan para maka-uwi rito.

I looked at my daughter's sleeping face. Agad naman akong napangiti. An angel from above.

"Gusto ko malaman ni Chisel na may anak kami. Iyon ang totoo.", pagsasabi ko ng totoo, nakatingin pa rin sa anak ko. "I know time will come and Chianna will look for her father's care and presence."

Naramdaman ko ang pag-upo ni Zoey sa tabi ko. Maingat niya akong niyakap sa bewang, ayaw makagawa ng kilos na ikagigising ng anak ko.

"I'm proud of you. Nanay ka na talaga. Mas iniisip mo yung kapakanan ng anak mo.", she said. "Kasi ang iba, ayaw ipakilala sa tatay yung anak nila, pero ikaw, iba ka."

"Zoey, ako yung may kasalanan sa kanya. I lost the communication with him simula nung mapunta ako sa Italy-"

"May dahilan kung bakit ka nawalan ng koneksyon sa kanya. At kasalanan 'yon ng Mommy mo.", pagputol niya sa sinasabi ko.

"Ayaw ko na muna siyang pag-usapan. What I need to do now is to explain to Chisel what really happened two years ago. I want him to know the existence of our child.", I said.

"Gosh, hindi ko 'to sinasabi dati sa'yo pero.. I missed you!", Zoey hugged me tight.

"Clingy mo na, huhu.", I faked a cry at her, tila inaasar siya. Syempre na-miss ko rin sila, ano. Sobra.

Buong high school at college life ko, sila na ang kasama ko, at yung dalawang taon na nakalipas ay mahirap para sa akin dahil hindi ko sila kasama. Sa dalawang taon na iyon, ang tanging mabuting nangyari lang sa buhay ko no'n ay ang pagbubuntis at panganganak ko kay Chianna. Ayun lang.

"Sab naman! Ngayon na lang kasi kita nakita! I missed you.", she replied.

"Yeah! We missed you! And this little one here.", April sat at the other side of the sofa and hugged me, too. Tinapik pa nito ang ilong ni Chi.

The two years I spent without them made me and my friends changed. Don't get me wrong, we changed to be better.

Si April, mas naging mature na, I guess? Hindi na siya yung tipo ng kaunting away nila ng asawa niya ay tatawag siya sa amin.

Si Zoey, ayon at naging clingy at naging madaldal! Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng break-up nila ni Nicholas, o ano. Mas naging maalaga na siya sa itsura niya kumpara noon.

At ako, tingin ko naman nag-mature rin ako? Ngayon kasi si Chianna na ang pinaka importante sa buhay ko, kaya puro kapakanan niya ang iniisip ko. Sa dalawang taon na iyon, napagtanto ko na tanging sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko. Na hindi lahat ng tao sa paligid mo, may pakialam sa'yo. Na sa huli, ikaw pa rin ang magtatayo sa sarili mo.

Agad akong napalingon kay Chi ng maramdaman ko na gumalaw siya, siguro dahil sa pagyakap ng dalawa sa amin. At katulad ng inaasahan, umiyak. Ang ingay kasi ng mga ito, e!

Beneath Those Eyesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن