Chapter 16

13 1 1
                                    

Chapter 16

Running nurses and staffs of the hospital are quick enough to assist us, as we reach the hospital. The man who had the accident were unconscious and seriously injured right now. Marami na rin na dugo ang nawala sa kanya.

Hindi lang kami ang tumulong sa binata, mayroon pang mag-asawa na tumulong at sila na raw ang mag-rereport sa pulis tungkol sa nangyari para mahanap ang drayber ng kotse na naka-hit-and-run, kaya kami na ang nagdala sa lalaki rito sa ospital.

The young man was rushed immediately from the emergency room to operating room. Kailangan daw kasi maoperahan ang ulo nung binata. Matindi raw ang impact ng pagkakabagok ng ulo nito. Nang isara ng isang nars ang pinto, lumingon ako kay Chisel.

"Chisel, kukunin ko lang yung phone ko sa kotse mo, para matawagan ko si Zoey na baka maya-maya pa tayo makauwi.", I said.

"Okay, samahan na kita.", he replied and hold my hand.

Nang makuha ko na ang cellphone ko, agad kong ni-dial ang numero ni Zoey. She answered the phone call after three rings.

"Sab? Pauwi ka na ba?", she asked.

Bilang sagot, sinabi ko sa kanya ang nangyari simula sa nakita naming aksidente at papunta rito sa ospital.

"What? Eh, ilang taon na ba 'yan? Nasaan ang mga magulang niya?", sunod-sunod na tanong niya.

"I think he's 19 or 20 years old? At yung tungkol naman sa magulang niya, hindi pa namin alam, dahil wala siyang phone or kahit wallet manlang nung natagpuan namin siya.", sagot ko.

"Paanong wala man lang siyang dala na phone or wallet?"

"I don't know, too, Zoey."

"O, sige, sige. Mag-iingat kayo d'yan. Si Chisel ba, kasama mo?"

"Yeah, he's with me.", lumingon ako kay Chisel.

"Mabuti naman. Sige, tatawag-tawagan kita mamaya."

When the line ended, pumasok ulit kami sa loob para hintayin ang doctor na lumabas at para malaman namin kung kumusta na ang binata.

Naghintay pa kami ng matagal sa labas ng emergency room, mga isa at kalahating oras. Nararamdaman ko na rin ang pagod sa katawan ko, para bang gusto na nito mahiga at matulog muli. Pinipigilan ko ang mapapikit dahil alam kong nakatingin sa akin si Chisel.

Napapagod na rin ang utak ko isipin kung paano namin kokontakin ni Chisel ang mga magulang nung binatang naaksidente.

"Tara na, i-uuwi na kita. Ako na bahala rito.", saad niya. Ipinatong niya ang kanyang braso sa inuupuan ko at dumiretso ng tingin sa akin. "Inaantok na yung mga mata mo. You should take a rest."

Hindi naman na ako kumontra pa sa sinabi niya at pumayag nalang na ihatid ako at si Jax na umuwi na.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Zoey sa gate. Sabay kaming lumabas sa kotse ni Chisel. Ako ay dumiretso kay Zoey, at siya naman ay sa back seat para kay Jax. Nanatiling tahimik si Zoey hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Maybe she noticed how tired I am.

"Anong nangyari? Okay na ba yung lalaki?", tanong niya ng maka-upo kami sa sofa.

"Nasa ospital pa siya, eh. I hope he'll be okay.", I replied.

Mula sa pagkakabitbit ni Chisel, pilit na gustong bumaba ni Jax, at hindi na ako nagulat pa nang lumapit siya sa mga paa ko. Agad ko naman siyang binuhat at nilagay sa kandungan ko.

Because of what Jax did, I can't help but laugh! Lalo pa akong natawa nang makita ko ang busangot sa ekspresyon sa mukha ng boyfriend ko.

"Oh, we're sorry, Daddy.", I said, still laughing.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now