Chapter 26

7 0 0
                                    

Chapter 26

Ilang segundo lang ay nakita ko na ang paglalakad ni Chisel papunta sa gawi ko. Agad kong ibinalik ang cellphone kung saan niya ito naiwan. Tumunog itong muli pero hindi na ako nag-abal pang basahin iyon, dahil panigurado mula na naman iyon sa babae niya. Sapat na ang nabasa ko bilang ebidensya ng panloloko niya.

Huwag ka magpapahalata sa nabasa mo, Sabrina.

Kumalma ka lang.

Kung may iba man siya, hiwalayan mo na agad.

Hindi mo deserve ang maloko.

Nobody does.

He placed the jacket over my shoulders. Umupo siya sa tapat ko at ngumiti.

"Better?", he asked.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako sumagot.

"May nagtext sa'yo. Basahin mo muna.", I told him instead.

He opened his phone and read the texts he got from his girl. I smirked at my thought, his girl. And that's not me.

"Sino 'yan? Anong sabi?", tanong ko, pinapakalma ang sarili.

"Si Ethan. Nagtatanong kung iinom daw ba kami.", he answered. 

Tuluyan nang tumulo ang mga pinipigilan kong luha. Hindi ako makapaniwala na niloloko niya ko. Huling-huli ko na siya! I've read the text! He's with another girl!

Nagsisinungaling siya sa'kin! Harap-harapan pa!

"Chisel! Bakit?!", I shouted and cry in front of him.

"A-ano?"

"Bakit mo ako niloko?!", tumayo ako at ganoon rin siya. Binato sa kanya ang jacket niya sa sobrang galit ko.

"Ano bang sinasabi-"

"Nagtext ang babae mo sa'yo! She's greeting you a happiest birthday! She even has the guts to call you 'baby ko'!", I cut him off.

"What a cheap endearment, Chisel!", I screamed.

Nakatitig lang siya sa'kin, jaw dropped.

Ano, hindi siya makapaniwala na alam ko na na may babae siya? Ha?

Na hindi lang ako ang girlfriend niya?

Na nabisto ko na na manloloko siya?

Akala ba niya ayos lang sa akin ang dalawa kaming girlfriend niya?

Pwes, I'm not his girlfriend anymore.

Tapusin na natin ito.

Naglakad ako paalis na sa Mt. Aveles. Nang hatakin ni Chisel ang braso ko pabalik sa kanya. He looked at me, curious and anger is evident in his eyes.

Ano? Siya pa yung galit?

"Baby-"

"Don't call me with that endearment! Tapusin na natin 'to! Hindi ko kailanman matatanggap na niloko mo ako!", sigaw ko sa mukha niya.

"Sab, si ate yung nagtext!", saad niya.

"Ah, talaga? Ang galing mo! Dinadamay mo pa ang ate mo sa mga kalokohan mo!"

Ate niya daw? Huwag ako!

I felt him tightened his hold in my arm. Patuloy naman ang pag-iyak ko.

"Dito ka lang sa tabi ko.", sabi niya habang may kung anong pinipindot sa cellphone niya.

At talagang harap-harapan niya pang pinamumukha sa'kin na may babae siya?! Ano, nagrereply na ba siya doon sa babae na 'yon?

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now