Chapter 7

14 4 1
                                    

Hello! If you somehow like my story, please vote or comment! It will inspire me to write more, hehe. Thank you! ;)

Chapter 7

Anong oras na ba? Bakit, hindi ako makatulog?! Maaga pa ang pasok ko bukas sa coffee shop bukas. Argh!

Tumingin ako sa digital clock sa lamesita ko at nalamang 12:54 AM na. Kanina pa ako nagpapaantok, pero parang walang nangyari.

May isang rason akong naiisip kung bakit hindi ako makatulog, pero ayoko na isipin pa 'yon. Lalo na kung ako lang naman ang hindi makatulog dahil sa sinabi niya, at siya mapayapang natutulog na.

Did I just indirectly said the reason why I can't sleep?!

Nagdesisyon akong bumaba sa kusina para maka-inom ng gatas. Agad akong nagtimpla nang makababa ako. Umupo ako sa dining chair at tumunganga.

"Ano ba kasing ibig sabihin niya sa 'I give you the rights to be selfish of me.'?!", pagkausap ko sa baso ng gatas sa harap ko.

"Ibig sabihin ba no'n okay lang sa kanya ang magselos ako kapag may babaeng lumalapit sa kanya? Ganon ba 'yon, ha?", kung tao lang tong baso, baka nilayasan na niya ko sa ingay ko.

"Teka, ba't naman ako magseselos? Hindi ko naman siya gusto eh."

Ano ba naman 'to. Gatas palang ang iniinom ko pero para na kong lasing dito na kinakausap yung baso.

Bumalik na ako sa kwarto ko at sa wakas, dinapuan din ako ng antok.

~•~•~

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kanina pa 'to eh, hindi ko lang pinapansin. Ngayon, tumutunog nanaman. Naiinis 'kong sinagot ang tawag.

"Hello? Sinabi ba 'to ha? Naiistorbo ang tulog ko!", sagot ko sa medyo inaantok na boses.

"Hoy, ineng. Baka gusto mong bumangon na? Alas nuwebe na! Hahaha!", biglang nawala ang antok ko sa sinabi ni Zoey mula sa kabilang linya.

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Zoe, late na 'ko ng isang oras!", agad akong bumangon sa kama at kinuha ang tuwalya ko. Muntikan pang madapa papunta sa banyo.

"Anong ngayon lang? Kanina pa ko tumatawag! Check mo pa! Dalian mo, kanina ka pa hinahanap ni Sir!"

"Oo na, oo na! Ibaba ko na ang tawag! Paki sabi papunta na 'ko! Argh!"

Mabilisang kilos na ang ginawa ko. Wala pa atang 10 minutes ang ligo ko! Nagbihis na lamang ako ng maong pants, white shirt at white shoes. Wala ng plantsa plantsa pa!

Nag-komyut lang ako papunta sa shop dahil dala malamang ni Zoe ang kotse niya.

Nang makarating ako sa coffee shop agad kong nakita ang pigil na tawa ni Zoey. Tignan mo 'tong babaeng 'to, late na nga ako sa trabaho ng isang oras at mahigit, may gana pa siyang tawanan ako. Isang mabuting kaibigan.

Nagsusuot na ako ng apron ko at didiretso na sana ako sa opisina ni Ma'am Lynn para humingi ng pasensya ng lapitan ako ni Zoey.

"Lagot ka!", nakataas ang hintuturong daliri niya. "Late ka! Hahaha!"

Hinampas ko siya sa braso. "Bakit ba hindi mo ko ginising?! Ginagawa mo naman 'yon dati pa kapag di ako maaga nagigising, tapos ngayon, hindi?"

"Kaya hindi na kita ginising dahil alam kong puyat ka. Nakita kita pababa ng kusina, di ka ba makatulog? Bakit, ano bang nangyari sa date niyo ni Chisel kahapon?", nakangising tanong niya.

Bago ko pa siya hampasin ay narinig ko ang tawag sa'kin ni Ma'am Lynn.

"Sabrina? Come to my office. Now."

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now